Hanggang ngayon, hindi pa rin mapigilan ni MC humagalpak ng tawa. Hindi pa rin kami makamove on kung papaano umasim ang mukha ni Christy nang ipinakilala namin ang magpinsan Hochengco bilang mga jowa namin. Naikwento ko rin sa kaniya ang totoo, and the good thing is, sumakay siya sa trip ko kanina. Sina Calla at Pedriona naman ay natatawa din sa kwentuhan namin. Ang pinsan ni River na si Sir Spencer ay naguguluhan na din kung anong nangyayari, siguro dahil sa tawanan namin at naiisip niya na nababaliw na kami. Kung kaya si River na ang nagkukwento sa kaniya kung anong kaganapan. Nang nalaman niya ang totoo, natatawa na naiiling ang naging sagot niya.
Ilang saglit pa ay nagsimula na ang program ng naturang reunion. May palaro daw. Una sumalang sa palaro ang mga paslit naming mga pinsan at pamangkin. Unang nilaro ang pukpok palayok. Nakaupo kami sa mesa namin habang tuwang-tuwa kami sa panonood. Ang iba pa sa amin ay nagchi-cheer pa sa may hawak na pangpukpok sa palayok. Syempre, hindi rin nagpapahuli ang pabitin.
Syempre, nariyan din ang hindi nabubura sa mga parlor games na Trip to Jerusalem at Stop dance. May premyo, five hundred daw. Ang kasali sa laro na iyon ay sina Calla at Pedriona. Nakakatawa lang dahil sila din ang last two contestant tapos sobrang nag-aagawan sila ng upuan. Ayaw magpatalo sa isa't isa. Hanggang si Calla ang nanalo sa laro na iyon.
"And the next game we have... Paper dance!" masiglang anunsyo ng emcee sa amin. "Hanap na kayo ng ka-pares ninyo!"
"Sali kayo, ate Pau! Kuya River!" giit bigla ni Pedriona sa amin.
"Kayo din, ate MC! Kuya Spencer!" dagdag pa ni Calla sa gilid namin.
Hindi lang sila ang umuudyok sa amin na sumali. Maski ang tiyahin at mga pinsan namin ay tinutulak kami sa harap. Ganoon din sila kina MC at Spencer. Wala naman kaming magawang apat sa kakulitang taglay ba naman ng mga kamag-anakan namin. Tuwang-tuwa na pumapalakpak ang mga kapatid namin na animo'y kilig na kilig dahil nagawa nila ang gusto nila. Hindi lang kami apat ang contestant sa palaro na ito. Pati ang mga tito at tita namin, mga pinsan namin na may mga jowa. Kahit sina Christy at ang boyfriend nito ay kasali din na ngayon ay matalim ang tingin sa akin dahil natalo siya kanina. Ha!
May lumapit na dalawa sa mga kamag-anakan namin para ibigay sa amin tig-iisang pahina ng dyaryo. Kami na ni River ang naglapag n'on sa sahig. Naghubad na din kami ng mga sapin sa paa at tumayo din kami habang naghihintay ng signal.
"Are you ready?!" masayang masaya na tanong ng emcee sa amin.
"Yeaaahhhh!" sagot namin with matching taas kamay pa ako.
Biglang tumugtog ang party music sa bulwagan. Magkaharap kaming dalawa. Ang strategy namin ni River, kaunting galaw lang ang gagawin namin para hindi kami mapagod ng sobra.
Biglang tumigil ang tugtog. Kusang kaming tumapak ni River sa papel. Nakayapos siya sa aking bewang within ten seconds then muli ibinalik ang tugtog. Itinupi na namin ang papel sa kalahati saka sumayaw kami ng kaunti ulit.
Nang huminto ang musika ay magkayakap na kami pero nakatapak naman ako mga paa niya.
Hanggang sa paliit nang paliit ang tupi ng papel at nabubuhat na ako ni River, ganoon din si Specer kay MC. Aba, sina Christy at ang boyfriend niya, hindi nagpapatalo!
Binuhat ako ni River na animo'y bagong kasal, naka-piggy back ride naman si MC kay Spencer. Kaming apat nalang ang natitira sa laban na ito. Ayos na din, natalo na sina Christy. Bwahahaha!
"Wow! Close fight between cousins!" tuwang-tuwa na sabi ng emcee sa madla.
I'm not a competitive, sporty pa nga ako sa iba akong pinsan. Maliban lang kina Christy dahil umiinit talaga ang dugo ko sa babaeng iyon. Kaya nag-eenjoy ako sa laro na ito kahit sina MC at Spencer na ang kalaban namin para sa last round. May binigay pang instruction si River. Tumango ako na ibig sabihin ay naiitindihan ko.
Tumunog ulit ang party song. Nagkatinginan kami ni MC na malapad ang ngisi. Ako naman ay natatawa sa histura niya. Parang kasing sinasabi niya na pagbigyan ko nalang daw sila. Hahaha. Pero sayang ang premyo. Lol. Charot lang!
Tumigil ang tugtog. Walang sabi na tumalon ako kay River at binuhat niya ako. Nakayapos ang mga braso ko sa leeg niya at ang mga binti ko naman ay napalupot sa kaniyang bewang. His arms snake around my waist, he lifted his leg up.
"Balance, River. Balance." bulong ko sa boyfriend ko.
"Yeah, my baby." he whispers.
Hindi ko alam kung anong ginawang strategy nina Spencer at MC dahil concentrated ako sa posisyon naming ito ni River.
"Five! Four! Three! Two! One! And we have a winners!" malakas na pagkasabi ng emcee! "The winners are Miss Pauline and Mister River Ho!"
Napaawang ang bibig ko. Ramdam ko na ibinaba na ni River ang isa niyang paa pero nanatili pa rin akong nakayapos sa kaniya. Dahil din sa galak ay wala sabi na hinalikan ko ang mga labi niya! Hinalikan ko siya ng ilang segundo. Kahit na nagulat siya sa ginawa ko ay wala akong pakialam! Kahit makita pa ng buong kamag-anakan ko! Basta, nanalo kami! We won! Yes!
"Nanalo tayo, River!" bulalas ko!
I saw him chuckled. "Yes, my baby Pau." kumento niya at siya naman ay dinampian niya ako ng halik sa noo. "I love you." masuyo niyang sambit.
"I love you too, River! I love you!"
"Kuya River! Kuya Spencer!" rinig naming boses nina Calla na palapit sa amin. Napatingin kami sa kanila. Doon ay ibinaba na din ako ni River mula sa pagkayapos ko sa kaniya.
"May problema ba, Calla?" nagtatakang tanong ni Spencer.
Bago man sumagot si Call ay bumaling siya kay Pedriona na wala pang limang segundo. Muli siyang bumaling sa amin. May mga bisita po. "Narito na ang mga Hochengco..."
Sabay kaming napasinghap nina MC nang marinig nmain iyon. Bumaling ako kay River na may pagtataka sa aking mukha. Sa mukha kong iyon ay nagtatanong ako kung anong nangyayari. Sa halip sagutin niya ang iyon ay isang malapad at matamis na ngiti ang kaniyang iginawad sa akin.
I heard some foot steps, na dahilan para mapatingin ako sa b****a ng bulwagan na ito. Umaawang ang bibig ko nang tumambad sa akin ang mga magulang ni River na sina Sir Finlay at Madame Pasha Ho, kasama nila sina Sir Rowan at ang kakambal nitong si Miss Sarette. Hindi lang sila, narito din ang mga magulang ni Sir Spencer na sina Sir Keiran at Madame, ganoon din, kasama din nila ang mga kapatid ni Sir Spencer na sina Sir Alder at Miss Laisa na pawang may mga ngiti sa labi.
"Anong..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang mahagip ng mga mata ko na nilapitan sila nina lolo't lola pati na din sina mama at papa! Bumaling ako kay MC na tulad ko ay nagtataka din siya sa nangyayari.
"Magandang araw po, Mr. And Mrs. Magbanua," nakangiting bati ni Madame Pasha sa mga magulang ko.
"Maraming salamat po sa imbitasyon." pormal na dagdag ni Madame Naya.
"Masaya kami dahil pinaulakan ninyo na makarating sa handaan na ito, Madame Naya. Masayang wika ni Lola sa nanay ni Sir Spencer.
Bumaling sa amin si Miss Sarette na malapad ang ngiti. "Bunso! Pauline! Spencer!" masayang bati niya sa amin at kumaway pa sa direksyon namin. Agad din niya kami dinaluhan.
"A-ano pong meron?" hindi ko mapigilang itanong sa kaniya iyon.
Inilapat niya ang mga labi niya. "Inimbitahan lang kami... pero bukod d'yan, may isa pa."
Dinaluhan din kami ni Miss Laisa, tulad ni Miss Sarette ay malapad din ang ngiti niya. Ang elegante talaga nilang tingnan. Lalo na sa mga suot nila. "Ayos lang naman siguro kung naririto din ang presensya namin, River? Spencer?"
"Of course, ate." mabilis na sagot ni Spencer. Mas maigi na din iyon.
"Mas maganda kung narito na din kayo." dagdag pa ni River.
**
Habang inaasikaso ng mga Magbanua ang mga hindi inaasahan na bisita, sinubukan ko din itanong si MC kung may ideya ba siya sa kung anong nangyayari pero bigo ako makatanggap ng sagot. Tulad niya ay wala rin syang ideya kung anong meron. Hindi niya rin inaasahan na dadating dito ang pamilya Hochengco.
"River, tapos na ba ang bahay na pinapagawa mo?" malumanay na tanong ni Madame Pasha habang naririto kami sa hapag. Bukod sa pamilya Hochengco, kami nina MC, pati ang mga magulang ko ang naririto sa pribadong silid-kainina na ito.
"Yes, ma. Tapos na siya, last month pa." pormal na sagot ni River sa kaniya. "Malapit na din matapos ang mga dapat tapusin."
"How about you, Spencer? Ano na nangyari sa itinatayong Resto na gusto mo?" si Madame Naya naman ang nagtanong na malapad ang ngiti. Bumaling siya kay MC. "Hindi na ako makapaghintay na matikman ang mga luto ni MC sa oras na bibisita ako kung minsan."
"Everything has been settled, mom. Tapos na din ang process ng hiring. Malapit na din naman ang pre-opening ng resto."
"You can count us in if you need something." dugtong pa ni Sir Finlay.
"Thanks, pa."
"Mawalang-galang na po..." bigla ako nagsalita. Napatingin sila sa akin na may pagtataka. "Pwede po bang malaman namin kung para saan ito? N-naguguluhan na po kasi kami ni MC sa nangyayari..." ngumiwi ako.
Umaawang ang bibig ni Miss Sarette saka tumingin siya sa akin. "Oh! Sorry, Pauline... Uhmmm... River? Spencer?" baling niya sa mga ito.
Mas lalo kami nagtataka ni MC nang biglang tumayo ang dalawang magpinsan. Napasapo ako sa aking bibig nang bigla sila lumuhod gilid namin ni MC! May inilabas silang maliit na kahon mula sa kanilang bulsa. Ipinakita niya sa amin ang nilalaman ng red velvet box. Isang singsing.
"Spencer...? Bagong singsing?"
"Yes, baby doll. Marry me. I don't need a thousand reasons to feel special. All I need is you to live in this world. Will you marry me?"
"River..." ang tanging nasambit ko dahil sa pagkagulat.
"Well, this is how I feel about you, baby Pau. I know I should probably be telling you all these deep, heartfelt feeling of mine over a romantic dinner. But here I am, I am here kneeling infront of you, telling my family you are the one I want to spend my life with. And I believe it would be best if we were no longer boyfriend and girlfriend but rather husband and wife... Will you marry me?"
Kinagat ko ang labi ko, kasabay na mas bumilis ang t***k ng aking puso dahil pinaghalong kaba at excitement. Marahan akong pumikit ng ilang segundo at muling tumingin sa kaniya. Nilahad ko sa kaniya ang palad ko. "Yes." sagot ko, sa wakas.
Kita ko ang tuwa sa kaniyang mukha dahil sa sagot ko. Tinanggal niya ang singsing mula sa kahon at isinuot niya iyon sa aking palasingsingan. "I love you."
"I love you too." I answered breathlessly.
Rinig ko ang palakpak sa bawat pamilya nang masaksihan nila ang eksena na ito.
"Wow! Pareho nag-yes!" halos nagtatalon na sa tuwa sina Miss Sarette at Miss Laisa. Nagyakapan pa sila.
"So... Papaano ba 'yan? Kailan ang sa iyo, Rowan ahia?" natatawang kumento ni Sir Alder habang pinapapak ang cheesecake sa tabi.
"Ako ang panganay, ako dapat ang unang ikakasal." bumaling siya kay River. "Next year ka na, bro. Magkakasukob pa, eh." saka ngumisi siya.
"Ako ang unang nag-aya magpakasal kay Pauline, ahia. Ako ang mauuna." seryosong sagot ni River.
"Tss. Ako nga sabi."
"Nope, ako."
"Spencer! Adler! Awatin ninyo nga sila." saway ni Miss Laisa na parang kinakabahan siya sa anuman ang mangyayari sa magkapatid na ito.
"Ate, hayaan mo sila." wika ni Sir Spencer habang nakaakbay kay MC.
Biglang inilabas ni Sir Adler ang cellphone niya. "Kukunan ko ng video ito tapos ipapakita ko sa angkan." nakangising sabi niya. Itinutok niya ang camera sa magkapatid.
"Ahia! Seryoso ka d'yan?! Talagang may gana ka pa magvideo?!" hindi makapaniwalang tanong ni Miss Laisa.
"Para naman updated ang mga pinsan natin." saka humagalpak ng tawa!
Napatampal ng noo si Miss Laisa. I heard her groaned with frustrations.
"River, ako ang kuya, ako nga ang mauuna!" naiirita na sabi ni Sir Rowan.
"Kuya ka lang, ako ang mauuna. Bagal mong mag-aya pakasalan si ate Ciel!" parang sasabog na din ito sa inis. Bakit tumatawa lang ang mga magulang nila?! Ang pamilya Magbanua naman, parang natataranta na dahil nagkakainitan ang magkapatid na ito?!
"Aba, sira ulo 'to!" susugurin na sana si Sir Rowan si River.
Pero biglang pumagitna si Miss Sarette. "Ano ba naman kayong dalawa?! Hindi natin bahay ito! Mahiya naman kayo!" kahit siya ay inis na din. Pinasadahan niya ng tingin ang mga kapatid. "Hindi ba pwedeng sabay nalang kayo ikasal?!"
"No way!!" sabay na sagot ng dalawa.
Biglang tumayo sina Sir Finlay na dahilan para matigilan ang lahat. s**t. Ginapangan ako ng kaba dahil baka galit na siya! Nagtataka ako bakit sumilay ang ngisi sa mga labi nito. Binalingan niya ng tingin ang unica ija niya. "Ikaw muna ang ikasal, Sarette. Hanapin mo ang ama nina Geneva at Genesis."
Laglag ang panga ni Sarette. "W-what? Baba?" tila nabingi siya sa narinig.
"Kaysa magpatayan na iyang mga kapatid mo." natatawang sabat ni Madame Naya. "Magandang ideya naman ang sinabi ni Finlay."
Lahat kami natigilan. Kita namin kung papaano nanghihinang umupo si Sarette sa kaniyang upuan at napatampal ng noo dahil sa frustrations.