JANA's POV NAGLULUTO ako ng pagkain kaagad para makakain kami ni Rafael nang makarating kami sa bahay. Iyong mabilis na lang na pagkain ang niluto ko, gabi na kasi at pagod pa ako galing work kaya nagprito na lang ako ng tocino at hotdog na dapat pang-agahan lang at isa pa, ay wala na rin kaming stock ng pagkain puro pang-breakfast na lang ang nandito dahil hindi pa kami nakakapamili. Napatingin ako sa bumabang si Rafael na nakapagpalit na ng pangbahay. Naalala ko na naman tuloy ang pag-uusap namin kanina sa kotse. Napabuntonghininga ako. Ang sakit talaga ma-real talk. Tama naman si Rafael, eh, wala pa akong nagawa sa buhay ko na wala ang tulong niya at mahina talaga ako, alam ko naman iyon. Pero bakit kapag siya ang nagsabi tagos dito sa puso ko. Ang sakit at ang sarap umiyak per

