Chapter 3

1480 Words
Chapter 3 AVA Malalaki ang mga hakbang ang ginawa ko para agad na makaalis sa lugar na iyon. Inayos ko ang jacket na suot ko pati na rin ang nakapailalim na croptop ko na noon au bahagyang lumukot sa dulo. Hindi ko na pinansin ang mga taong nadadaanan ko basta gusto kong makaalis agad sa lugar na iyon. "Ava?" Napatigil ako sa paglalakad. Kumunot ang noo ko. Pamilyar ang boses na iyon. Napatingin ako sa likuran ko. Napasinghap ako. "Oliver?" Hinagod niya ako ng tingin saka naglakad palapit. Awtomatikong umatras naman ako dahilan para mapatigil siya. "Ahm... kumusta ka? A-Anong ginagawa mo dito?" kapagkuwa'y tanong ni Oliver. Tinitigan ko siya. Kapagkuwa'y umiling para sawayin ang isip ko. "A-Ayos lang naman," plain na sagot ko. Tumalikod ako para umalis. "Sandali..." pigil niya. Napatigil ako pero hindi ko siya nilingon. "Pwede ba tayong mag-usap?" Lumunok ako ng laway kasabay ng pagkuha ng hangin. "May dapat pa ba tayong pag-usapan?" "Meron... marami." Humakbang siya papunta sa unahan ko. Hinawakan niya ako sa balikat. "Marami tayong dapat pag-usapan..." Unti-unting umangat ang tingin ko. Tinitigan ko si Oliver. Isang taon na rin noong huli kong natitigan ang mukha niya. Isang taon na rin noong huli ko siyang nakausap. At sa isang taon na iyon ay ramdam ko parin ang sakit at galit sa ginawa niya sa akin. Yeah... he's my ex boyfriend. Siya ang pinakamatagal kong naging boyfriend. College palang ay kami na. Akala ko forever na ang relationship namin pero mali pala. With just one mistake that he did, nasayang ang halos pitong taon naming pagsasama. "Wala na tayong dapat pang pag-usapan," seryosong sabi ko. "Ava..." "Sorry... pero busy ako. Wala akong balak makipagusap sa'yo." prankang tanong ko saka akmang aalis. "Pero Ava... please-" "Babe!" sigaw ko sabay kaway kay Finn na noon ay naglalakad sa hallway at hawak pa ang panga. Napatigil si Finn at kunot-noong napatingin sa akin lalo na nang nilapitan ko siya. "Ba't ang tagal mong lumabas? Alam mo naman na ihahatid mo pa ako sa amin hindi ba?" "Ha?" naguguluhang tanong ni Finn. Hinawakan ko ang kamay niya at pinaikot ko sa bewang ko. "Magpanggap ka na boyfriend kita," pasimpleng bulong ko sa kanya. "Ano?" kunot-noong tanong ni Finn. "Basta! Magpanggap ka!" demand ko sa mahinang boses. Tumingin ako kay Oliver na noon ay parang naguguluhan habang nakatingin sa amin. "Aba't pagkatapos mo ako sapak- Hindi na naituloy ni Finn ang sasabihin niya nang halikan ko ang labi niya. Nabigla siya sa ginawa ko. Maging ako ay nabigla din sa ginawa ko pero wala na akong ibang maisip dahil alam kong hindi ako tatantanan ni Oliver. "Please... sabihin mo sa lalaking iyan na may relasyon tayo," bulong ko kay Finn pagkatapos ko siyang halikan sa labi. Tumingin si Finn kay Oliver na nasa unahan namin. "Ava... sino siya?" kunot-noong tanong ni Oliver. Naglakad kami ni Finn habang nakapulupot sa bewang niya ang kamay ko at ganoon din ang kamay niya. "Boyfriend ko. Si Finn..." pakilala ko. Napatingin sa akin si Finn pero kinurot ko ang likod niya dahilan para umigting ang panga niya. Isang makahulugang tingin ang binigay ko sa kanya at may pangbabanta pa. "Yeah, I am his boyfriend. And you're?" tanong ni Finn. "Bro... huwag mong bilugin ang ulo ko. Alam kong hindi ka niya boyfriend," prankang sabi ni Oliver na ikinabigla ko. "Ay wow... kung makapagsalita ka parang sinasabi mo na hindi kita kayang palitan?" mataray na sabi ko kay Oliver. "Yeah... and nakita mo naman kung paano kami maghalikan 'di ba?" gatong naman ni Finn Natawa si Oliver. "That's so lame. Everyone can do that. Kahit nga sa stranger pwede kang makipaghalikan." "Kaya pala iyon ang ginawa mo noon?" prankang wika ko na ikinatigil ni Oliver. Nagkatitigan kami. Muling bumalik sa isip ko ang ginawa ni Oliver a year ago. That was a dare with someone na kasama ng mga barkada niya. And that fu*king dare ruin our relationship. "Ahhh... so you wanted to see more exciting view on us?" Bago pa man ako makahuma sa sinabi ni Finn ay kinabig niya ang ulo ko at muli akong hinalikan. Nagmamadali ang halik niya lalo pa noong tumaas ang kamay niya sa dibdib ko at pisilin iyon. Nabigla ako. Gusto kong alisin ang kamay niya at baliin iyon ngunit naisip ko na nasa harapan pala namin si Oliver. Napatingin ako sa side ko kung saan naroon nga siya at halos hindi makapaniwala sa ginawa ni Finn. Nakaramdam ako ng tuwa nakikita kong inis sa mukha ni Oliver kaya naman ikinawit ko ang mga braso ko balikat ni Finn para mas madama ko ang mga halik niya. Nasiyahan naman si Finn sa ginawa ko. Isinandig niya ako sa pader para mas lalo niya akong mahalikan. Itinaas niya ang kaliwang binti ko dahilan para muling kong madama ang alaga niya. Napapikit ako. Husto na sana para malunod ako sa kakaibang sensasyon na iyon nang tumingin ako sa kinatatayuan ni Oliver. Wala na pala siya doon. Hinanap ko siya paligid. Habang si Finn ay patuloy sa paghalik sa leeg ko. Bababa pa sana ang bibig niya sa dibdib ko pero pinigilan ko siya. "T-Tama na... wala na siya." "And so?" he said at pinagpatuloy ang ginagawa. Teka... huwag niyang sabihin na wala siyang balak tapusin iyon? Pinilit ko siyang itulak bago pa ako maubusan ng lakas at tuluyang madala sa nakakapasong tagpo na iyon. "Ano ba! Sinabi ko ng tama na eh!" wika ko sa malakas na boses kasabay ng pagtulak sa kanya nang malakas. Humiwalay siya sa akin. Hingal na tinitigan niya ako. Kitang-kita ko ang pagnanasa sa mga mata niya. Hindi ko na hinintay pa na magsalita siya. Agad ko siyang tinalikuran at halos patakbong umalis sa lugar na iyon. *** "Miss, kulang ng 20 pesos ang sukli mo." "Ay... ganoon ba? Pacheck nga po ako ulit." sabi ko saka kinuha ang sukli at resibo ng babae na naka-uniform ng pang high school. Nang ma-realize ko na mali nga ako ay agad kong binigay ang 20 sa kanya. Good thing hindi ko pa naisara ang kaha ko. "Pasensya na. Heto yong sukli. Pakibilang na lang ulit," sabi ko sa babae. Nang ok na ay agad naman na umalis ang babae. Napabuga ako ng hangin pagkaalis nito. "Pangalawa na 'yon ah?" wika ni Joyce na nasa tabi ko na pala. Isang alanganin na ngiti ang pinakawalan ko. "Sorry... akala ko kasi dalawa 'yong bente na naibigay ko." "Hmmm... buti na lang at wala dito si Christy. Alam mo naman na kaunting pagkakamali lang natin pinapaalam agad sa boss natin." "Oo nga eh..." Kumuha ako ng basahan para punasan ang counter ko. Nabasa kasi iyon ng ice cream. May mangilan-ngilan na customer sa store pero naghahanap pa ng mga bibilhin nila. Kapag ganitong alas 2 ng hapon ay talagang madalang ang mga customer. "Bakit ba kasi parang ang lalim ng iniisip mo? Huwag mong sabihin na hangover 'yan? Eh, hindi ka naman lasing kagabi at saka kaunti lang ang nainom mo. At saka... hindi mo pa nasasabi sa akin kung nakausap mo 'yong poging lalaki kagabi." Napatigil ako sa pagpunas. Kumuha ako ng hangin saka dahan-dahan na ibinuga iyon. Nilingon ko si Joyce. "Nakita ko si Oliver." "Oliver?" Bahagya siyang napaisip. "Ahh, 'yong ex boyfriend mo? Saan?" "Kagabi... sa Deep Blue." "Oh eh. nagkausap ba kayo?" tanong ni Joyce. Tumango ako at binalik sa ilalim ang basahan. Muli akong bumuntong-hininga. "Kinamusta niya ako. Sinabi niya na gusto niya akong makausap." "Makausap?" Isang nakakainsultong tawa ang pinakawalan ni Joyce. "Para saan pa? Pagkatapos ka niyang saktan at lokohin?" "Oo nga eh. Ang kapal ng mukha niya para sabihin sa akin 'yon. Akala niya naman siguro ay mapapaikot niya ulit ang ulo ko sa mga sorry niya," inis na sambit ko. "Mismo! Pero bakit nagkanda mali-mali ka sa pagsukli kung hindi ka na apektado na makita ang lalaking iyon?" tanong ni Joyce dahilan para mapatigil ako. Yeah, honestly its not about Oliver. It is about that guy- si Finn... Umiling ako para iwaksi ang kaganapan na nangyari sa amin ng lalaking iyon. Mariin ko din kinagat ang labi ko dahil hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na pinakilala ko ang lalaking iyon kay Oliver bilang boyfriend ko. Bago pa man ako muling magsalita ay napatingin ako sa counter table ko. "I'll take these. May I know how much is these?" tanong ng lalaking naka-sumbrerong puti. Tatlong condom ang nilapag ng lalaki doon. Normal naman sa akin na may bumibili ng ganoon dahil may tinda ang store namin at natural ay bibilhin iyon ng kung sino mang customer namin kaya hindi na ako nabibigla pa. Ang hindi ko lang maiwasan mabigla ay noong pag-angat nang tingin ng lalaking naka-cup. Nang magtama ang paningin namin ay napasinghap ako. "Hi..." he greeted. Isang mapang-akit na ngiti ang sumilay sa labi niya. "Anong ginagawa mo dito?" Salitang lumabas sa bibig ko nang makilala ko siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD