Rafa’s POV "Paalis na pala si Evere ngayon, 'no?" Napatingin ako kay Tiyong Daniel ng marinig ang sinabi niya. Nakita kong napatingin sa akin si Faye at sumimangot ang mukha. "Nakita ko siya sa lobby na nag – iintay ng shuttle," sabi pa ni Tiyong. Lalo lang dumilim ang mukha ni Faye at inirapan pa ako. "Hindi naman talaga siya magtatagal. Kailangan daw niyang pumasok sa Lafayette," tanging sagot ko. Alam kong ngayon aalis si Evere pero hindi ko naman akalain na iyon ang gagawin niya first thing in the morning. "Sayang. Akala ko pa naman matagal silang makakapagbakasyon ni Raffie. Hindi na nga nagpaalam at baka humabol lang daw ang anak niya." sabi pa ni Tiyong. "Excuse me," napatingin ako kay Faye ng magpaalam ito. Padabog pa siyang tumayo at parang nagmamartsang umalis do

