11

1818 Words
Hinatid namin ng tingin ang pamilyang Hochengco habang umaandar na ang mga sasakyan nila papalayo. Anong oras na din kasi, pero nakakatuwa lang dahil game sila sa anumang kabaliwan ang angkan namin. Wala ako makita na maarte sila o ano. Sina River at sir Spencer naman ay sumabay na sa kanila. Panay pasalamat pa ang Hochengco Family dahil sa pag-welcome namin sa kanila na sobrang saya sa loob-loob ko. Alam ko ganoon din ang nararamdaman ni MC. Nang nawala na sila sa paningin namin ay mag-uumpisa na kami para magligpit na ng mga kalat dito. Nakadikit lang sa akin si MC. Masaya kami nagkukwentuhan habang nagliligpit. Isa-isa namin inaalis ang mga tela mga mesa tapos inilagay namin iyon sa basket para ipasok ito sa bodega na ilang metro ang layo mula dito sa ancestral house. Nakahiwalay kasi ito sa bahay dahil doon nakatambak ang gamit na pinaglumaan o kaya gagamitin kapag may mga ganitong malalaking okasyon. Ang mga kapatid naman namin ay tumulong sa pag-aayos ng mga basura sa labas. Ang ibang kamag-anakan naman namin ay umalis na din dahil ang iba sa kanila ay sa Maynila pa nakatira. Si Christy naman at ang boyfriend naman niya ay nalaman kong dito sila nagsestay buhat nang dumating ang mga ito mula sa amerika. "Pauline, tapos na ako dito." rinig kong wika ni MC. Bumaling ako sa kaniya. "Oh sige, iwan mo lang d'yan, tatapusin ko lang ito at ako na ang bahalang maglagay ng mga ito sa bodega." pagboboluntaryo ko pa. "Sure ka? Gusto mo bang samahan na kita?" Ginawaran ko siya ng isang matamis na ngiti. "No, ako na ang bahala. Hindi naman sobrang bigat ang mga iyan. Ang mabuti pa, pumunta ka na sa guest room para makapagpahinga." giit ko pa. "Don't worry, tabi tayo matulog." Sa sinabi kong iyon ay lumapad ang kaniyang ngiti. "Oh sige, aasahan ko 'yan, ha? Maghihinaw na din muna ako." then tinalikuran na niya ako at umalis na. Binalikan ko ang mga ginagawa ko hanggang sa matapos na ako. Hanggang sa natapos na ako sa ginagawa ko. Binuhat ko ang malaking basket. Dumaan ako sa likod para madali sa akin na makarating sa bodega. Tumigil lang ako sa paglalakad nang may naririnig akong may nag-aargumento. Kusang kumunot ang noo ko nang marinig ko ang boses ni Christy sa hindi naman kalayuan. Hindi lang siya ang narinig ko. Kahit ang boyfriend niya ay naririnig ko ang boses. Bumuhay ang kuryusidad sa aking sistema. Iniwan ko muna ang basket sa gilid ng daan at humakbang nang kaunti. Humawak ako sa pader at sumilip. Sa lugar na ito ay wala masyadong dumadaan dahil mas abala ang mga kamag-anakan namin sa harap ng ancestral house. Naabutan ko si Christy na galit na galit ang mukha na parang maiiyak na. Samantala ang boyfriend naman niya ay napahilamos ng mukha. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko na biglang pinaghahampas ni Christy ang boyfriend niya! "Wala ka talagang kwenta, kahit kailan! Wala kang kwenta!" malakas niyang sabi. "Bakit kasi hindi ka kasing yaman ng mga Hochengco na iyon?! Tingnan mo! Dalawa sa mga pinsan ko, nakabingwit nang mga tulad nila!" galit na galit niyang sambit. Hinaharang ng lalaki ang kaniyang sarili mula sa pananakit ng pinsan ko. "Ang akala ko, matatalo ko si Pauline! Punyeta, hindi pala!" dagdag pa niya. Umawang ang bibig ko na nanlaban ang lalaki at nahuli niya ang mga kamay ng pinsan ko. Mas nakakatakot siyang tingnan dahil sa galit na galit ang mukha niya. "Iyan ang mahirap sa iyo! Kinakain ka na ng pride mo! Ayaw na ayaw mong magpatalo!" iritadong singhal ng boyfriend ni Christy. "Ano bang problema mo sa mga pinsan mo at bakit ayaw na ayaw mong magpatalo?! Pinsan mo siya!" Pilit kumawala ni Christy sa pagkahawak nito sa kaniya. "Wala kang pakialam kung anong dahilan ko! Basta, wala kang kwenta! Kahit sa simpleng laro, wala kang panama! Bwisit!" Kahit ako, nagtataka kung bakit ganoon si Chirsty. Sa lagay na iyon, para siyang nababaliw. Doon ko napagtanto. Parang ang immature ko pala dahil pinatulan ko ang tulad niya. Na hindi rin ako nagpapatalo sa kaniya. Gusto ko sana silang pigilan pero biglang may tumakip ng bibig ko sabay inilayo ako sa magjowang nag-aaway. I keep my feet flipping. Pilit kong alisin ang kamay na nakatakip sa bibig ko pero masyadong malakas ito. Paniguradong lalaki ang may gawa sa akin nito! May isa pa itong kasama, nakatakip naman ang mukha nito ay nilagyan ako ng piring! Kahit na nakatakip ang bibig ko, pilit kong gumawa ng ingay pero bigo ako. Bigla ako sinikmurahan kaya napaupo ako. Ngayon ay binuhat na ako na animo'y isang sako ng bigas. Hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin. Hanggang sa narinig ko na may nagbukas ng pinto. Walang sabi na hinagis ako kung saan man. Mabuti nalang ay hindi ako itinali o ano. Pero ramdam ko pa rin ang panghihina dahil sa sinikmurahan ako. Pilit kong tanggalin ang piring. Agad kong iginala ang aking paningin sa paligid. Nasa bodega ako ng ancestral house. Pilit kong kumilos para makalabas pero bigo na naman ako. Nakasara na ang pinto at ang mas masaklap pa, ay nakalock na ito! Pinakalampag ko na ang pinto para iligtas ako dito pero wala pa rin! Agad akong sumilip sa mga bintana. Nakita ko ang dalawang lalaki na naglalakad papalayo. Hindi ako nag-atubiling sumigaw para humingi ng tulong pero nanigas ako sa kinakatayuan ko nang may naririnig ako na dahilan para bumilis ang t***k ng aking puso. Biglang kumulog. Nanghihina akong bumitaw sa bintana. Napaatras ako. Napatili kasabay na tinakpan ko ang mga tainga at pumikit ng mariin nang marinig ko ang malakas na kidlat! Mas bumilis ang t***k ng aking puso dahil sa pinaghalong kaba at takot. Natataranta akong lumayo sa bintana. Naghahanap ako ng bagay kung saan ako maaari magtago. May namataan akong pinaglumaang closet—ang closet kung saan ako nagtatago noong teenager ako. "Oh my God... Oh my God..." garagal kong sambit. Hindi ako nagdalawang-isip na lapitan iyon at pumasok doon. Isinara ko ang pinto ng closet. Muli ko tinakpan ang mga tainga ko at ang mga tuhod ko ay nasa aking dibdib. Nagsisimula nang bumuhos ang mga luha ko. Ramdam ko din ang paninikip ng aking dibdib na dahilan para hindi ako makahinga ng maayos. Mas lumakas ang ulan. Nasa ganitong posisyon pa rin ako. Walang humpay ang iyak ko. Takot na takot na ako. IIsang tao lang ang maaari makakakalma sa akin kapag aatikihin ako ng ganitong sakit. "River..." impit kong tawag sa kaniya kahit na umiiyak. "River... Please... Come back..." Muli na naman kumidlat nang malakas. Napatili na naman ako. Mas nanginginig na ang katawan ko. Pinagpawisan na ako ng matindi. HIndi ko na alam kung gaano katagal na ako nandito... "Pauline?!" rinig kong boses ng isang lalaki. Kilala ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. "Pauline!" Gustuhin ko man lapitan ang pinto ay hindi ko magawa dahil pinangunahan ako ng takot. Baka kasi sa oras na lumabas ako mula dito sa closet, baka kumidlat na naman! "Where's the key?! f**k!" rinig ko pang sabi niya. Hindi ko alam kung sino ang kausap o kasama niya. "Give me the damn keys!" Muli na naman kumidlat. Mas dinidiinan ko pa ang pagkatakip ko sa mga tainga ko at mariin pa akong pumikit. Walang tigil ang pagngangatog ng aking katawan. Hanggang sa narinig ko na nagbukas ang pinto ng bodega na ito. "Where are you, Pauline?!" bakas sa boses niya ang pag-aalala. Hanggang sa binuksan ang pinto ng closet na ito. Napatingala ako. Tumambad sa akin si River na basa ng tubig-ulan. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala at takot. Hingal na hingal siya. "Diyos ko, Pauline!" hindi makapaniwalang tawag ni mama. "R-River..." impit kong tawag sa kaniya dahil sa panghihina. Mabilis siyang pumasok dito sa closet. Niyakap niya ako ng mahigpit. Dahil din sa takot ko ay ginantihan ko siya ng mas mahigpit na yakap. Muli bumuhos ang aking mga luha. Ramdam ko na marahan niyang hinahaplos ang aking buhok. "Shh... Nandito na ako... Hindi kita iiwan..." namamaos niyang sambit sa akin. "Spencer, call the doctors. Now." "Copy, cous." Doon ay binuhat na ako ni River na animo'y bagong kasal. I cling my arms around his neck. "Pauline..." naiiyak na tawag ni MC. Dinaluhan niya kami. "Sorry..." "Wala kang kasalanan, MC. Don't worry." seryosong sambit ni River. "Hold still, my baby Pau. The doctors were coming. I love you." then he plant a kiss on my forehead. Dahil sa sobrang panghihina ay hindi ko mapigilang maipikit ang aking mga mata. ** Unti-unti na ako nagkaroon ng malay ay si River agad ang bumungad sa akin. Agad niyang hinawakan ang aking kamay at dinampian niya iyon ng isang maliit na halik. "River..." mahina kong tawag sa kaniya. "B-bumalik ka talaga..." "Ikaw ang una kong inaalala nang umulan habang nasa byahe kami. Bumalik ako para sa iyo. Dahil alam kong kailangan mo ako." "Thank you, River..." Ngumiti siya. "Anything for you, wife. How's your feeling?" malumanay niyang tanong, diretso siya nakatingin sa akin. "O-okay na ako..." mahina kong sagot. Nagbuntong-hininga siya. "Sorry pero pinatingnan na kita sa mga doktor habang wala kang malay, baby Pau." pahayag niya. "Nasabi ng nakausap kong Psychiatrist, may mga treatment siyang mairerecommend sa iyo." "T-treatment?" ulit ko pa. Ngumiti siya at hinaplos niya ang buhok ko. "Yes, and I think it will be helpful for you, baby Pau." he answered. "Hindi kita pipilitin kung ayaw mo—" "Gusto ko nang umalis sa bangungot na ito, River." basag ang boses ko. "Iniisip ko, papaano kung asawa mo na ako? Ayokong mahirapan ka sa akin, lalo na sa ganitong kalagayan ko... Ayokong mag-aalala ka sa akin... Ayokong sa tuwing papasok ka sa ng trabaho... Hindi ka panatag..." umagos ang luha sa hindi ko malaman kung saan iyon pumatak. Pinunasan niyang mga luha ko. "Nandito lang ako para suportahan ka sa mga gusto mo." muli siya kumawala ng buntong-hininga. "Nalaman na namin kung sino ang nagkulong sa iyo sa bodega. Your cousin, Chirsty." Hindi ko magawang magsalita. Nahihimigan ko ang galit sa boses niya nang mabanggit niya ang tungkol sa pinsan ko. "Nakausap na namin siya. Gusto kong magalit sa kaniya dahil sa ginawa niya sa iyo. Especially you're fragile, my baby. I admit, kung hindi lang sa pakiusap at paghingi ng tawad ng mga kamag-anakan mo, ipapakulong ko siya. I will send her in jail mercilessly." Humigpit ang pagkahawak ko sa kaniyang kamay. Ngumiti ako. "Thank you. For protecting me." Tumango siya, kahit alam kong naiinis pa rin siya dahil sa nangyari. "I love you, River." kusang lumabas sa bibig ko ang mga kataga na iyon na dahilan para matigilan siya nang kaunti. "I love you... For not always there for me... For accepting my flaws and imperfections.. I'm always thankful for saving me from my worst." Marahan siyang pumikit. Masuyo niyang idinikit ang kaniyang noo sa aking sentido. Napapikit na din ako. "No matter what, I will always keep you safe. Aaminin ko, hindi ko kayang makita ka sa ganoong sitwasyon, ako ang mas nasasaktan para sa iyo. You are my life, Pauline. You are my everything and I love you too. More than I can ever tell you. There are no words for the love I have. It's always yours. My heart is yours." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD