Chapter 7
AVA
"AHH!" sigaw ni Joyce nang pabagsak kong inilagay ang binalatan kong mangga sa lamesa. "Nakakagulat ka naman Ava." wika pa nito. Napahawak siya sa dibdib niya sa matinding gulat.
Hindi ko siya pinansin. Bagkos ay nagngingitngit ako habang nakapako ang mga mata ko sa palabas na nasa TV.
"Tingnan mo nga namn. Sa lahat ng pwedeng ibalita ay pamilya pa ng Montorio ang makikita ko. At ang makapal na mukha pa ng lalaki na iyon ang tatambad sa screen," gigil na sabi ko kasabay ng pagtaas ko ng kutsilyo.
"Teka... aanhin mo ang kutsilyo?"
"Ipangcha-chop chop ko sa lalaking 'yan!" inis na wika ko habang patuloy na naka-flash sa screen ang mukha ni Finn.
"Grabe ka naman. Grabe naman ang galit mo kay Finn."
Napatingin ako kay Joyce. "At ano naman ang ba ang dapat kong maramdaman sa pag-iwan niya sa akin sa ere matapos niya akong pagpapanggapin sa harap ng lolo niya na girlfriend niya?"
"Oh relax. Hindi ako ang kalaban mo dito." wika ni Joyce kasabay ng pagtaas ng kamay niya na tila sumusuko sa biglaang pagtaas ng boses ko.
Kumuha ako ng hangin at kumalma. Inis na umupo ako sa sofa. Nasa bahay ako ni Joyce. Wala kasi akong magawa sa boarding house kaya nagliwaliw ako sa bahay nila. Malapit lang naman ang bahay nina Joyce sa inuupahan ko. Alas 8 na ng gabi at katatapos palang ng shift namin.
"Hanggang ngayon kasi naiinis parin ako sa lalaking 'yan!" Inilagay ko sa center table ang kutsilyo at pinag-cross ko ang mga braso ko.
"Ano ka ba. Isang linggo na rin halos ang nakakalipas. Move on na."
Muli akong bumuntong hininga. Yeah, isang linggo na mula nang iwanan ako ng bwisit na lalaking iyon sa labas ng mansion ng lolo niya kung saan hindi ko alam kung paano at saan dadaan para makalabas ng subdivision na iyon. Hindi pa naman ako masyadong matandain sa daan lalo kapag unang beses ko palang ito napupuntahan. Gladly, hindi na nga kami nagkita dahil kung nagkataon ay baka binalatan ko na nga siya ng buhay!
"Bakit ba nakafeature ang lalaking iyon sa news?" usisa kong tanong kay Joyce. Iba na kasi ang naka-flashed sa balita.
"About sa lolo niya. At sa binigay na mansion ng lolo niya kay Finn. Grabe, totoo pala talaga ang sinabi mo. Bigtime nga pala talaga sila."
"Tsss..."
"Binigyan ni Mr. Montorio si Finn ng bahay. Ibig sabihin ba 'non nakuha niya na ang mana niya? So... effective yung pagpapakilala niya sayo bilang girlfriend sa lolo niya."
Napairap ako. "Ewan ko sa kanya. Wala naman na akong pake sa lalaking 'yan."
"Ang bilis naman mauto ng lolo niya. May pinakilala lang na gf binigay na agad ang mana."
****
FINN
"What?! Gusto mong pakasalan ko ang babaeng 'yon?!"
Sumimsim muna si Lolo ng paborito niyang tea bago siya muling nagsalita. "Yes. You have to propose to her, marry and live at the same roof."
Napatayo ako. "No way!"
"Kahit ayaw mo. Susundin mo ako Finn Henry."
Napatingin ako sa kanya. "f**k! Sinunod naman kita na hanapin ko ang babaeng 'yon ligawan para maging girlfriend. Hindi pa ba sapat 'yon?"
"And I know na hindi mo naman talaga siya linigawan. You are not sincere with what you did. Malamang sa malamang ay nagpapanggap lang kayo sa harapan ko."
"Lolo, linigawan ko 'yon! M-Maniwala ka," pagsisinungaling ko.
"Really? Then I want you to live with the same roof. Doon sa mansion na binigay ko sa 'yo. Doon kayo magsama."
"What? Are you out of your mind?" Hindi ko na napigilan na sabihin iyon sa kanya. "Bakit ko naman gagawin 'yon?"
"Kasi gusto ko."
"Stop manipulating me, old man!" Hindi ko na napigilan ang bibig ko dahil sa pagkabigla ko sa sinabi niya.
"Gusto mong makuha ang paborito mong sports car hindi ba? At si Calix, hindi ba gusto mo na siyang makita?"
Napatigil ako. Napatingin ako kay Lolo. Napatiim-bagang ako "Dahil parin ba ito sa nangyari five years ago?"
"Yes," deretsahang sagot ni Lolo.
"f**k!" Sinipa ko ang sofa na nasa katabi ko pero hindi man lang natinag si Lolo habang si Bernard na noon nasa tabi ni Lolo at tahimik na nagmamasid sa amin ay bahagyang nagulat sa ginawa ko. "Ilang beses ko bang sinabi sa 'yo na pinagsisisihan ko na kung ano man ang nangyari noon!"
"Alam kong pinagsisisihan mo na. Pero gusto kong makita na nagsisisi ka na talaga. Gusto kong itama mo ang lahat." Kahit masyado ng mataas ang boses ko ay nanatili parin kalmado si Lolo which find me iritating. Kasi halos bulkan na akong sasabog sa harapan niya pero parang naaaliw pa siya sa itsura ko.
"Hindi na matatama ang lahat Lolo. Kasi patay na si Aria."
"Maitatama mo pa 'yon sa katauhan ni Ava. Hindi ba sabi mo linigawan mo siya kaya napasagot mo siya?"
Hindi ako nagsalita.
"Then prove to me na kaya mong palawigin ang pagmamahalan niyong dalawa. Live with Ava sa mansion na binigay ko sa 'yo."
"Paano kung hindi siya pumayag na sumama sa akin?"
"Then what you gonna do?" pabalik na tanong ni Lolo sa akin. Muli siyang sumimsim ng tsaa kasunod ng pagngisi niya.
Napailing ako kasunod ng pagbuntong-hininga. "Unbelievable. You're so unbelievable."
Tinalikuran ko siya at malalaki ang hakbang na nilisan ang terrace kung saan kami nag-usap.
"I'll give you your sports car once pumayag siya na magsama kayo sa iisang bubong," pahabol na sabi ni Lolo sa akin.
Tumiim ang bagang ko. "Argh! Damnit!" Boses ko na halos umalingawngaw sa buong mansion.
***
FRANCISCO
I drink my tea habang sinusundan ng tingin si Finn na papaalis ng terrace. Hindi ko mapigilan matawa ng mahina sa tinuturan ng apo ko.
Ilang sandali ay bumuntong-hininga ako. Inilapag ko ang tasa ng tsaa ko sa lamesa. Kinuha ko ang litrato na nasa bulsa ko.
Pinagkatitigan ko iyon. It was the picture of Aria and Calix five years ago. Baby pa dito si Calix. Now, he's already five years old.
Nakaramdam ako ng matinding kalungkutan habang hinahaplos ang litrato.
"Sir... naniniwala ba kayo na niligawan nga ni Finn ang kapatid ni Aria?"
Umangat ang ulo ko para tingnan si Bernard na noon ay nasa gilid ko.
Umiling ako. "Hindi. Pero umaasa ako na makakaramdam ng pagmamahal si Finn. Kasi iyon ang gusto ni Aria. Iyon ang matagal niya ng gustong maramdaman."
"Hindi kaya magkagulo lang lalo kapag nalaman ni Ava ang tungkol sa kapatid niya at si Finn? At ang dahilan ng pagkamatay ng kapatid niya?"
"Well, once na mangyari 'yon... ano kaya ang gagawin ni Finn? He have to face it Bernard. That's the consequences of all the things he did to Aria. Hindi niya iyon pwedeng talikuran. Kailangan niyang harapin ang mga bagay na 'yon.
***