AMANDA
KINAUMAGAHAN ay halos wala akong mukhang maipakita sa kanya. Maaga akong nagising dahil maaga raw kaming pupunta sa syudad to buy my things sa bago kong lilipatang university.
I can't do anymore but to obey my mom, siya pa rin ang nagbibigay ng pera sa akin, even though she's a b***h most of the time.
Nakaligo na ako nang bumaba ako. Travis and Emmanuel are at the dining area nang nagtungo ako doon to take my breakfast.
I can't look at him, naiilang ako. The fact na inamoy ko ang underwear niya kagabi and tried to escape in his sight na dala iyon ay malaking kahihiyan.
But then, he remained silent. Hindi niya ako pinagtawanan o siningil man lang. He acts as if walang nangyari na gano'n.
I know na alam niyang nawala ang underwear niya doon, kahit na hindi naman niya ito nakita sa akin dahil itinago ko iyon nang makalabas ako.
Sino pa nga ba ang kukuha niyon sa oras na iyon kundi ako.
"Wow, it's a miracle. Ang aga mong gumising," nagtatakang wika ni Travis.
"Whatever," walang gana kong wika.
Nagtungo ako sa refrigerator at kimuha ng fresh milk. Nagbuhos naman ako ng cereals sa tason at saka ko nilagyan ng gatas.
Walang kibo si Emmanuel, and maging ako ay hindi rin kumikibo sa kanya.
Nagpasya ako na sa sala na lang mag-almusal, ayaw kong nakikita niya ako at nakikita ko siya. My knees are trembling.
"Your mom called and she told me to tell you na sagutin mo ang cellphone mo," sabi niya bago ako makaalis sa kusina.
Pinakinggan ko lang iyon bago ako maglakad patungong sala.
"She will call you anytime today," pahabol niya.
Nagsumbong ba siya sa mommy ko? Sinumbong ba niya ang ginawa ko kagabi? If yes, wala akong pakialam. She calls me a mess, then iyon na nga iyon. I am doing what she calls me to be.
NASA kotse na ako, pinili kong mag-stay sa likuran dahil doon ko gusto. I am wearing a simple skinny jeans na semi-tattered at sando tucked in my jeans. Nagsuot din ako ng sneakers na may tatak na Converse.
Pinili kong ilugay ang buhok ko.
Well, dinala ko ang Handford brief niya. It's inside my bag and I planned to throw it anywhere mamaya.
Para mawalan ako ng iniisip kung saan iyon itatago sa kwarto kong puno ng gamit ko.
"Alright, let's go?" Ani Emmanuel nang mailagay niya ang seatbelt ni Travis bago siya lumingon sa akin.
Hindi ko siya sinagot, bagkus ay nagsuot ako ng sunglasses.
"Are you okay?" he asked.
I didn't reply. Imbes ay itinuon ko sa daan ang aking paningin.
"She's mute and deaf dad, don't ask her," iritadong wika ni Travis.
ONE HOUR din ang byahe namin papunta sa syudad. I am still waiting for that call from mom na sinabi ni Emmanuel kanina. But then, I haven't heard a single ring sa phone ko na nasa loob ng aking bag.
When we went to the mall, kung saan ay naroon ang magandang klase ng uniform na bibilhin nila for me ay pinasukat na sa akin ng saleslady ang dalawang pares ng uniforms.
Nawala sa isip ko na iniwan ko sa labas ang bag ko at hanggang sa matapos akong magsukat ay hindi ko iyon naalala.
Paglabas ko ng fitting room ay agad akong sinalubong ng saleslady and asked kung okay na lahat iyon, and so, I told her na okay na.
"What about her P.E. uniform, miss?" Emmanuel asked na hawak ang bag ko.
Doon ko lang napagtanto na hawak niya pala iyon. Gosh, I am almost... caught carrying his underwear on my bag.
"My bag." Inilahad ko ang kamay ko para iabot niya sa akin ang bag ko.
"Your mom called, I answered it for you," he said.
Gusto ko na lang talaga na lamunin ako ng lupa, na sana ay mag-evaporate na lang akong bigla, na sana ay mahimatay na lang ako nang dahil sa kahihiyan.
If he answered the call for me, ibig sabihin, nakita niya ang brief doon.
Parang tinakasan ng dugo ang mukha ko nang ma-realize ko ang bagay na iyon.
Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi nang marinig ang kanyang mga sinabi.
"Sir, I'll just look into our stocks, iisa lang kasi iyang naka-display," paalam ng saleslady.
"You shouldn't be opening other's property. It's my bag, it's private." Inagaw ko iyon mula sa kanya at saka umirap na nagtungo sa fitting room to wait for that damn P.E. uniform.
"You did it first, my daughter," he said referring to what I did last night.
And yeah, alam na niyang nasa bag ko ang brief niya. And it is really a total embarrassment on my part.
"Sh*t. What the f*ck!" Nabitawan ko ang bag ko sa loob nang maramdaman ko na ang sobrang kahihiyan.
"Ang tanga tanga ko!" sabi ko pa.
Pero wala na, tapos na. Nangyari na ang lahat at wala na akong iba pang magagawa kundi ang harapin siya sa araw araw.
Kinuha ko ang bag ko at saka ko tiningnan ang laman niyon. Naroon pa rin ang brief, katabi ng aking cellphone at iba pang mga gamit.
Bumuntong hininga ako at saka ako umupo sa isang silyang de-kutson sa loob ng fitting room.
"Miss, here's the blouse and the jogging pants." Kumatok ang babae sa pintuan kaya't pinagbuksan ko siya.
And then, para matapos na ang lahat, isinukat ko na iyon at nang magkagayo'y binayaran na lahat ni Emmanuel.
Well, siguro, my mom gave him the money. Mas malaki ng di hamak ang sahod ng mommy ko sa kanya.
IPINASYAL niya lang si Travis sa mga pasyalan sa mall habang ako ay naghihintay sa isang fast food chain. Nag order ako ng nag order hanggang sa hindi ko na kayang kainin.
Stress eater ako, at dahil na-stress ako sa mga nangyayari ay wala akong ibang ginawa kundi ang ngumuya.
Suddenly, mom called me.
Umirap pa ako nang sagutin ko iyon.
"What again?" I asked.
"Where's your dad?" he asked.
"He's dead," I replied.
"Amanda, huwag kang mamilosopo!" sinigawan niya ako sa kabilang linya dahilan para ilayo ko ang phone sa tenga ko.
"Bakit hindi siya ang tawagan mo? May sarili namang cellphone ang bago mong asawa hindi ba?" sabi ko pa.
"I am asking because he should buy you shoes too. Wala kang matinong leather shoes, lahat ay pang bar at kung anu-ano."
"Nevermind, hindi ko rin naman isusuot."
"Amanda, you're such a..."
Bago niya matapos ang sasabihin niya ay ibinaba ko na ang tawag saka ako nagpatuloy sa pagkain.
NANG MAKAUWI na kami ay diretso na ako sa kwarto ko. Hindi ko na binitbit ang mga pinamili dahil wala naman talaga akong balak na isuot iyon.
Dahil busog na ako ay walang gana kong ibinagsak ang sarili ko sa kama at doon ay nakatulog na ako.
ALAS ONSE ulit nang gabi nang magising ako. Kumakalam ang sikmura ko dahil sa gutom.
Pero bago ako bumaba ay tinanggal ko na muna sa loob ng bag ko ang brief at plano kong itapon iyon sa labas ngayong gabi.
Pagbaba ko ng kusina para kumain ay tyempo namang naroon siya. Nakaupo siya sa isang silya sa tapat ng mesa, wearing black shorts and white sando na hapit sa kanya.
Kita ko ang dragon tattoo sa kanyang braso na bumagay sa kanyang kulay.
"Can't sleep?" he asked nang makita ako.
Nagkakape siya at parang bagong timpla pa lang iyon dahil umuusok pa.
"Kagigising ko lang," wika ko habang nasa likuran ko ang isa kong kamay na hawak ang Handford brief niya.
What should I do now? Itatapon ko ba iyon? Or it's better na ibalik ko na lang iyon sa kanya para naman maging malaya na ako sa kahihiyan.
Inaamin ko, I am a b***h pero mayroon din akong pakiramdam.
Nagtatalo ang isip at damdamin ko nang bigla siyang nagsalita.
"What is it that you are hiding behind you?" tanong niya.
Malalim at baritono ang boses niya, lalaking lalaki.
Kinabahan ako dahil wala na akong kawala. Hindi na ako pwedeng magtago pa sa kanya. Kailangan ko na talagang isauli iyon.
Huminga ako ng malalim at saka ko agad ipinatong iyon sa lamesa.
"Okay fine. It's a mistake, okay. Don't laugh at me in your mind!" Inis kong wika sabay iwas sa tingin niya.
Kita ko ang pilyo niyang ngiti bago siya humigop ng kape.
"That's mine, right?" he asked na parang ipinamumukha pa sa akin ang ginawa ko.
"Obvious nga di ba?"
"Why do you have my used brief, by the way?" tanong pa niya.
"Don't ever fish for more information, okay? It's enough. Ayaw ko nang pag-usapan pa iyan. And burry this moment, hindi ko na gustong balikan pa itong nangyari na ito. I am a mess, call me b***h, but I don't really care."
He just smiled and then tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at lumapit sa akin.
Mas lalong kumabog ng mabilis ang puso ko nang mas lalo ko siyang makita ng malapitan. He has a very strong presence, nakakapangilabot.
Agad niyang dinampot ang brief at saka iyon ibinigay sa akin.
"That's already yours, Amanda," puno ng senswal ang boses niya nang sabihin niya ito.
Dumampi sa aking pisngi ang kanyang mainit at preskong hininga, mabango iyon.
Ga-pulgada na lang ang layo ng katawan ko sa kanya, that's why naamoy ko ang natural scent niya. Very manly, sexy and arousing.
"But you know that I love your mom. I can't do what you want, magtiis ka na lang sa pagnanasa sa mga gamit ko, but what's on your mind will never happen, my daughter." Hinawi niya ang buhok ko at inipit sa likod ng tenga ko bago ako hinalikan sa noo at agad na ring umalis.
That's almost an intense conversation. Bakit ako masyadong affected?
This is wrong. Very wrong.