Chapter 4

1106 Words
Chapter 4 AVA "What a stupid question. Nakita mo naman siguro convenience store ito 'di ba? Kaya naman dapat alam mo na kung ano ang ginagawa ko dito," prankang turan ni Finn sinundan pa iyon ng mapangasar na ngiti na sumilay sa labi niya. Naningkit ako sa sinabi niya. "Alam ko!" Padabog kong kinuha ang dalawang condom at pinunch iyon. "Ava..." wika ni Joyce sa mahinang boses na para bang hindi makapaniwala sa inasta ko kay Finn. "Ang ibig kong sabihin ay kung bakit sa dinadami-dami ng lalaki na pwede kong makita ngayong araw ay bakit ikaw pa?" Kumibit-balikat si Finn. "Ewan ko. Siguro ay dahil gwapo ako at para naman mabuo ang araw mo ay kailangan mong makakita ng gwapo na tulad ko." Tumaas-baba ang kilay ni Finn na tila ba nang-aasar o nagpapacute. Napasinghap si Joyce at namula ang pisngi sa ginawa ni Finn habang ako naman ay napairap. Kahit sobrang lakas ng dating ng itsura nito, hindi ako naaakit sa ganoon. "Ang kapal mo din pala ah! 45 pesos!" kapagkuwa'y wika ko sa total na condom na pinamili niya. Inabot niya naman sa akin ang 100. Napatingin pa ako sa kanya nang bahagyang magdikit ang palad namin. Isang ngiti lamang ang binigay niya na alam kong sinasadya niyang magkadikit ang palad namin. Ibinigay ko na agad sa kanya ang sukli at pinamili niya para umalis na agad siya. "Thanks..." Bumaba ang tingin niya sa ID ko. "Ava Marie." Kumindat siya dahilan para mapairap ako. Habang si Joyce naman ay impit na tumili. Ang lakas ba masyado ng kindat nito para pati katabi ko ay kinilig? Tumalikod ito para umalis. Pero nakakaisang hakbang palang si Finn ay humarap ulit siya sa akin. "By the way," May kinuha siya sa bulsa niya. Isang calling card iyon. "Pumunta ka sa condo ko mamaya. May mahalaga tayong pag-uusapan." Tumaas ang kanang kilay ko kasunod ng pagkunot ng noo ko. Magsasalita na sana ako nang may lumapit na lalaki kay Finn inakbayan siya nito saka pangiti-ngiti na tumingin sa akin. "So, that's the girl that punched you in your face?" wika nito kasunod ng pagtawa. Narinig kong muli na napasinghap si Joyce dahil sa sinabi ng lalaki. "Yeah, and she needs to pay everything," sagot ni Finn saka tumingin sa akin na tila ba may masamang plano sa akin. Kahit pa nakangisi siya hindi ko maiwasan kabahan sa biglang pagseryoso ng mga mata niya. "Naku... kung ako kasi I shouldn't made a mess with Finn Henry Montorio. Mahirap pa naman 'to maningil ng utang." Muling tumawa ang lalaki. Hindi na nila hinintay ang sasabihin ko. Agad silang tumalikod at umalis. Gigil na sinundan ko sila ng tingin palabas ng convenience store. "Oh my god! Sana all pinapapunta sa condo. Ang swerte mo naman girl!" patili na sabi ni Joyce pagkalabas ng dalawa. Napangiwi ako at tiningnan ang hawak kong calling card. "Tss... as if naman pupunta ako?" Nilabas ko ang basurahan na nasa ilalim at walang ano-anong itinapon ang calling card doon. **** Lumiwanag ang paligid ng nitso nang sindihan ko ang hawak kong kandila. Tumingin ako kay Joyce na noon ay may hawak rin na kandila. Itinayo ko ang kandila sa lapida ng yumao kong kakambal. Sinindahan rin ni Joyce ang hawak niyang kandila at sabay kaming nagsign of the cross at umusal ng panalangin. Alas 7 na ng gabi. Madilim na ang paligid. Tanging tunog ng kuliglig at mga nagdadaanan na sasakyan sa hindi kalayuan ang naririnig namin sa paligid. Ilang sandali pa ay nagpakawala ako ng malalim na hininga. "Kumusta ka na diyan Aria? Death anniversary mo ngayon. Limang taon ka ng nawala sa buhay ko. Limang taon na rin kitang namimiss..." mahina kong wika at muli at napabuntong-hininga. Ako ang unang pinanganak kay Aria. Magkamukhang-magkamukha kami pero sobrang magkaiba kami sa ugali. Sobrang hinhin niya kung kumilos. Samantalang ako naman ay mabilis. Kahit sa pananalita ay mahinhin din siya habang ako ay pranka talaga. Noong teenager palang kami ay malimit mapuna ng mga tao ang ugali namin. Mabait daw kasi si Aria samantalang ako ay may pagmaldita. Kaya naman siguro sa sobrang pagiging mabait ni Aria ay madali siyang maloko ng mga tao. Madaling magamit ang kabaitan niya. Siguro iyon din ang dahilan kung bakit madali siyang makuha ng lalaking nagngangalang Henry Miranda. Sumama siya sa lalaking iyon nang basta-basta na lamang. Nang hindi ko man lang nakilatis kung ano ang pag-uugali 'non. At noong namatay siya. Ni anino ng lalaking iyon ay hindi ko man lang nakita. Ang tanging pumunta lamang sa burol ng kapatid ko ay ang mga tauhan nito kung saan nagbigay ito ng malaking halaga sa mga magulang ko. Bagay na ikinagalit ko sa magulang ko dahil parang ganoon na lamang kadali sa kanila na tanggapin ang pagkamatay ng kapatid ko nang hindi man lang nila inaalam kung ano ang puno't dulo niyon. Bumalik sa kasalukuyan ang isip ko nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa loob ng bag ko. May tumatawag. Tiningnan ko kung sino ang nakarehistrong pangalan doon. Si mama ang tumatawag. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa labi ko. I swipe the phone to decline the call. "Oh, ba't hindi mo sinagot?" usisa ni Joyce. Kumuha muli ako ng hangin. "Ayoko muna siyang makausap ngayon." "Dahil parin ba ito sa pagtanggap niya ng pera mula sa family ng naging fiance ng kapatid mo?" Tumango ako. "Oo." deretsahang sagot ko. "Hanggang ngayon masakit parin sa akin na kaya silang patahimikin ng pera." "Baka naman kasi talaga aksidente lang ang nangyari Ava." wika ni Joyce. "Kung aksidente 'yon. Edi sana nakita ko man lang 'yong Henry na nakiramay sa burol ng kapatid ko since fiance siya 'di ba? Pero wala. Ang tanging ginawa nila ay magbigay ng malaking halaga ng pera. Halatang may iniiwasan sila sa pagkamatay ng kapatid ko." Naramdaman ko ang kamay ni Joyce sa balikat ko. "Naiintindihan ko ang nararamdaman mo Ava. Pero... 5 years na rin ang nakakalipas... nasa maayos ng kalagayan ang kapatid mo. Siguro... kailangan mo na rin mag-move on sa nangyari," wika niya sa mahinang tinig. "Hindi ako matatahimik Joyce. Nararamdaman ko... nararamdaman ko na parang may mali sa pagkamatay niya. Gusto kong alamin iyon." "Paano? Ni hindi mo nga alam kung sino ang naging fiance ni Aria. Ang alam mo lang ay pangalan niya pero hindi natin alam kung ano ang itsura ng lalaking iyon." I looked down at napaisip sa sinabi ni Joyce. Ilang sandali ay muli akong tumingin sa lapida ng kapatid ko. "Basta... hindi ako titigil na hanapin ang Henry Miranda na iyon. Gagawin ko ang lahat para mahanap ko siya," determinadong wika ko. ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD