Chapter 8

1053 Words
Chapter 8 AVA Binuksan ko ang gate ng boarding house na inuupahan ko at isinara din nang makalabas ako. Bago pa man ako maglakad para pumunta sa pinagtatrabahuhan ko ay tumigil muna ako para i-check kung nasa bag ko na ba ang cellphone at baon ko. Nang masiguro ko na naroon ay naghanda ako sa pagpasok sa convenience store. Naglalakad lamang ako since ilang metro lang naman ang layo niyon sa boarding house. Nakakailang hakbang palang ako nang mapansin ko ang dalawang kotseng itim na nakaparada sa gilid ng daan. Kumunot ang noo ko kasi bihira ang mag-park ng kotse lugar na iyon lalo't halatang mamahalin ang mga ito. Bumukas ang pinto ng kotse at doon lumabas ang mga lalaki na nakapako agad ang tingin sa akin. Kaagad na kumunot ang noo ko. Bakit kung makatingin sila sa akin ay parang may masama silang binabalak? Bago pa man ako makahuma ay nagsalita ang isa sa mga lalaki. "Siya na 'yon!" Agad silang lumapit sa akin dahilan para mapaatras ako. Ang unang pumasok sa isip ko ay ang tumakbo ngunit nahawakan kaagad ng isang lalaki ang kanang braso ko. "Ahh!" sigaw ko kasabay ng pagsapak sa lalaki. Nabitawan niya ako at akmang tatakbo ulit ngunit may nakahawak na sa dalawa kong braso. "Ano ba! Sino ba kayo?! Anong gagawin niyo sa akin!" pagsisigaw ko. Nagpupumiglas ako na makawala sa kamay ng dalawang lalaki ngunit sadyang malakas sila. "Sumama ka sa amin. Pinapasundo ka sa amin ni Boss." "Boss? Sinong boss?! Bitiwan niyo ako!" sinimulan nila akong hilain papunta sa kotse ngunit binigyan ko ng isang tadyak ang lalaki na nakahawak sa kanang braso ko. Napaaray ito dahil tinamaan ko lang naman ang tuhod niya. Pero hindi nila ako binitawan. Mas lalo nila akong pwenersa na hilahin papasok kotse. Nagsimulang tumibok nang malakas ang puso ko. Talaga gusto nila akong kidnapin. Talagang desidido silang ipasok ako sa kotse. Nilakasan ko pa ang pagsigaw ko dahilan para magsilabasan sa kani-kanilang bahay ang mga tao na naroon sa eskinita. "Hoy! Anong ginagawa niyo sa kaniya!" sigaw ng lalaki. "s**t! anong gagawin natin?" "Tulong! Tulungan niyo ako!" pagpupumiglas ko habang sumisigaw. Akmang lalapit ang lalaki na sumigaw nang hawakan ng nakaitim na damit ang mukha ko at panyo na itinakip sa ilong ko. Isang hindi maipaliwanag na amoy ang naamoy ko sa panyo dahilan para umikot ang paningin ko at tuluyang manghina. Dali-dali nila akong inilagay sa kotse bago pa man sila dumugin ng mga tao sa lugar na iyon. "Bakit mo siya pinatulog?" narinig ko pang tanong ng lalaki habang nanghihina na isiniksik nila ako sa backseat ng isang kotse. "Baka mapagalitan tayo ni Boss." "Mas malilintikan tayo kay Boss kapag hindi natin siya dinala sa kanya ura mismo." Iyon na lamang ang narinig ko bago ako tuluyang mawalan ng malay. *** Kumunot ang noo ko nang may maramdaman akong gumalaw sa tabi ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Tumambad sa paningin ko ang malaking kurtina na asul at cream ang kulay. Nasaan ako? Unang tanong na pumasok sa isip ko. "Good morning sleepy head." Napatingin ako sa likuran. Nakatagilid kasi ako ng higa. Doon ko nakita si Finn na nakaupo sa tabi ng hinihigaan ko. Napasigaw ako kasunod nang pagbangon ko. "Anong ginagawa mo dito?! A-Anong ginagawa ko dito?" Naitakip ko pa ang kumot sa katawan ko kahit suot ko pa naman ang uniform ng convenience store. "Relax. Walang nawala sa 'yo. At saka... hindi naman 'yan kalakihan para pagdiskitan ko." nakangising sabi ni Finn sabay tingin sa dibdib ko na tinatakpan ko pa ng kumot. Naitikom ko ng mariin ang labi ko. Inis na ialis ko ang kumot sa dibdib ko. "Tinatanong kita kung nasaan ako. Paano ako napunta dito at bakit nandito ka? Kinidnap mo ba ako ha? Para sabihin ko sa'yo wala akong pera na maiaabot sa 'yo. Nakita mo siguro ang laman ng wallet ko. 500 pesos na lang! Pinagkakasya ko na lang 'yon sa susunod kong sahod!" "Ang dami mong sinabi. Ba't naman kita kikidnapin dahil sa pera? Eh madami na ako 'non." "So bakit nga ako nand-" Napatigil ako nang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki na nakasuot ng itim na T-shirt. "Boss, nakahanda na po ang sasakyan," wika ng lalaki. Agad akong napasinghap nang makilala ko ang lalaki. "Teka! Ikaw 'yong lalaking nangidnap sa akin!" bulalas ko habang nakaturo sa lalaki. Napatingin ako kay Finn na noon ay nakangisi. Bigla ay nagkaroon ng realization ang utak ko. "Teka... huwag mong sabihin inutusan ka ng lalaking ito para kidnapin ako?!" wika ko sa lalaki sabay tingin kay Finn. "Yes I am..." Finn grinned. Biglang tumaas ang dugo sa ulo ko kasabay ng pagsapok ko sa ulo ni Finn. "Aray!" wika ni Finn. Nakita ko na gumalaw ang utusan na lalaki ni Finn at kinuha ang baril sa tagiliran niya sabay tutok sa akin. Napasinghap ako at kaagad na natulala. Agad naman tumayo si Finn para harangan ang ako sa utusan niya. "Don't do that. I'm fine." "Pero sinapok ka niya sa ulo boss." Pigil-hininga na pinagmasdan ko ang lalaki na may hawak na baril. Tae, sinapok ko lang sa ulo. Babarilin na agad ako? "I said I'm fine," seryosong wika ni Finn. Unti-unting ibinaba ng lalaki ang baril niya. "Sorry boss." "No not me. Say sorry to her. Tinakot mo siya." Tumingin sa akin ang lalaki. "Sorry po ma'am." Wala akong ibang nasabi kundi ang tumango na lamang. "Hintayin niyo na lang kami sa labas." Tumango naman ang lalaki saka umalis ng kwarto. "Kami? Saan naman tayo pupunta? At saka, ano ba talaga ang pakay mo sa akin? Hindi mo ba nakita na may trabaho pa ako?! Bakit kailangan mo akong kidnapin ha?! Sumagot ka!" Napasabunot sa ulo si Finn. "Tangina naman pwede isa-isa lang ang tanongin mo sa akin?! Nagdedemand ka sa akin ng sagot eh halos ayaw mo na akong pagsalitain." "Gusto ko ng umuwi sa amin." wika ko sabay alis ng kama. "Nasaan ang bag ko?" "Hindi ka uuwi." "Ano?!" nabibiglang tanong ko kay Finn. Pinagkatitigan ako ni Finn. 'Yong titig na tagos pati kaluluwa ko. "You heard me. Hindi ka uuwi. Dito ka na uuwi. Magsasama na tayo sa iisang bubong, Ava." Isang malakas na pagsinghap ang ginawa ko. "Ano?!" malakas na boses ko ang nangibabaw sa buong kwarto na iyon. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD