13

1876 Words
Pinipigilan ko ang sarili ko na mapangiti habang pinagmamasdan ko ang bouquet na hawak-hawak ko. Ako ang nakasalo ng bulaklak na hinagis ni Ma'm Ciel, habang si River naman ang nakasalo nakakuha ng garter gawa ng wedding game na iyon. Yes, nauna talagang ikinasal si Sir Rowan kaysa kay River. Tungkol naman kay Miss Sarette, ilang beses na niyang kinukumbisi ang kaniyang ama na si Sir Finlay na huwag siya ang unahing ipakasal, pero pinapangako daw niya na hahanapin daw niya ang ama ng kaniyang mga anak—si Fabian Alexandre Wu, kung hindi ako nagkakamali. Kilala din ang pamilyang pinanggalingan nito. Dahil sa pagkakaalam ko, isa ang mga Wu sa pangunahing myembro ng International Business Club. Aside from that, malalim din ang samahan ng mga Ho sa pamilyang ito, maliban sa mga Chua. "Happy?" rinig kong tanong ni River na dahilan para bumaling ako sa kaniya. "It's seems you're enjoyed with my family, baby Pau." he said softly and gently hold my hand and he plant it a small kiss. "So-braaa!" masigla kong tugon na hindi mabura sa aking mukha ang matatamis na ngiti, at hindi ko rin mabitawan ang bouquet. Kahit nakasideview siya, kitang kita ko kung papaano sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. "I'm just wondering, kanina mo pa ako tinatawag na boss sa harap ng angkan, baby Pau. You're now my fiancee, not my secretary anymore." may bahid pa rin na lambing nang sabihin niya ang mga salita na iyon. Ngumuso ako saka tumingin sa highway na nadadaanan namin. "Err, siguro nasanay lang ako na tawagin kang sir or boss sa harap ng pamilya mo. Sorry naman." saka ngumisi ako't sumulyap sa kaniya. "Saka, namiss ko din na tawagin kang ganoon." I saw him chuckled. Umiiling-iling siya kahit na nakatingin parin siya sa dinadaanan namin. "Well, Rowan ahia is already married. Atsi Sarette is already searching for her twin's father." parang may pinaparinggan ito. "And, pumayag na din si papa na tayo muna ang ikasal, kahit ihuli na si atsi. Wala naman magiging problema doon." Ngumuso at tumango na tila naiitindihan ko ang ibig niyang sabihin. "What's your ideal wedding place, my baby Pau?" "Hm...." ngumuso ulit ako. "I prefer church or beaches, Mr. Ho." pahayag ko. "If that so..." bigla niyang iniliko ang sasakyan at ang daan na tinatahak namin ngayon ay papuntang Batangas! "We're going to you favorite place, my baby Pau." "River naman! Pabigla-bigla ka!" halos matili na ako nang sambitin ko iyon. Rinig ko ang pagtawa niya. "I'm sorry, baby Pau." malambing niyang sabi. Umingos lang ako sa kaniya. ** Pareho kami napadpad ni River sa Hacienda Virginia Hotel & Resort. Hindi naman peak season ngayon kaya hindi naman gaano karami ang tao ang naririto. Ang mas hindi ko inaasahan ay nag-check in kami ni River dito! Niremind ko pa siya na wala kaming dalang damit pamalit kung sakaling maliligo man kami dito. Ang katwiran naman niya, may shop naman na parte pa rin ng Hotel & Resort na ito. Kaya wala daw magiging problema. At saka, kilala naman daw niya ang may-ari ng lugar na ito. Bago man kami pumunta sa tinutukoy niyang souvenir shop, pinuntahan muna namin ang hotel room kung saan kami para naman daw makapagpahinga naman daw kami kahit papaano. Mabuti nalang, hindi siya nakainom sa kasal ng kuya Rowan niya kaya okay pa kaming dalawa. "Baby Pau," biglang tawag sa akin ni River. "Hmm?" habang nakahiga ako sa malapad na queen sized bed, nakatitig sa kisame ng kuwartong ito. Nasa tabi ko siya. "You want skin dipping?" he asked. Namilog ang mga mata ko. "S-skin dipping?" hindi makapaniwalang ulit ko. "Y-you mean, maliligo tayo sa dagat nang hubo't hubad?" Sumilay ang mapaglarong ngiti sa kaiyang mga labi. "Yeah...?" Walang pakundangan na tinampal ko ang kaniyang braso. Dumaing naman siya sa ginawa ko pero sa huli ay tumawa pa rin. "I'm dead serious, baby Pau." he added. "Pambihira ka talaga, River Hochengco. Wala ka talagang sinasantong lugar, ano?" ginagapangan na ako ng hiya. Ramdam ko na din ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko. My goodness, umaandar na naman ang malilikot kong imahinasyon! Jusko, hindi ko yata kakayanin. "But if you don't want, I understand, baby Pau." he said. He gave me a sweet smile. "I'll think—" "Sige na nga." bigla kong sabi. Natigilan siya sa sinabi ko. Ngumuso ako. "Sabi ko, sige na nga. Payag na ako. Basta hanap tayo ng lugar na tayong dalawa lang. Dyahe kaya kung sa public tayo, ano." sabi ko. ** Bago kami umalis sa hotel ay dumaan muna kami ni River sa restaurant ng Hotel na ito. Nagpareserved siya ng mesa at pagkain na kakainin namin pagkatapos namin magswimming. Then papunta na kami nang naturang shop kung saan kami makakabili ng swimwear nang nakasalubong namin sina Mr. Harlan Feretti at ang asawa nitong si Lilith Black-Feretti, na mismong may-ari ng naturang Hotel & Resort na ito. Ipinakilala sa akin ni River ang mga mag-asawa nakasalubong namin. Hindi ko akalain na maganda at maputi si Mrs. Lilith Feretti, para bang may halo siyang banyaga. Para bang hindi siya tumatanda. Napag-alaman ko din na Filipino-Italian naman ang asawa niya na si Mr. Harlan Feretti na isa namang Archeologist. Pagkatapos naming makausap ang mag-asawang Feretti, dumaan na muna kami sa shop. Dalawang bikini daw ang bilhin ko, sabi ni River so ginawa ko naman. Isang floral bikini at isa naman black and white bikini. Bumili din kami ng casual clothes sa oras na aalis kami sa lugar na ito. Nagbayad na din kami pagkatapos. Dumiretso kami sa pinakadulo ng sandbar na wala nga masyadong tao. May mga malalaking rock formation sa parte ng beach na ito kaya tingin ko naman ay safe kami. Bago kami lumusong ni River sa dagat ay nagkatinginan kaming dalawa. Sumilaya ng mapaglarong ngiti na iginawad namin sa isa't isa. Napakagat ako ng labi. Dali-dali ko hinubad ko ang damit ko at ganoon din siya. Patakbo kaming sumugod sa dagat na animo'y mga paslit na nagpapakasaya sa lugar na ito. At saka maggagabi na din naman kaya ayos na din sa akin. Medyo nasa malalim na kami. Mabuti nalang ay marunong akong lumangoy kahit papaano kaya hindi ako masyado takot sa dagat. Sabay kaming umahon nang magkaharap. Pareho kami napahilamos ng mukha at nagtama ang aming tingin. Hindi mabura ang ngiti namin sa isa't isa na tila tuwang-tuwa pa kami. "Ikaw ang pinakagrabeng lalaki na nakilala ko. Daig mo pa ako sa kabaliwan." kumento ko na natatawa. Hindi maalis ang tingin niya sa akin. Masuyo niyang hinaplos ang aking pisngi na para bang tinatandaan niya ang mukha ko. "I don't know. Sa iyo ko lang pinapakita ang ganitong side ko." masuyo niyang sambit. Napatingin siya sa kaliwa niya. Sinundan ko iyon ng tingin. Ang ganda tingnan ang paglubog ng araw. Tila may humahaplos sa aking puso habang pinagmamasdan ko iyon. Ilang buwan bago ako tuluyang gumaling sa astraphobia. Oo, umabot man sa ganoon dahil dala-dala ko ang takot ko na iyon noong kabataan ko pa kaya natagalan din ang treatment ko. Pero kahit ganoon, hindi ako iniwan ni River. He always make sure that he will be always there by my side, supporting me whatever it takes. He always prove to me that he will protect me at any cost, like how he protect his love for me. Saksi ako kung papaano siya nagtyaga sa tuwing inaatake ako ng sakit ko. Kung papaano niya ako nako-comfort at sinasabi na hindi daw niya ako iiwan. Kahit anong mangyari. "Ang ganda..." I said breathlessly. Nagkatinginan kaming dalawa. Ramdam ko ang kamay niya na marahan na hinawakan ang isang kamay ko. "Did you know, the best oppotunity of my life comes when I met you, bbay Pau." namamaos niyang sabi. Mas inilapit pa niya ang sarili niya sa akin. Ramdam ko na pinulupot niya ang kaniyang braso sa aking bewang. Lumapat ang tingin ko sa kaniyang mga labi. Kahit na hindi pa lumapat ang mga labi ko doon ay pakiramdam ko ay nahihipnotismo na ako. "I... I can't stop stop thinking and wondering what do you think of me, River..." malamyos kong sambit. "Kung anong nagustuhan mo sa akin para pag-aksayahan ng oras mo..." Marahan idinikit ni River ang kaniyang noo sa akin. "Mama and baba told us, walang basehan kung ano ang nagustuhan mo sa isang tao. Kung naramdaman mo na siya na, siya na talaga. Pero isa lang ang natatandaan ko," the paused for a seconds and he keep staring my eyes. "I remember the first time moment I looked at you walking toward me and me and realized thay somehow the rest of the world seemed to vanish when I was with you." Inilapat ko ang aking mga labi. Parang pinipiga ang puso ko sa mga narinig ko. Pinipigilan kong maiyak sa harap niya. Damn! "I love you, Douglas, River Hochengco." sabi ko. Natigilan siya sa sinabi ko. "Mahal na mahal kita." ulit ko pa. Hinaplos ko ang kaniyang pisngi. "You are wonderful and satisfy my life with this beautiful feeling. I never imagined how wonderful love is. It's because of you, River. The moment you marked me, I'm already yours..." Ito ang tunay kong nararamdaman. Habang tumatagal, mas lumalalim ang dahilan ko para mas mahalin ko siya pabalik. Kailangan ko siya sa pagkakataon na ito lalo na't may isa pang bagay na bubuo ng pagmamahal ko sa kaniya. Sa pagmamahalan naming dalawa. Ako naman ang humawak sa kaniyang kamay. Inilapat ko ang kaniyang palad sa kaniyang tyan. Alam kong nagtataka siya sa ikinikilos ko. Ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya na may tamis na ngiti. "It's already one month and half, River. Your efforts are already paid off." "B-baby Pau..." halos pablong na iyon. "You're going to be a dad. I wished he will be like you." Ilang segundo siya hindi makapagsalita. Bahagyang ibinuka niya ang kaniyang bibig na para bang hindi agad nasink in sa kaniya na magiging tatay na siya. Nang muli nagtama ang aming mga mata, kita ko ang pamumula n'on. "T-talaga...? Magiging tatay na ako...?" mahina niyang tanong. Tumango ako na hindi mabura sa aking mga labi ang kasiyahan. Hinawi ko ang buhok niya na may tumutulo pang tubig-dagat. "Lately ko lang din nalaman na buntis na ako. Habang wala ka sa Penthouse, nagpasama ako kay atsi Sarette para magpacheck up hanggang sa naconfirm ko nga..." I give him a peck on his lips. "Sorry kung minsan inaaway kita, ang sabi ng doktor, normal daw 'yon dahil inaatake daw ako ng hormones ko. Thank you, River. Hindi lang ikaw ang aalagaan ko, pati na din ang magiging anak natin..." May tumulo sa kaniyang pisngi, hindi ako sigurado kung luha ba iyon o tubig-dagat. Mariin siyang pumikit at hinalikan niya ang sentido ko. Nakadikit pa rin ang mukha niya sa mukha. "I love you, Pauline. I love you so much. You and our little angel are the reason why I am the the man I amn today. I made the the best choice of my life to put my eyes on you eversince. Now, I only live for you and our kids, my queen." saka sinunggaban na niya ako ng isang mapusok na halik sa aking mga labi. Pinulupot ko ang aking braso sa kaniyang leeg. I also wrapped my legs around him. "Wait, did your OB told you... That..." Isang mapaglarong ngisi ang iginawad ko. "Pwede naman daw, Mr. Ho." "Shit." mariin niyang mura. "I want to make love with you. I have to be careful for you." "Of course you can, Mr. River Ho." Muli sinakop na naman niya ang aking mga labi na akala mo ay wala nang bukas. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD