Rafa’s POV Wala kaming imikan ni Evere ng bumalik kami sa silid namin. Kahit na nga sabay kaming pumasok sa magkatabing kuwarto at magkaibang pinto ay hindi man lang kami nagtinginan. Damang - dama ko ang tensiyon sa pagitan namin. Pagpasok sa loob ay pabagsak kong inilapag sa kama ang katawan ko. Napamura ako ng maalala ang nangyari. Gagong mga lalaki iyon. Ang lakas makabastos. Kasama na ako gusto pang pumorma kay Evere. Naisip ko ang sinabi ni Tiyong Daniel sa akin. Bakit daw hindi na lang si Evere? May anak naman na daw kami at isa pa alam naman daw niya na kahit kailan hindi nawala ang pagmamahal ko kay Evere. Baka maunahan pa nga daw ako ng iba. Napapikit ako ng mariin. Oo. Ramdam ko naman. Alam ko naman na si Evere lang. Ibang klase pa rin ang epekto niya sa akin. Lag

