9

2060 Words
Napasapo ako sa aking noo nang makita ko na lumabas si River mula sa isang Pizza Parlor at dala niya ang mga malalapad na kahon ng pizza. Bago pala kami nakaalis sa unit ay nagpagawa na pala siya at ngayon ay pinipick up lang namin ang order para na din daw iwas hassle. Hinatid ko lang siya ng tingin hanggang sa buksan niya ang backseat ng kaniyang sasakyan at doon inilagay ang mga pagkain at inumin na kaniyang binili. Ang sabi niya sa akin, mga pasalubong daw niya ang mga iyon para sa pamilya ko. Kaya din daw siya bumili para na din daw may pandagdag sa handa mamaya sa reunion. Nakakahiya naman daw kung pupunta daw siya sa reunion nang wala man lang daw siya dala kaya ginigiit niya ang gusto niya kahit na ang bilin sa kaniya ni mama na huwag na siya magdala ay sige pa rin siya. Sa huli, wala na din naman ako magagawa dahil nar'yan na. Alangan naman na ipapasauli ko pa sa Pizza Parlor ang mga pagkain? Hanggang sa narating na din ni River ang driver's seat. Binuhay niya ang makina at sumulyap sa akin. "May nakalimutan pa ba tayo?" malumanay niyang tanong. Ngumuso ako. "Sa tingin ko, wala na." sagot ko naman habang nakatingin ako sa cellphone ko. Dahil sa sadyang makulit ang isang ito, nasabi ko na rin sa kaniya kung ano ang paborito ng mga magulang ko pati ng kapatid ko na si Pedriona. Maski ang paborito ng lolo't lola ko ay nasabi ko na din. "Great, so all the way na tayo sa Cavite?" he asked. Tumango ako. "Yep. Okay na." muli kong tugon. Tinapakan niya ang gas para makausad na kaming dalawa patungo sa Cavite kung saan naghihintay ang kamag-anakan ko. Pati na din ang mga pinsan ko. Medyo na-eexcite na ako kung ano ang magiging reaksyon nila sa oras papakinin ko na sila ng alikabok! Lalo na si Christy! Bwahaha! Ang sama ko ba? Ganoon talaga. Kahit naman sa ganitong bagay ay makaganti ako sa bruhildang iyon! Kung makikilala ninyo ang isang 'yon, paniguradong mabubwisit lang kayo, sinasabi ko sa inyo. "Do you think they will like those food?" biglang tanong niya habang nasa kalagitnaan na kami ng byahe. Bumaling ako sa kaniya na nakangiti. "Oo naman, sa dami ba naman ng mga binili mo, paniguradong walang tatanggi d'yan." lumapad ang ngiti ko. "Bakit ka nagtatanong? Kinakabahan ka ba?" "Nope. Actually, I'm excited." masuyo niyang sabi sabay inabot niya ang isang kamay ko. Walang sabi na idinikit niya ang likod ng aking palad sa kaniyang mga labi. Sa ginawa niyang iyon, para parang tumigil ng dalawang segundo sa pagtibok ang puso ko. "I can't wait to meet them, my baby Pau." "They will definitely like you, River. I assure you." ako naman ang naglambing nang sabihin ko 'yon. Kahit na nakaside view lang siya, kita ko kung papaano niya kinagat ang kaniyang labi na tila pinipigilan niya ang sarili niya na mapangiti sa mga sinabi ko. Lihim ako napangiti. Dahil ngayon ko lang yata nakita ang boyfriend ko na kiligin ng ganito. Hindi ko akalain na mababaw din pala ang kaligayahan niya. "Ginugutom ka ba ngayon? Gusto mo bang dumaan muna tayo sa resto or drive thru?" he asked.  "Hindi pa naman ako gutom. Okay pa naman ako. Sa bahay nalang ako kakain. Ikaw ba?" "Ganoon na lang din ako." ** Hanggang sa narating namin ang Amadeo, Cavite. Itinuro ko kay River ang daan patungo sa bahay namin dahil ang sabi sa akin ni mama, sa bahay namin mismo gaganapin ang reunion. At sa mga oras na ito, paniguradong hinihintay na kami ng mga kamag-anakan ko doon. Nang tumigil na ang sasakyan ay napansin din namin na may tumigil din na mamahaling sasakyan sa tapat namin. Nagtataka lang ako kung bakit hindi pa lumalabas si River. Ang mas napapansin ko pa ay pinapaningkitan niya ito ng tingin. Para bang kilala niya ang nagmamay-ari ng sasakyan na nasa harap namin. Kahit ako ay napatingin sa direksyon na iyon para abangan kung sino ang lalabas. Umawang ang aking bibig nang nagbukas ang pinto mula sa driver's seat at may lumabas na lalaki. Kilalang kilala ko kung sino ang lalaki na iyon! Umikot ito sa harap para buksan ang pinto mula sa frontseat din. "Damn, sabi ko na nga ba." rinig ko mula kay River. Kinalas niya ang kaniyang seatbelts at tulad ng ginawa ng lalaki ay umikot din siya sa harap para pagbuksan niya ako ng pinto. Nilahad niya ang kaniyang palad sa akin. Inaalalayan niya akong makalabas mula dito sa loob. "Be careful." paalala niya. "Thank you," malambing kong sabi sa kaniya na ikinangiti niya. "Basta ikaw." pahabol pa niya. Dahil sa dami ng dala na pagkain ni River ay naisipan namin na uutusan ko ang iba ko pang pinsan na kunin ang mga iyon sa kotse mamaya. Pero bago iyan ay sinalubong namin ang dalawang tao na inaabangan ni River. Bakas pa rin sa kaniya na hindi makapaniwala. "Spencer?" tawag ni River sa lalaki. Tumigil ang babae't lalaki sa paglalakad. Sabay silang lumingon sa aming direksyon. Tulad ni River, bakas din kay Sir Spencer na hindi makapaniwala nang makita niya ang pinsan niya dito. "River!" lumapad ang kaniyang ngiti nang nilapitan nila kami. Nagfist bump ang dalawa. "What are you doing here?" hindi makapaniwalang tanong ni River sa kaniyang pinsan. Bago man ito sumagot ay masuyo niyang hinawakan sa bewang ang babaeng kasama nito. "This is MC, my girlfriend. My baby doll is also a Magbanua. Automatically, your girl and my girl are cousins. Mother's side, cous." paliwanag niya sa amin. Bahagya ako natigilan sa sinabi ni Sir Spencer. Wait, itong girlfriend niya? Pinsan ko? Inilipat sa akin ni Sir Spencer ang kaniyang tingin. "If you know your late aunt, Edita Magbanua-Defamente. She," tukoy niya sa kaniyang girlfriend. "She's her eldest daughter." Natigilan ako. Bumaling ako sa tinutukoy ni Sir Spencer na si MC Defamente. Ginawaran niya ako ng isang ngiti at ginantihan ko iyon pero may kasamang pagyuk ng kaunti, para naman hindi ako snob sa paningin nila. Ngayon ko lang napagtanto, may naiwan palang mga anak si tita Edita noong umuwis siya dito sa Amadeo. Gustuhin man niyang balikan ang mga anak niya ay hindi naman niya magawa dahil nagkaroon na siya ng sakit na dahilan para hindi niya magawang hanapin ang mga ito hanggang sa binawian na siya ng buhay. "Welcome back, cous." sambit ko na hindi mawala ang ngiti sa aking mga labi ang saya dahil sa wakas, nangyari din ang hinihiling ni tita Edita noon pa man. Ang mapunta ang mga anak niya sa mga Magbanua. Niyakap ko siya. "Maraming salamat, Pauline." Ginantihan din niya ako ng yakap. Ilang saglit pa ay kumalas na kami sa isa't isa. "Ma! Narito na sina ate Pauline at ate MC!" rinig kong boses ni Pedriona sa hindi naman kalayuan. Kasama niya ang ibang pinsan namin na lalaki. "Ate Pau! Ate MC!" bakas sa kapatid ko ang kagalakan na lapitan niya kami. "Pedriona..." "Mabuti nakarating na kayo! Naghihintay na sila sa loob! Naroon na din sina tito at tita. Hinahanap na din kayo. Lalo na sina lolo't lola!" "Uhm, may mga dala pa pala kami kaso nasa loob pa ng sasakyan. Patulong naman na ilabas para mailagay na sa loob." sabi ko. "Kami din. Okay lang din ba?" biglang sabi naman ni MC. "Sure, ate. Tutulong kami!" masiglang sagot ni Caloy, binatilyo ito pero maaasahan ito sa pagtulong. Itinuro namin ni MC kung saan ang mga pagkain na dala namin. Kahit si Pedriona ay tumulong din sa pagbubuhat. May mga hawak din naman si River at sir Spencer. Nakaramdam ako ng tuwa habang pinagmamasdan ko ang tuwang-tuwa ang mga pinsan ko na makakasama nila ang dalawang Hochengco. "This is unexpected," bigla ko narinig mula kay MC na nasa tabi ko. Nagkatinginan kaming dalawa. Lumapad ang kaniyang ngiti. "Dalawang Hochengco, mapupunta sa teritoryo ng mga Magbanua." Gumuhit din ang ngiti sa aking mga labi sa sinabi niya. "Congrats, cous. Mukhang masayang masaya ka nga kay Sir Spencer." "Sobra. Ikaw ba?" Lumipat ang tingin ko kay River na ngayon ay winewelcome na din siya nina mama. Kita ko na nagmano ang dalawang Hochengco sa mga nakakatandang myembro ng aming pamilya. "Wala na akong masasabi pa kay River. Hindi siya mahirap mahalin tulad ng inaasahan ko." "So, tara na sa loob?" nakangiting aya niya. "Paniguradong naghihintay na sa loob si Calla." "Sure." Nagkukwentuhan pa kaming dalawa ni MC habang papasok na kami sa loob. Hindi namin maiwasang matawa kapag may joke kami. Daig mo parang pyesta ang handaan ng mga Magbanua pagpasok namin sa lumang bahay. Nakakatuwang isipin dahil ngayon lang ulit kami nagkasama-sama, lalo na't bumalik na sa pamilyang ito sina MC at ang kapatid niyang si Calla. Sayang lang, wala na ang kanilang ina pero alam ko, masaya na siya kung saan man ito naroroon. Ipinakilala ni MC si Spencer sa pamilya at ganoon din ako. Ipinakilala ko si River sa kanila. Lihim ako napangiti nang makia ko ang reaksyon nila—tuwang tuwa. Dahil sa likaw na Hochengco ang boyfriend ko, mas nadagdagan ang good shot points ko! "Dito ka lang, kukuhaan kita ng makakain. Wala pa tayong kinain sa byahe." sabi ko habang nakaupo kami. Nasa iisang mesa lang kami, along with MC, Spencer and Calla and my sister, Pedriona. Pansin ko na mas dikit itong ang dalawang ito kaysa sa iba pa naming pinsan na naririto. "Okay, baby Pau." "Anong gusto mong kainin, Spencer?" malumanay na tanong ni MC. "Sasabay na ako kay Pauline sa pagkuha ng pagkain." Matamis na ngumiti si sir Spencer sa kaniya sabay na hinawakan ang kamay nito. "Kung ano rin ang gusto mong kainin." Kinikilig na ngumiti si MC. Napangiti din ako dahil kinikilig ako sa kanilang dalawa! Jusko, hindi ko akalain na may tinatagong asukal sa katawan ang pinsan ni River! Biglang may humawak sa kamay ko. Bumaba ang tingin ko. Nakatingala sa akin si River. "Huwag kang mainggit sa kanila, narito ako, baby Pau." masuyo niyang sabi saka dinampian niya ng halik ang likod ng aking palad na dahilan para uminit ang magkabilang pisngi ko. Tinawanan nila ako dahil sa reaksyon ko! Jusme! "Ah! Kukuhaan na nga kita ng pagkain." pag-iiba ko nalang ng usapan. Taranta akong umali sa mesa, humabol naman sa akin si MC. "Uyy, kinikilig siya." pang-aasar niya. "H-hindi, ah." mabilis kong sagot. "Bakit nauutal ka?" natatawa niyang sambit. "Hirap huminga kapag may Hochengco sa paligid, ano?" Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Hindi ko akalain may kabaliwan ka rin." Lumapad ang ngiti niya. "Huwag ka mag-alala, ganyan din ang pakiramdam ko kapag nasa paligid ko si Spencer." Nagtawanan kaming dalawa habang papunta kami sa buffet nang may humarang sa amin. Natigilan kaming dalawa, mas lalo na ako dahil bumulaga sa harap ko ang babaeng kinaiinisan ko noon pa man. Si Christy! Na ngayon ay malapad ang ngisi, may lalaki na nasa kaniyang tabi. "Kamusta ka na, Pauline?" may bahid na sarkastiko sa tono ng kaniyang pananalita. "I'm fine, Christy." tamad kong sagot sa kaniya. "Ang sabi sa akin ni Jeramie, may jowa ka daw na isang Hochengco. Where is he?" palinga-linga siya sa paligid. "Why don't you try to introduce him with us? Patunayan mo na may jowa ka na nga." Humalukipkip ako at tumalikwas ang isang kilay ko. "Nasa paligid lang siya, Christy and he's waiting for food. Ngayon, huwag ka muna humarang, okay? Gutom na kami dahil sa byahe." "Ows? Baka naman hindi mo talaga siya kasama?" "Baby Pau?" "Baby doll?" Sabay kaming napalingon ni MC nang may tumawag sa amin. Lumapit sa amin ang magpinsan na Hochengco. Pareho may pagtataka sa kanilang mga mukha. Inakbayan ni sir Spencer si MC, habang si River naman ay yumapos sa aking bewang sabay halik sa aking buhok. "My problema ba?" nag-aalalang tanong ni River. Nakangisi akong bumaling kay Chirsty na ngayon ay laglag ang panga. "This is River Hochengco, my boyfriend. River, this is Christy, ang pinsan ko na galing abroad." bumaling ako kay MC. "Cous, ipakilala mo din ang boyfriend mo sa magaling at GGSS nating pinsan." "Oh!" bulalas ni MC. "This is my boyfriend, Spencer Hochengco, pinsan naman siya ni River Hochengco." Pormal ni nilahad nina sir Spencer at River ang mga palad nila. "I'm River. Magiging fiancé ni Pauline." "Spencer Ho, magiging groom-to-be ni MC. Nice meeting you." Pigil na pigil ako ng tawa dahil nakita ko kung papaano maiiyak sa inis si Chirsty na hindi lang isa, kungdi dalawang Hochengco ang nagpakilala bilang boyfriend ng dalawang Magbanua. Bumaling ako kina Pedriona na malapad ang ngisi na nakathumbs up pa, habang si Call ay natatawa sa kanilang nasasaksihan, siguro aware siya sa kaganapan ngayon. Nag-apiran kaming dalawa ni MC. Ibinalik ko kay Christy ang tingin ko. Ano, Christy? Iyak na para naman masiyahan pa ako lalo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD