Chapter 6
AVA
Hindi ko na natanong si Finn kung ano ang ibig niyang sabihin sa sinabi niya kasi pumasok na kaagad siya.
Kahit nalilito at nalulutang na ako ay binigyan ko ng lakas ang mga paa ko na humakbang para pumasok sa kwarto na iyon.
Inilibot ko ang paningin ko sa loob. Elegante at pang mayaman talaga ang dating ng kwarto na iyon. Ang lawak niyon ay kasinglawak o doble pa sa bahay namin sa probinsya.
Sa gitna nang silid ay may kama na king size ang laki. Umagaw sa atensyon ko ang isang doctor at dalawang nurse kung saan naroon nakahiga sa kama ang isang matanda.
"Halika ipapakilala kita kay Lolo."
Hinawakan ni Finn ang kamay ko at hinila ako para lumapit sa lolo niya. Habang humahakbang ay hindi ko mapigilan mapatingin sa kamay niya na nakahawak sa akin. Bigla ay nakaramdam ako na tila kuryente na kaagad ay dumaloy sa buong katawan ko. Pero saglit lang iyon dahil umiling ako kaagad at binawi ang kamay ko sa kamay niya.
Pero kumunot ang noo ko kasi hindi ko agad iyon mabawi dahil mas hinigpitan ni Finn ang paghawak sa kamay ko. Napatingin ako kay Finn.
Nilingon niya ako pero wala akong emosyon na nakita sa mga mata niya. Para bang wala naman sa kanya kung hinawakan niya ang kamay ko.
Agad ko naman iwinaksi sa isip ko ang paghawak ni Finn sa kamay ko. Natural na natural lang sa kanya ang galaw niya bakit tila nagiisip ako ng iba sa kinikilos ng lalaking ito?
"How is he, Bernard?" tanong kaagad ni Finn sa isang lalaki na naka-suot na tuxedo. Matikas ang tindig niya kahit ang edad niya ay mga nasa singkwenta na.
Tumingin naman ako sa matanda na nakahiga sa malambot at malaking kama. Mga nasa edad 70 na rin ito. Puti na ang buhok at kitang-kita ang kulobot sa balat. Ngunit gayunpaman ay hindi parin niyon naitatago ang itsura nito na paniguradong noong kabataan ay marami din ang pinahanga. May oxygen na nakakabit sa kanya. Nakalagay ang hose niyon sa ilong niya.
Doon ko napagtanto na namana ni Finn ang tangos ng ilong nito.
"Nakatulog na po siya sa kakahintay sa 'yo, young master." Tumingin sa akin si Mr. Bernard. Suddenly, nakita ko na bahagyang nagulat ang mga mata niya.
"Ahh, she's Ava. Ava he's Bernard our butler."
Ngumiti lamang ako dahilan para mas lalong makita ko ang gulat sa mga mata ni Mr. Bernard.
"Ava?" Lumipat ang tingin ni Mr. Bernard kay Finn. Sa tono ng pananalita niya ay parang may nakita siyang ibang tao sa akin. Ako naman ang kumunot ang noo sa tinuturan ng butler.
"Ahh, Bernard could you please get us some juice?"
"Ah-Ahm... sige po sir."
Muli siyang tumingin sa akin.
"Bilis na."
"Ahm... opo."
Agad na tumalima ang butler. Kunot ang noo na nilingon ko ang butler na noon ay bahagya pang nagulat nang muli siyang lumingon at nagtama ang mga mata namin.
"Ang wierd naman ng butler niyo." nakakunot ang noo na wika ko kay Finn.
"Ahh... yeah, he's really weird." Hindi ko alam kung bakit pero kabado si Finn nang bigkasin niya ang mga salitang iyon.
"Ahm... just a second may titingnan lang ako sa labas. Babalik din agad ako." muli ay sabi ni Finn bago pa man ako makapagsalita ay agad siyang tumalikod at dali-daling naglakad patungon sa pinto ng kwarto.
Nilibang ko na lamang ang sarili ko sa pagtingin-tingin sa mga mamahalin na vase at paintings na nasa loob ng kwarto na iyon. Sa side ng kwarto ay mayroon office table. May pangalan na naroon. 'Francisco Luisito Montorio'. Kung hindi ako nagkakamali, pangalan iyon ng lolo ni Finn.
Ilang minuto lang din ang lumipas ay bumalik din kaagad si Finn. Sakto at tapos narin ang doctor sa ginagawa nila. At sakto rin na nagising na rin ang lolo ni Finn.
"Your grandfather is doing well. Sana tuloy-tuloy na. We will continue our observation about his situation tomorrow," wika ng doctor nang tanungin ni Finn kung kumusta na ang lagay ng lolo niya.
"That's good to hear," nakangiting sabi niya. Ilang sandali pa ay umalis na rin ang doctor kasama ang dalawang nurse nito.
Napatingin ako sa lolo ni Finn na noon ay nakapako na ang tingin sa akin. Kumuha nang hangin si Finn at hinawakan ako sa bewang dahilan para mapabigla ako.
Tumingin siya sa akin. Binigyan niya ako ng 'you have to cooperate with me' look.
Sa huli ay sabay kaming humakbang para mas mapalapit pa sa lolo niya. Habang papalapit ay hindi parin inaalis ng lolo ni Finn ang paningin niya sa akin.
"Good afternoon, Lolo," bati ni Finn.
"S-She's..."
"She's Ava. My girlfriend."
Awtomatikong napatingin ako kay Finn. Girlfriend? Magsasalita sana ako pero naalala ko na hindi pa ako bayad sa atrasong ginawa ko sa kanya. Pinapanggap ko siya sa harap ng ex ko na boyfriend ko siya. Kaya naman sinabi niya rin sa harap ng lolo niya na girlfriend niya ako. Ito ba 'yong sinasabi niyang favor na gusto niyang gawin ko? Akala ko ay nagbibiro lang siya kanina.
Matagal bago nakasagot ang matanda. Ginalaw niya ang kamay niya at inangat iyon.
"Nice to meet you... Ava."
Umawang ang bibig ko. Hindi pa man ako nakakahuma sa pagpapakilala ni Finn sa akin bilang girlfriend niya ay ito naman ang ginawa ng lolo niya. Hindi ko akalain na ang isang napakayaman na si Mr. Montorio ay makikipagkamay sa low class at isang hamak na babaeng nagtatrabaho lamang sa convenience store na katulad ko.
"Ah-Ahm... N-nice to meet you po." wika ko saka tumingin muna kay Finn bago lumapit pa kay Mr. Montorio para makipagkamay.
Nakita ko kung paano siya ngumiti nang tanggapin ko ang makulubot niyang kamay.
"You're look exactly like her..." mahinang sambit ng matanda. Bahagyang nawala ang pagngiti ko at mabilis na napatingin kay Finn. Nakita ko kung paano nabigla ang mukha ni Finn.
"Ahm... a-ano po?" tanong ko ulit kahit malinaw ko naman narinig ang sinabi niya.
"Ahh, Lolo, masyado ka na naman nagiisip ng kung ano-ano. Aalis din agad kami ni Ava. Pinakilala ko lang talaga siya sa 'yo."
Lumipat ang mga mata ng matanda kay Finn. "Hindi ako naniniwalang girlfriend mo ang babaeng ito."
Napatayo ako nang maayos at muling napatingin kay Finn.
Imbis na mabigla din si Finn ay tumawa lamang siyan "Lolo, are you saying na nagpapanggap lang kami sa harapan mo?"
"Definitely yes." prankang sagot ng matanda.
Muling tumawa si Finn. Inakbayan niya ako. "So you're saying na mahina akong lalaki para maghanap ng girlfriend na magpapangap sa harapan mo?"
"No. But I know you. I know what you can do Finn Henry Montorio."
"Yeah right Grandpa. You know what? Don't think anything else today, ok? Baka makasama pa 'yan sa kalusugan mo. You should take some rest na muna para tuloy-tuloy na ang recovery mo.
Kumuha nang hangin si Mr. Montorio pagkatapos ay tumango na lamang.
Ilang sandali lang ay lumabas na rin kami ng kwarto ng matandang bilyonaryo.
"Bakit pinakilala mo akong girlfriend sa harap ng lolo mo?" tanong ko kay Finn. Nauuna siyang maglakad sa akin patungo sa kotse niya.
"Kailangan pa bang itanong 'yan? Kabayaran 'yon sa pagpapakilala mo sa akin sa ex mo bilang boyfriend mo." Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Awtomatikong naiatras ko ang ulo ko. Pinagkatitigan niya ako.
"Kwits na tayo," he smirked.
"At kaya mong magsinungaling sa lolo mo? For what reason? Hindi na ata tama na magsinungaling ka sa lolo mo lalo pa't kagagaling pa lang nito sa coma."
Umiling siya kasabay ng pagtawa ng mahina. "At bakit affected ka sa ginawa ko? Naging affected ba ako noong pinapanggap mo ako sa ex mo?"
Hindi ako nakapagsalita.
Umiling na lamang si Finn saka binuksan ang driver seat ng kotse.
Papasok na rin sana ako nang mapakunot ang noo ko dahil nakalock ang pinto ng kotse niya.
"Teka..."
Napatigil ako nang ibaba niya ang bintana ng kotse. Dinungaw ko siya mula sa driver seat.
"What? Are you expecting na ihahatid pa kita?" Tumawa siya.
"Ano?" hindi mapakaniwalang tanong ko sa kanya.
"I am already done with you. Paniguradong mayamaya lamang ay magkakaroon na ako ng mana sa matandang uhugin na 'yon."
Lalong kumunot ang noo ko. Hanggang sa napasinghap na lamang ako. "So dahil sa mana kaya nagsinungaling sa lolo mo?"
Umangat ang balikat ni Finn. "Exactly." Muli siyang tumawa. Kitang-kita ko ang pagningning ng mga mata niya. Binuhay niya ang makina ng kotse.
"Pero teka... hindi mo naman pwede na iwanan mo ako dito!"
Muling tumawa si Finn. "As I've said. I am already done with you. Kapag hinatid pa kita edi may utang ka na naman sa akin. Paano mo mababayaran 'yon?"
"Ano?! Ibig sabihin iiwanan ko ako sa lugar na hindi ko alam kung saan ang daan pauwi?"
Muli siyang tumawa dahilan para tumaas na ang presyon ng dugo ko. "Yes. Mag-commute ka na lang. Don't worry ito na ang huling araw na magkikita tayo. Kaya mainis ka na sa akin hangga't gusto mo and I don't care."
Hindi na ako nakapagsalita pa kasi agad niyang pinaharurot ang kotse.
"Hoy! Tang*na ka talagang lalaki ka! Huwag mo akong iwan dito!" gigil na sigaw ko na lamang habang nakatingin papalayong kotse.
***