CHAPTER 13 Third Person POV Sa tanggapan ng Jadia Corporation, isang tahimik ngunit masiglang araw ang sumalubong kay Nosgel. Habang papasok siya sa building, bakas sa kanyang mukha ang pormalidad at ang dating palagi niyang dala-dala bilang CEO ng kumpanya. Nakasuot siya ng kanyang itim na suit, at bawat hakbang ay nagpapakita ng kanyang pagka-strikto at arrogance—katangian niyang kinikilala at iniiwasan ng kanyang mga tauhan. Sa mismong oras na iyon, nakatayo si Lieutenant Erra Hidalgo sa may lobby, naghihintay para sa isang meeting kay Nosgel. Pormal siya, gaya ng nakagawian niya sa trabaho, ngunit hindi niya maiwasang maging medyo tensyonado. Sa isang banda, natutuwa siyang makakausap muli ang estriktong CEO, ngunit sa kabila nito, naroon ang konting kaba. Ang kanilang pinagsaluhang

