Chapter 2

1919 Words
Chapter 2 AVA Napatigil ako sa dulo ng hallway. Hagdan iyon. Sigurado akong patungo na iyon sa lugar na sinasabi ni Joyce. Kinuyom ko ang kamao ko at hindi na nagdalawang isip pa na tahakin ang hagdan na iyon. Inihanda ko sa sarili ko ang sasabihin ko sa lalaki na iyon. Uulanin ko siya ng samu't saring tanong tungkol sa kapatid ko. Nang makarating ako sa second floor, dumeretso ako sa nagiisang pinto na naroon. Agad kong binuksan iyon. Napasinghap ako. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Bumulalas sa akin ang pinaghalong pula at asul na ilaw sa paligid. Hindi kayang aninagin basta-basta ng liwanag na iyon ang mukha ng mga tao na naroon. Correction... ang mukha ng maraming tao na naroon. Kung maingay sa baba dahil sa mga nagsasayawan na mga tao. Dito naman ay hindi gaanong maingay. Ang tanging umaalingangaw lamang dito ay ang musika na galing sa malawak na stage na nasa gitna. Maganda ang pagkakahilera ng mga upuan. Maaayos at elegante ang mga suot ng mga tao na naroon. Halatang bawat isa kanila ay pinagyayabang ang mga bagay na suot nila sa katawan. Mapa-alahas man o damit o mga bags. Ang mga babae ay nakasuot ng mga daring na damit na kulang na lamang ay ipakita ang kanilang mga kaluluwa. Habang karamihan sa mga lalaki nandoon ay mga tuxedo ang suot na halatang mga business owners ng malalaking kumpanya. Tumutok ang paningin ko sa stage nang magsimulang pumalakpakan ang mga tao. Lumabas doon ang isang babae na suot ang manipis na damit. May mga kasama siyang dalawa pang babae at sumayaw sila sa saliw ng musika. May pang-aakit ang bawat galaw nila. Tulo-laway naman ang mga lalaking nanonood. Sila siguro ang sinasabi ni Joyce na stripper. Umiling ako at hindi na nag-aksaya pa ng panahon. Muli kong iginala ang paningin ko para hanapin sa paligid ang lalaki. Ilang minuto ang lumipas. Sa dami ng mga tao na naroon mabuti na lamang at nahanap ko siya. Nakuha niya ang atensyon ko nang tumayo siya sa kumpulan ng mga lalaki at may isang babae siyang binulungan kasunod ng paghawak niya sa puwetan nito. Napairap ako. Ano pa nga ba ang i-expect ko sa mga lalaki na pumupunta dito? Sinundan ng mga mata ko ang lalaki. Kung saan pumunta siya sa isa pang hallway. Nakasunod naman sa kanya ang babae na ilang metro lang naman ang layo sa kanya. Kumilos naman ako sa kinatatayuan ko. Sinundan ko ang lalaki. May maliit ulit akong hagdan na tinahak. Pero hindi na iyon gaya ng una kong inakyat. Mga ilang palapag lang iyon at medyo masikip iyon kumpara doon sa nauna. Pagkalapag ko sa taas ay natanaw ko ang lalaki na binubuksan ang isang kwarto na naroon sa hallway. By the way, hindi lang iyon ang kwarto na naroon. Hile-helera ang kwarto na naroon. "May hotel na rin pala ang resto bar na ito." wika ko sa sarili. Nakita ko ang lalaki na lumingon pa sa babae na ilang hakbang na lang ang layo sa kanya. Ngumisi pa siya sa babae at tiningnan ito mula ulo hanggang paa bago pumasok ng kwarto. Nagmadali naman ang babae sa paglalakad. Pero bago pa man siya makarating pinto ng kwarto ng lalaki at buksan iyon, bahagya ko siyang tinulak at hinawakan ang doorknob ng pinto para buksan iyon. Gumilid ang babae at maang na napatingin sa akin. "What the f*ck?" bigla ay sambit ng babae. Isang mabilis na tingin ang binigay ko sa kanya. "May itatanong lang ako sa kanya," sabi ko sa babae. "Itatanong? Like duh?- "Where are you? Tagal mo naman p- Napatingin kami pareho sa lalaki na noon ay nasa harapan na namin. Wala itong ibang suot kundi ang itim na pantalon nito na naka-unbutton na. Hindi ko mapigilan hagurin ng tingin ang katawan niya. Mamasel ang mga braso nito. Broad at maskulado rin ang balikat. Katamtaman ang balbon ng kanyang dibdib. Kitang-kita din ang kanyang six pack abs. Hindi ko maikakaila na sa itsura ng lalaki ay siguradong suki ito sa gym. Binalik ko ang mga mata ko sa mukha niya. "Diyos ba 'to? Ba't perfect naman masyado ng lalaking ito?" wala sa loob na wika ko sa sarili. "Who are you?" kunot-noong tanong sa akin ng lalaki. Agad akong umiwas ng tingin dahil pakiwari ko ay bahagya akong natulala sa katawan niya. Magsasalita na sana ako nang pumasok ang babae at agad na hinawakan ang braso ng lalaki. "Oo nga... sino ba 'yan? Huwag mong sabihin na makikihati sa akin 'yan ngayong gabi?" tanong ng babae na parang bang may ibig sabihin. "Gusto ko lang itanong kung ikaw ba si Henry Miranda?" walang paligoy-ligoy na tanong ko sa lalaki. Bahagyang umawang ang labi ng lalaki. Kasunod ng pagsingkit ng mga mata niya. "Bakit mo naman natanong?" "May gusto akong itanong tungkol sa pagkamatay ng kapatid ko. Paniguradong si Henry Miranda ang makakapagsabi sa akin ng iba pang nangyari sa kapatid ko." Muling akong hinagod ng tingin ng lalaki. Hindi agad siya nagsalita kaya naman muli akong nagsalita. "Kung ikaw man si Henry-" "Babe, sino ba 'yan? Pag-aaksayahan mo ba ng oras 'yan?" tanong ng babae sa lalaki. Mariin kong napaglapat ang mga labi ko. "May itatanong lang ako sa kanya. Kumalma ka muna diyan, pwede?" pandidilat ko sa babae dahilan para mabigla ito. "At aba't, sino ka para pagtaasan ako ng boses?" tanong ng babae sa akin. Akma niya akong susugurin nang hawakan siya ng lalaki sa braso. "Iwanan mo muna kami," wika ng lalaki sa babae na ikinabigla nito. "What? P-Pero..." "Tawagan na lang kita mamaya." "P-Pero-" Hindi nakapagsalita agad ang babae nang siilin siya nito sa labi. Napairap naman ako sa ginawa nila sa harapan ko. Parang yelo naman na natunaw kaagad ang confusion sa mga mata ng babae dahil sa ginawang paghalik ng lalaki. "Ok, sige... basta tawagan mo ako ah?" namumulang sabi ng babae matapos siya nitong halikan. Isang irap ang binigay nito sa akin bago tuluyang lumabas. Pumunta ang lalaki sa pinto para isara iyon. Bahagya naman akong napalunok ng laway sa ginawa niya. Ibig sabihin niyon ay dalawa na lang kami sa kwarto na iyon. Kinuyom ko ang mga kamao ko para iwaksi sa katawan ang nadadamang kaba. "So... ano nga ulit ang pangalan ng lalaking hinahanap mo?" tanong niya nang harapin ako. Bahagya akong umatras lalo pa't medyo lumapit ang distansya namin sa isa't isa. Isabay pa na sobrang nakaka-intimidate na half naked body niya. Kahit hindi ko titigan ay parang lalamunin ako ng buhay. "H-Henry Miranda." Pinanindigan ko ang pagtitig sa mga mata niya para kunwari ay hindi ako kinakabahan kahit halata naman na nautal ako sa pagsabi ng pangalan na iyon. "Ikaw ba siya?" dugtong ko kapagkuwan. "I'm not Henry Miranda," he answered minute later. His eyes was intensely staring at me. Kumunot ang noo ko. "Huwag ka ng magsinungaling. Tinawag ka ng kasama mo kanina with that name. Gusto lang kitang makausap tungkol sa yumao kong kapatid." May kinuha ito sa bulsa ng pantalon niya. Isang itim na wallet. "My name is Finn Henry Montorio." Sabay balandra sa kanya ng Id niya. Napatingin ako sa ID niya. Oo nga mukha niya ang naroon at Finn Henry Montorio nga ang pangalan niya. Bigla ay para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mga oras na iyon. Parang biglang umurong ang dila ko at halos walang salita na gustong lumabas bibig ko. Nahiya ako bigla sa pinaggagawa ko. Sino ba naman kasi ang susugod sa kwarto ng isang estranghero para lang tanungin ng ganoon? I think na-overheard ko lang talaga yong pangalan na iyon. Lalo pa't ilang shots na rin ang nainom ko. "A-Ahm... sorry. Akala ko ikaw 'yong hinahanap ko," nahihimasmasan kong sabi. Tumalikod ako para umalis. Ngunit bigla niyang hinawakan ang braso ko. Napatigil ako at nilingon siya. "Where are you going?" "Aalis na..." A smirk came out on his lips. Humakbang siya palapit sa akin. Mas naging mapang-akit ang mga tingin niya. "Well, I have a rule in this room. Once you enter... you can't go out that easy nang walang nangyayari sa atin." Umawang ang bibig ko para magsalita. Ngunit hindi agad ako nakapagsalita dahil bigla niya akong itinulak sa pader. Mas lumapit pa siya sa akin para isara ang space sa pagitan naming dalawa. Bumaba ang muka niya at walang ano-ano'y siniil ako ng halik. Nanlaki ang mga mata ko sa matinding gulat. Saglit na naging blanko ang isip ko sa ginawa ng lalaki. Bigla ay parang naging statue ako nang mga oras na iyon. Nagsimulang gumalaw ang labi ng lalaki. Sa una ay marahan na tila dinuduyan ako sa alapaap ngunit nang hawakan niya ang baba ko ay lumalim ang halik niya. Mas lalo niyang sinakop ang labi ko at ginalugad ng dila ang loob ng bibig ko. Nanlaki ang ulo sa ginawa niya. Pero mas ikinabigla ko rin ang pag-response ko sa mga halik niya. Napapikit ako at hindi mapigilan na damahin ang malambot niyang labi. Ngunit muli akong namulat ng mga mata nang maramdaman ko ang kamay niya na pinipisil na pala ang dibdib ko habang ang isang kamay naman ay nasa puwetan ko kung saan pinupush niya iyon palapit sa kanya. Muli akong napasinghap nang maramdaman ko ang matigas niyang alaga sa puson ko. Kaagad na uminit ang mukha ko. Aaminin ko, hindi na ito bago sa akin. I already have an experience on s*x with my ex. Pero hindi ko ini-expect na may mas mahaba pa pala sa ex ko. Halos isang taon na rin kaming nagkahiwalay at isang taon na rin akong namahinga sa ganitong experience. "Hmmm..." ungol ko nang inangat ako nang kaunti ni Finn para maramdaman mismo ng cl*t ko alaga niya. Mas lalong nag-init ang mukha ko. Naramdaman ko ang paglakas ng pulso sa ibabang bahagi ng katawan ko. "I like that moan..." he whispered saka muling siniil ang labi ko and this time mas naging mapusok na siya. Para naman akong mababaliw sa ginagawa ni Finn. Never had this wild experience before. Hindi ko maikakaila na magaling ang lalaking ito kumpara sa ex ko. Tuluyan na sana akong malulunod nang biglang may kumatok sa pinto. Iminulat ko ang mga mata ko at kaagad na itinulak si Finn. Ngunit hindi man lang ito natinag sa kinatatayuan niya. Mas lalo pa nitong nilaliman ang paghalik sa akin at mas naging mapusok pa ang kamay niya. Napapatirik na ang mga mata ko sa ginagawa niya pero umiling ako. Hindi ako dapat nagpapadala sa lalaking ito ng ganoon-ganoon lang. Hindi ako dapat pumapatol sa lalaki na hindi ko boyfriend. Binigyan ko ng lakas ang sarili ko na itulak siya. This time mas malakas na. "T-Tumigil ka. T-Tama na..." I said habang hinahawakan ang palayo ang balikat ng lalaki. "Don't make me stop." Tila magnet ang lalaki na pilit na nagsusumiksik sa akin. Bumaba ang bibig niya sa leeg ko dahilan para lalong mabaliw ako. Shit! Kaya ko pa bang pigilan ang lalaking ito? Kinuyom ko ang kamao ko. "Hindi! Kailangan ko siyang pigilan!" sigaw ng isip ko. Sa pagkakataon na iyon ay mas nilakasan ko pa ang pagtulak sa kanya. "Sinabi ko ng tumigil ka na!" sigaw ko. Nagkaroon ng espasyo sa pagitan namin at doon ako nagkaroon ng pagkakataon na bigyan siya ng malakas na suntok sa mukha. "What the f*ck!" he said kasunod ng paghawak sa kaliwang pisngi niya. Hindi ko na hinintay pa ang susunod niyang gagawin. Agad kong hinawakan ang doorknob ng pinto at mabilis pa sa alas 4 na lumabas ng kwarto na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD