Chapter 5

1420 Words
Chapter 5 AVA Muli akong tumingin sa salamin para sipatin ang itsura ko. Muli ko pang inayos ang laylayan ng turtle neck croptop ko at paikot na tiningnan ang suot na tattered jeans na kabibili ko lamang kahapon bago kami pumunta ni Joyce sa sementeryo. Sinipat ko rin ang suot kong white shoes at sinigurong tama lang sa pagkakahigpit ang sintas niyon. Kinuha ko ang sling bag ko at naglakad palabas ng kwarto ng boarding house na inuupahan ko. Nakasalubong ko sa labas ng boarding house ang caretaker na si Brena. Nagdidilig siya ng halaman sa terrace ng bahay. "Ahm... Bre, mamaya ko nga pala maibibigay 'yong bayad sa renta ko. Hindi na kasi ako nakapagwithdraw kahapon kasi ginabi na kasi ako ng uwi kasi dumaan pa ako sa sementeryo para tirikan ng kandila ang kapatid ko." Ngumiti ito. "Ayos lang, Ava. Kelan naman kita minadali sa pagbayad?" Ngumiti ako pabalik. "Salamat. Puntahan na lang kita sa kwarto mo mamaya, ah?" "Sure, no problem." Lumabas ako ng gate ng boarding house. Hay, mabuti na lamang at mabait ang caretaker ng boarding house na naupahan ko. Palibhasa magkasing-edad lang kami ay nakasundo ko kaagad siya. Sobrang layo ng may-ari ng boarding house na inuupahan ko dati na bawal ang delay. Buti na lang si Brena ay madaling pakiusapan. Lalo kung alam niyang valid naman ang reason kung bakit hindi kaagad nakapagbayad ng renta. Linggo ngayon at sakto day off ko. Alas 3 na ng hapon at kailangan kong habulin ang pag-alas 4 na misa sa simbahan. Gusto ko kasing maabotan na nagsisimula palang ang misa. Minsan kasi halos kalagitnaan o patapos na kapag nagsisimba ako. "Hey." Patawid na ako sa kalsada nang mapalingon ako sa kanang bahagi ko. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang lalaki na nakasandal sa isang mamahalin na kulay dark blue na sasakyan. Tumaas ang tingin ko sa mukha niya. Mas lalong lumalim ang kunot sa noo ko. "Ikaw na naman?" may bahid na iritasyon na tanong ko. Tumawa ito at humakbang palapit sa akin. "I waited you yesterday sa condo ko. Ba't hindi ka pumunta?" "At bakit naman ako pupunta? Sino ka para sundin ko?" "I am your boyfriend remember?" Napanganga ako sa sinabi ni Finn. Hanggang sa may naalala ako dahilan para matawa ako. "Boyfriend?" Tumawa ako. "'Di ba sabi ko magpanggap lang tayo kasi nandoon ang ex ko." "At magpapanggap ka pa lalo." Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako papunta sa kotse niya. "Teka!" Hinawakan ko kaagad ang braso niya para bawiin ang kamay ko. "Ano bang ginagawa mo?!" "Sumakay ka." Binuksan niya ang pinto ng front seat ng kotse. Isang hindi makapaniwalang tingin ang binigay ko kay Finn. "At sino ka para utusan ako?" "Ang dami mong tanong. Sumakay ka na nga lang," wika niya at pinipilit na isakay ako sa pamamagitan ng paghawak niya sa balikat ko. "Ano ba! Ayoko! Hindi ako sasakay!" "Sumakay ka na. Huwag ka ng magpakipot. Gusto mo din naman sumakay sa mamahalin kong kotse." Kahit pinipilit kong alisin ang kamay niya sa balikat ko ay nagawa ko pa siyang tingnan nang masama. "Ang kapal din talaga ng mukha mo 'noh?" Isang sampal ang binigay ko sa kanya dahilan para mabigla siya. "Hey! Bakit mo ako sinampal?!" "Dahil ang kapal ng mukha mo! Akala mo kung sino kang gwapo!" "Bakit hindi ba?" Inilapit niya ang mukha niya. Napatitig ako sa mga mata niya pero agad din naman ako umiwas ng tingin. "Gwapo ka pero ang yabang-yabang mo! Kaya pwede ba huwag mo akong pilitin na pasakayin dahil magsisigaw ako dito!" may himig na pagbabanta na wika ko. "I don't care kung magsisigaw ka. Ikaw lang din naman mapapahiya sa ginagawa mo." Pinilit kong umalis pero sadyang malakas siya. Napansin ko na lamang na nasa loob na ako at pinipilit na buksan ang pinto ng kotse. "Ano ba! Buksan mo 'to. This is kidnapping. Magtatawag ako ng pulis!" banta ko sa kanya habang nagpupumilit na makalabas ng kotse. Binuhay ni Finn ang makina ng kotse. "Don't worry. Walang mangyayaring masama sa 'yo. It's just that may favor lang ako na gustong ipagawa sa 'yo because I already did yours." "Ano? At kelan naman ako humingi ng pabor sa 'yo." Bago pa simulan ni Finn na paandarin ang kotse ay nilingon niya muna ako. "Pinapanggap mo ako sa harap ng ex mo na boyfriend kita, remember?" Napatigil ako. "So kailangan natin ipagpatuloy ang pagpapanggap but not in front of your ex boyfriend but in front of my grandfather." Tila nagloading ang utak ko sa sinabi niya. Minuto ang lumipas bago ako nakapagsalita. "Ano?!" salitang lumabas sa bibig ko. "You heard me," wika niya. "Teka... 'di ba ikaw naman nag-umpisa 'non? Kabayaran 'yon sa bigla-bigla mong paghalik sa akin sa kwarto na iyon." wika ko. "You punched me in my face. "Tinuro niya ang panga niya. "See? Hanggang ngayon masakit parin ang panga ko! At ito na ang kabayaran niyon. At 'yong pagsabi mo sa akin na magpanggap ako sa harap ng ex mo. Wala pang bayad 'yon. Kaya naman kailangan mong sumama para mabayaran mo 'yon." **** "Nasaan ba tayo?" tanong ko kay Finn. Napatingin ako sa bintana ng kotse nang tumigil ito sa front door ng napakalaking bahay. "We're at my grandfather's mansion. Dadalawin natin siya." Bumaba siya. Inalis ko ang seatbelt bumaba na rin ng kotse. Nakita ko ang mga kasambahay na naghilera sa gilid ng front door. Mga sampu na kasambahay ang naroon. Sa mismong front door ay dalawang lalaki naman ang nakatayo sa magkabilang side. Nakasuot sila ng itim na polo shirt habang ang mga kasambahay naman ay naka-darkblue na nakapencil cut na palda na above the knee ang sukat. Hindi ko mapigilan mapahanga sa magandang uniporme ng mga kasambahay. Feeling ko mga flight attendant sila sa mga suot nila. Bigla tuloy akong nanliit kasi parang mas maayos pa ata tingnan ang uniporme nila kesa sa suot ko. "Sundan mo ako." "A-Ano? T-Teka..." Napilitan akong sundan si Finn. Lahat ng mga kasambahay ay sabay-sabay na nagbow nang dumaan siya. Hindi ko tuloy mapigilan mahiya at mas binilisan na lamang ang paghakbang para hindi ako malayo sa distansya ni Finn. Yukong-yuko ako nang dumaan sa mga kasambahay at gwardiya pero nang makapasok na kami mismong bahay ay hindi ko naman mapigilan mapatingala. Wow... hindi ko talaga mapigilan sabihin sa isip ko iyon. Ang laki at sobrang lawak ng sala nila. Halatang mamahalin ang naroon. Simula sa napakalaking flatscreen TV hanggang sa malambot na sofa. Idagdag pa ang napakalaking chandelier na mas lalong nagbigay ng ganda sa paligid. Gustuhin ko man hawakan ang mga display doon ay hindi ko mapigilan matakot kasi baka mabasag ko ang mga iyon lalo't halatang mga mamahalin ang mga naroon. "Grabe ang laki naman ng bahay ng lolo mo. Ano ba ang lolo mo? Hari? Diyos?" usisa kong tanong habang nakasunod kay Finn. Sa tanang buhay ko ay ngayon pa lamang ako nakakita ng ganoon bahay. Hindi lang nga basta nakita kundi nakapasok pa ako. Bago siya umakyat ng hagdan ay nilingon niya ako. "He's a billionaire. We're a billionaire. Kaya namin bilhin ang anuman na gustuhin namin." Hinarap niya ako at nilagay sa bulsa ng kanyang pantalon ang dalawang kamay niya. "Kahit nga ikaw kaya kitang bilhin kung gugustuhin ko," wika niya saka isang seryosong titig ang binigay sa akin. Napatulala naman ako sa ginawa niya. Bigla ay parang naging estatwa ako sa mapang-akit na mga mata ni Finn. Ngumisi si Finn. "Pero ayoko." wika niya saka umiling. "Hindi ko kayang makasama ang isang amazonang kagaya mo." Hinaplos-haplos niya pa ang mukha niya na alam kong masakit parin dahil sa pagkakasapak ko sa kanya. Napairap naman ako sa sinabi niya. "At sa tingin mo ba papayag ako na bilhin mo ako? Kahit milyon pa 'yan o bilyon ko ibebenta ang sarili ko lalong-lalo na sa tulad mo." Nakasunod ako sa kanya sa pag-akyat sa malaking hagdan habang binubungangaan siya. "Yeah right. The feeling is mutual." Iyon na lamang ang sinabi ni Finn at saka pareho na namin tinahak ang malaking hallway. Habang naglalakad kami ay hindi ko mapigilan mapatingin sa open window kung saan makikita ang napakalawak na field na may mga halaman na sobrang perpekto sa pagkakagupit. Grabe. Pakirawi ko ay lumilipad ako sa sobrang pagkamangha sa mansion na iyon. Sa dulo ng hallway ay may malaking pinto. May dalawang gwardiya ulit na nakatayo sa magkabilang pinto. Tumigil si Finn sa tapat ng pinto at nilingon ako. "Please cooperate with me. Kasi nakipag-cooperate din ako sa 'yo." ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD