CHAPTER 13 Erra's POV Maagang umaga iyon, at halos tahimik ang paligid habang binabaybay namin ni Mr. Jadia ang kalsada, sakay sa itim niyang van na palaging malinis at maayos. Tahimik lang siyang nakatingin sa kanyang laptop, nagbabasa ng ilang report habang ako naman, tahimik na nakabantay. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, ngunit may kutob akong hindi maganda. "Lieutenant Hidalgo, mukhang masyado kang seryoso ngayon," ani Mr. Jadia, ni hindi man lang nililingon mula sa kanyang screen. Kahit estrikto at medyo malamig ang tono niya, naaaninag ko ang pagka-composed niya. Parang walang makakapigil sa kanya, kahit pa sa isang normal na araw tulad nito. Tumango lang ako at ngumiti ng bahagya. "Gusto ko lang siguraduhin na walang aberya, sir." Kahit na nasa tabi lang ako, hindi ko

