Evere’s POV Wala na si Paeng ng magising ako. Napahinga lang ako ng malalim ng maalala ang nangyari kagabi. Gusto kong pagalitan ang sarili ko. Hindi ko napigil ang sarili ko na may mangyari sa amin. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na para kay Raffie iyon. Pero ang totoo, gusto ko. Gusto kong makasama si Paeng. Gusto ko siyang matikman. Gusto kong maulit ang nangyari sa amin noon. Shit. Ang gaga ko talaga. Isang halik lang talaga ni Paeng bumibigay na ako sa kanya. Ganoon katindi talaga ang epekto niya sa akin. Kahit anong gawin kong iwas at pagpigil, hindi ko magawang umiwas sa kanya. Mabilis akong naligo at nagbihis at inayos ang mga gamit ko. Naalala kong ngayon nga pala darating ang girlfriend ni Paeng kaya kailangan ko ng umalis. Parang na-guilty ako dahil sa nangyari sa ami

