12

2002 Words
Kinabukasan din iyon ay hindi talaga ako iniwan ni River. Ang katwiran niya sa akin, nasabi na daw niya sa mga magulang niya na mananatili siya dito sa poder ng mga Magbanua. Good thing, naiitindihan naman daw nila lalo na daw sa kalagayan ko. Si Miss Sarette daw muna ang bahala sa kumpanya ni River habang wala ito pero napapaisip ako kung seryoso ba talaga ang tatay nila na si Miss Sarette talaga ang unang ikakasal? Kita ko kasi kung papaano siya namoblema sanaging desisyon ni Sir Finlay at talagang sumang-ayon ang ibang myembro ng pamilya, sina Sir Rowan at River naman ay parang wala naman magawa dahil syempre, tatay nila iyon. Alangan hindi nila susundin iyon? Kasalukuyang iniwan ko muna si River sa kuwarto at kakausapin lang niya daw muna ang mga kliyente niya mula sa Yang Zi na napag-alaman ko na nasa Maynila na mga ito. Dahil sa hindi ako maiwan ni River ay pinili niya na mag-usap nalang sila thru video call kahit naman na sinasabi ko sa kaniya na narito naman sina MC para mabantayan ako pero ayaw niya. Hindi pa rin daw siya panatag. Mas maganda na daw ang ganito, nasa iisang bubong lang kami at madali para sa kaniya na rumesponde kapag inatake daw ako. "Heto, Pauline. Inom ka muna ng juice." nakangiting alok ni MC sa akin nang nagpapalipas ako ng oras dito sa bakuran ng ancestral house. Ipinatong niya ang baso sa mababang mesa na yari sa kahoy ng narra at tumabi siya sa akin dito sa bench. "Salamat," nakangiting saad ko nang bumaling ako sa kaniya. Kumawala siya ng malalim na buntong-hininga. "Nasaan pala si Sir Spencer?" nagtatakang tanong ko. "Kinakausap niya si Nilus sa cellphone dahil humihingi siya ng report para sa pinapagawa niyang resto." sagot niya saka sumimsim ng juice. Hindi mawala ang ngiti sa aking mga labi habang pinagmamasdan ko ang pinsan ko. Kahit na payat siya, hindi maitanggi ang kagandahan na meron siya. Lalo na ang mga matan niya. Hindi na ako magtataka kung bakit baby doll ang tawag sa kaniya ni Sir Spencer. "Nabalitaan ko daw na kasama ka ni Sir Spencer sa pagtatag ng resto." dagdag ko pa. Kinuha ko na din ang juice saka uminom ng kaunti. Ngumuso siya nang ipinatong niya ang baso ng juice. "Hindi nga rin ako makapaniwala na kasama din pala ako sa mga pangarap niya, Pauline." naging mapait ang kaniyang ngiti. "Kahit na ilang beses ko siyang iniwan noon. Na kahit ilang beses ko na siyang pinagtulakan na lumayo sa akin." "MC..." "Pero heto, pareho na kaming masaya. Alam kong ganoon ka din, Pauline." she added. Pareho kaming napatingin sa malayo. Dinadama namin ang malamig na simoy ng hangin sa paligid. Tahimik at napakacosy ng lugar na ito na kulang nalang ay maglatag kami ng banig at dito muna akmi iidlip para ma-feel pa namin ang environment. Ngunti naputol lang iyon nang bigla kaming naramdaman ang presensya ng isa mga pinsan namin, si Christy. Siya lang ang mag-isa. Ni hindi niya kasama ang boyfriend niya na hindi ko naman alam kung anong lagay nila ngayon. Kung maayos na ba sila? Dahil ang huli kong nakita ay nag-away sila. Nakaayos siya ngayon. She's wearing an elegant white off-shouders top, a high-waist skirt and a black pair of stilettos. Nakapusod naman ang kaniyang buhok. Sa katunayan ay maganda naman talaga siya, maputi pero pupwede talaga ang mukha niya sa mga kontrabida roles talaga. Siguro dahil na din sa attitude niya kaya ganoon na din ang impresyon sa kaniya ng mga tao na nakakita sa kaniya. Bigla kaming napatayo ni MC. Humarang si MC na nakabusangot ang mukha. "Oh, bakit ka narito? Hindi ka pa kuntento na halos patayin mo si Pauline sa takot kagabi, ha?" hindi mapigilan ng pinsan ko na singalin ito. Ngayon ko lang siyang nakita na ganito magalit, sa totoo lang. Wala akong mabasang reaksyon sa mukha ni Christy. Sa halip ay diretso siyang nakatingin sa akin. "Hindi ko alam na may psychological disorder ka, Pauline." she answered. "Ang dapat lang ay tinakot ka lang, a prank... But I didn't know that you have a astraphobia." "Nakakamatay ang prank mo, ha." iritableng saad ni MC. Tila hindi pinakinggan ni Christy ang sentimento ni MC. Sa akin pa rin siya nakatingin. "I admit, I got jealous. Dahil meron ka ng mga bagay na wala ako." bigla niyang sabi. Doon kami natigilan ni MC. Anong pinagsasabi niya? "Anong... Ibig mong sabihin?" ang tanging nasabi ko. Taas-noo siyang tumingin sa akin. Blangkong ekspresyon ang iginawad niya sa akin. As if she's trying to be cold and ice. "If you don't know, ikaw ang palaging isinasali sa mga contest sa school. Ikaw ang magaling sa lahat ng bagay. While me? A nobody. Kung hindi mo rin alam, maraming nagkakandarapa sa iyo. Pero alam mo kung ano ang mas nakakainis sa iyo? Ang mga lalaking nagugustuhan ko, ang buong akala ko pa naman, dahil sa akin kung bakit sila nalapit. Iyon pala, dahil sa iyo. Dahil alam nilang pinsan kita, ako pa ang gagawin nilang tulay para sa iyo." kita ko kung papaano niya kinagat ang kaniyang labi na para bang pinipigilan niya ang kaniyang sarili na maiyak o maging emosyonal sa harap namin. "Kaya pinapangako ko sa sarili ko noon na tatalunin kita sa anumang aspeto, Pauline. Na balang araw matatalo kita sa mga bagay na wala ka." then she thin her lips and release an heavy sigh. "Pero, wala... Sa huli, talo pa rin ako. Kahit ang isang Hochengco, nabihag mo." "Christy..." "By the way, ngayon na ang alis ko paputang New York. I had enough. Nauna nang umalis si Gordon pauwi ng New York." gumuhit ang mapait na ngiti sa kaniyang mga labi. "And he left me. He broke up with me that night." Napasapo ng bibig si MC, samantala ako, ay bahagyang umawang ang bibig dahil sa narinig namin na rebelasyon mula sa kaniya. Muli nagbuntong-hininga si Christy. "Maybe he's right. I'm not a right girl for him. Ang babaeng punung-puno ng insecure sa katawan. Ang babaeng nakikipagkompetensya maski sa sariling kamag-anakan." Ibinalik niya sa akin ang kaniyang tingin. "This will be the last, Pauline. I will be living in New York for good. Kung uuwi man ako, hindi ko alam kung kailan. I'm sorry...And best wishes to both of you." tinalikuran na niya kami. Hinatid namin siya ng tingin habang naglalakad siya ng palayo. Nakasalubong niya si River na ngayon ay tanaw ko na kusang kumunot ang noo nito dahil sa pagtataka. Nang malagpasan na niya ang pinsan ko ay dali-dali siyang lumapit sa amin. "What happend? May ginawa na naman ba siya sa iyo?" nag-aalalang tanong niya sa akin. "Wala naman siyang ginawa na masama sa amin. Don't worry." marahan kong sagot. Hinawakan ko ang isang kamay niya. Ginawaran ko siya ng isang ngiti. "Kinausap niya lang kami para magpaalam." "Maiiwan ko muna kayong dalawa. Pupuntahan ko lang si Spencer." biglang paalam ni MC sa amin. Humakbang na siya palayo sa amin. Nang tuluyan nang nakalayo sa amin si MC ay muli bumaling sa akin si River. "Are you alright?" he gently asked and he brush my hair by his fingers. "50-50?" pag-amin ko. Muli kumunot ang noo niya. "What do you mean?" Bago ko man sagutin ang tanong niyang iyon ay nagbuntong-hininga ako. Malambing kong hinawakan ang kaniyang kamay at marahan ko siyang hinila hanggang sa nakaupo na kami sa bench dito sa bakuran. "Ayos lang ako dahil hindi naman ako sinasaktan ni Christy. Medyo hindi, dahil hindi ko namamalayan na may nasasaktan pala ako, River." "Baby Pau..." "Nang marinig ko kay Chirsty ang dahilan kung bakit nakikipagkompetensya siya sa akin, pakiramdam ko, wala akong kwenta. Ni minsan, hindi ko man lang naisip kung anong nararamdaman niya. Hindi ko man lang siya magawang lapitan noon. Nasa iisang school lang naman kami pero ginawa ko pala siyang hangin sa paningin ko. I feel guilt, River. Kasi sa mga panahon na kailangan niya ako, hindi ko man lang siya magawang tulungan. Kung kailan wala siyang karamay o kaibigan, wala ako sa tabi niya." "It's not your fault, baby Pau." he answered. Napatitig ako sa kaniya. Anong ibig niyang sabihin doon? Marahan niyang hinawakan ang aking kamay. "Wala kang kasalanan kung bakit siya naging ganito. It's her choice to become what she is right now. That time, you made her strong, nang hindi niya din nalalaman." My heart got throb instantly. "River..." "Nagawa niyang maging depende sa sarili niya. Na walang tutulong sa kaniya. Sa tingin mo, bakit nagawa niyang makarating sa Amerika nang mag-isa? Because it's her choice though it's really hard to get away from your family. Tinatatagan niya ang sarili niya kahit maraming lumbak na daan ang hahatakin niya." hinawi niya ang takas kong buhok. Ginawaran niya ako ng ngiti. "You helped her to become a strong person, baby Pau. Kaya wala kang kasalanan." then he plant a kiss on my temple. ** Kinabukasan din iyon ay bumalik na kami ni River sa Maynila. Nakaset na din ng appointment si River sa isang Psychiatrist. Hindi na ako uurong o anuman. Basta ang sabi niya sa akin, kakausapin lang ako kada session. Nakausap ko na din ang doktor na tinutukoy niya. Kasa session, sinasamahan ako ni River. Balewala sa kaniya kung gaano katagal siya maghintay sa labas ng session room. Hindi naman daw siya nabobored. Cognitive Behavioral Therapy ang isasagawa sa akin, sabi ng psychiatrist. Effective daw ang ganitong treatment para sa akin. Para daw unti-unti daw mawala ang mga subconcious negative thoughts ko by retraining my concious perceptions. Hindi lang daw iyon. Isasagawa din daw ang exposure therapy. Malaki din daw ang maitutulong nito sa treatment ko. Sa pamamagitan daw nito, ni pupwede daw akong makakita o makarinig ng mga kulog at kidlat. Bukod pa doon, may kasama din daw na breathing techiniques and progressive muscle relaxation na makakatulong sa paggaling ko. Pinapaalala sa akin ng doktor na huwag na huwag ko na daw isasama sa lifestyle or daily routine ko ang panay tingin o check ko sa mga weather applications ng ilang beses sa isang araw dahil ito daw ang nag-uudyok ng anxiety ko. Pupwede naman ako tumingin pero tuwing umaga lang so I can dress accordingly. "Excited na ako, River." masayang sabi ko sa kaniya habang naglalakad kami sa hallway ng Ospital. Nakaakbay siya sa akin habang siya naman ay nakayapos sa aking bewang. "Sana talaga, makatawid ako sa problema na ito." Bago siya sumagot, dinampian niya ng halik ang buhok ko. "Of course you will, my baby Pau." malambing niyang sabi. "Tigilan mo na ako, Mr. Hochengco. Marami akong client ngayon. So please lang. I'm busy." Pareho kami natigilan nang narinig namin iyon. Nagkatinginan kaming dalawa ni River na pareho may pagtataka sa aming mukha. "How about Friday?" isang pamilyar na boses ang narinig namin. Hanggang sa sumulpot ang dalawang tao sa harap namin. Isang babae naka-floral vintage dress and stilettos, may nakasabit na sling bag sa kaniyang balikat habang nakasunod lang sa kaniyaang isang lalaki na dahilan para mabato kami ni River sa kinakatayuan namin. Pareho silang natigilan nang maramdaman nila ang presensya namin. Tulad ng lalaki na nakita namin. Natigilan siya't napaawang ang bibig. "Aldrie?" hindi mapaniwalang tawag ni River sa kaniyang pinsan. "What are you doing here?" Napangiwi si Sir Aldrie. Lumipat ang tingin namin sa babaeng hinahabol ni Sir Aldire. Maganda, maputi at mukhang propesyonal ang babae na hinahabol ni Sir Aldrie, ah. "Urrr.. She's Eliza... She's a therapist here..." pakilala ni Sir Aldrie sa babaeng kasama niya. Nang sumulyap ako kay River ay napuna ko na sumilay ng ngisi ang mga labi nito. "So... Mukhang may ipapakilala ka na kina tito Suther at tita Laraya." sarkastiko niyang sambit. "Well, sort of." ngumisi siya. Sumulyap siya sa babae. "My Eliza. This is River, my cousin and he's with his fiancee." "G-good afternoon." nahihiyang bati nito sa amin. "Uhm, if you don't mind. I'm running some errands today. Nice to meet you." then she walk away. "We can talk some other time!" pahabol pa niya. "Hey, Elize! Wait." bumaling siya sa amin. "I saw the video, Adler sent all of it to us. Well, tell ate Sarette congratulations! Una na ako." saka hinabol na naman niya ang babae na tinutukoy niyang therapist. Inakbayan ako ni River. "Baby Pau, let's go home. You need to take some rest."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD