Evere’s POV Ang saya – saya ni Raffie habang walang tigil ito sa paglulunoy sa tubig. Maghapon yata itong naroon kasama si Nana Conching. Ako naman, wala akong planong mag – swimming dahil nga hindi naman ako magtatagal doon. Sabi nga ni Paeng, darating daw ang girlfriend niya bukas so kailangan kong mawala sa picture. Inis kong ibinato ang hawak kong bathing suit sa kama. Nakakainis! Bakit kasi susunod pa ang babaeng iyon? Hindi ba siya makaramdam na lakad – pamilya ito? Saglit akong natigilan sa naisip ko. Lakad – pamilya. Naisip ko ang sinabi ni Paeng. Kung ayaw ko daw bang mabuo ang pamilya namin. Gusto ko. Gustong – gusto ko. Iyon ang gusto kong sabihin sa kanya. Pangarap ko iyon kahit noon pa. Ako, si Paeng at si Raffie. Mahal na mahal ko si Raffie. At katulad ni P

