bc

More Than Just Friends

book_age18+
6.5K
FOLLOW
58.1K
READ
possessive
forced
friends to lovers
submissive
band
sweet
serious
like
intro-logo
Blurb

More Than Just Friends

Agreement Series 1

Dahil sa isang pangyayari, napasok sa isang agreement si Jana, na hindi niya kailan man nagustuhan. Sa taong pinagkatiwalaan at matagal na niyang kaibigan, na si Rafael. Hindi naman niya magawang tumutol dahil pag hindi siya sumunod ang mga taong mahal niya, ang mga kaibigan at ang pamilya niya ang malalagay sa miserable dahil sa pagtanggi niya, kaya umayon na lang siya at kahit masakit para sa kanya ,dahil pinagkatiwalaan at tinuring niya itong kapamilya at kailan man hindi niya inaakala na magagawa sa kanya iyon ni Rafael, ay tinanggap pa rin niya iyon sa huli. At ang agreement na iyon ang nagpabago sa buhay niya at pagtingin niya kay Rafael.

Hanggang kailan magtitiis si Jana, sa agreement na iyon nila ni Rafael at paano kung sa huli siya parin ang matalo at pati ang puso niya ay magawa niyang maipatalo?

Sundan ang kwento nila Jana Alejandra at Jared Rafael Franco sa More than Just Friends.

-KamijoMican-

chap-preview
Free preview
Chapter 1
JANA'S POV MAINGAY, nakakaduling ang mga ilaw at masakit sa ilong ang amoy dahil sa alak at yosi na talagang nakakahilo.  Pero anong magagawa ko, eh, narito ako ngayon bar? Aasa pa ba ako ng katahimikan?   Gusto ko lang naman mag-relax, makalimot at dito ako dinala ng mga kaibigan kong nagsisisayawan na sa gitna ng dance floor at iniwan akong nag-iisang umiinom ngayon sa isang lamesa na malayo sa dance floor na kinaroroonan nila.   "Badtrip! Tama bang iwan ako rito?” reklamo ko at saka kinuha ang alak na nasa baso saka ininom ng walang alinlangan, "s**t!” tunghayaw ko at nanginig pa sa pait ng lasa ng alak sa lalamunan ko. "Bakit ba kinaadikan ng iba ang ganitong alak samantalang ang pait-pait naman nito?" tanong ko na sa sarili.   "Miss, you want company?”    Napalingon bigla ako sa nagsalita. Isang lalake iyon na may ngisi pa sa labi mula sa kaniya na ikinagulat niya.   "Huta! Kung mangangailangan man ako ng company ay hindi ikaw 'yon, ungas!” sigaw ng isip ko. Tinignan ko ang lalaking lumapit sa akin mula ulo hanggang paa, mukha siyang bata sa akin pero cute naman siya at mukhang mapera kahit bata pa dahil sa nangingislap na relo nito sa kamay at may kwentas na makapal na gold sa leeg. Nakasuot ang lalake ng T-shirt at pants na kulay itim. Amoy alak na rin ito at namumula na ang buong mukha na mukhang nakatrami na ng inom.   Nginitian ko na lang siya.  Iyong pinaka-nice na smile na mayroon ako. "No. I want to be alone,” tangi ko sa lalake.   "But you look lonely. Nag-iisa ka pa kaya dapat may kasama ka," nagpapa-cute pang pangungulet niya sa akin.   Umikot ang mga mata ko dahil nakakadama na ako ng iritasyon sa batang kaharap pero nagpigil pa rin ako at ayokong makipag-away sa bata at naka-plaster pa rin ang ngito ko rito na penepeke ko na lang kanina pa.   "Bakit kapag kasama ba kita ay sasaya ako?" tanong ko sa kaniya.   "Oo naman! Lalo na kapag tayong dalawa lang. Tara sa place ko," aya pa niya sa akin.   Doon lalo akong nakadama ng iritasyon at kaagad nawala ang pekeng ngiti sa labi ko sa narinig kong pag-aaya sa akin ng kaharap ko.   "Sira-ulong batang 'to, ah! Anong palagay nito sa akin ay easy to get?” gigil na tanong ko sa isip.   "Hoy Ikaw!” mataas na ang boses na tugon ko.“Ilan taon ka na ba? Kaya mo na bang bumuhay ng pamilya? Kaya mo na bang magtrabaho? Eh, mukhang hindi ka pa nakaka-graduate ng College, eh, kung makayaya ka!" iritadong tanong ko sa lalaking kaharap ko. “Mag-aral ka na nga muna bago kung ano-ano ang pumapasok diyan sa kukote mo!” Dinikdik ko pa ng daliri ng noo niya.   "Ang sungit mo naman!” nakasimangot na reklamo ng batang lalaki, “gusto lang naman kitang samahan!" inis na dagdag niya.   "Samahan tapos nagyayaya ka sa place mo? Eh, 'di dapat ang pagyayaya mo ay sa place ko! Iyon pa ang sasamahan, engot ka rin!" bulyaw ko sa kanya.   "Bakit ba ang sungit mo? Siguro, nakipag-break sa’yo ang boyfriend mo kaya ganiyan ka at nandito ka?” inis na hinuha niya sa akin.   "Oo! Eh, ano sa’yo?” bulyaw ko pa rin.“Kanya-kanyang trip 'yan nang pagpunta rito kaya 'wag kang manira ng trip!” Kinumpas ko ang dalawang kamay ko. “Lumayas ka na nga sa harap ko at baka masakal pa kita!” inis na taboy ko sa kaniya at tumayo naman ang batang kaharap ko.   "Wala ng magkakagusto sa’yo kung ganyan ka kasungit, Ate!” huling sabi niya bago siya walk-out.   "Aba! May pahabol pa iyong ungas na 'yon! Sayang, hindi ako nakaganti, bwesit! Para tuloy sinumpa niya ako! Baka nga hindi na ako magka-boyfriend? Ha-huntingin ko talaga ang hinayupak na 'yon kapag nangyari 'yon!” inis na sabi ng isip ko.   "Hoy Beshong! Diyan ka lang ba talaga at ayaw mong sumayaw doon?" tanong sa akin ng kaibigan kong beki.   Nagulat tuloy akong napatingin kay Jay dahil sa biglang pagsulpot niya. Ang layo pa naman ng isip ko at ang sumpa ng batang lalaking iyon ang gumugulo sa utak ko.   "Hindi na, Jay, baka kapag sumayaw ako ay mahiya sa akin ang mga nasa dance floor at magsi-alisan lahat sila,” tanggi ko.   "Ay bongga naman pala pagka-feeling ng Beshong ko, eh. Hindi na lang sinabi ang truelalo at walang halong eklavu, na kaliwete mga paa niya,” natatawang pang-aasar sa akin ni Jay na gumamit pa ng gay language na naiintindihan ko naman.   "Kaya nga. Sila mahihiya dahil kahiya-hiya naman ang gagawin ko kung sakali kaya hayaan niyo na ako rito," tugon ko kay Jay.     Umupo si Jay sa tabi ko. "Beshong, dinala ka namin dito para mag-enjoy. Paano ka mag-eenjoy kung nandito ka lang? Um-awra ka kahit gangnam style lang kaya mong sayawin," mahinahong sabi ni Jay sa akin.   Napangiti tuloy ako kahit ang seryoso ng mukha ni Jay sa mga sinasabi niya. Nilakipan pa kasi niya ng kalokohan.  Ang lakas talaga ng scense of humor ng beki na ito kahit yata nagluluksa kapag siya ang humirit ay matatawa talaga.   "Gangnam style ka diyan? Kahit iyon ay hindi ko kaya, ano,” natatawang tugon ko.   "Tama na kasi iyang pag-sesenti mo, ano ka ba! Five-months na kayong hiwalay ni Romeo, hanggang ngayon senti-mang ka pa rin diyan!” sita ni Jay sa akin.   "Sira-ulo! Anong senti-mang ka diyan?” nagtatakang tanong ko.   "Senti-mang meaning senti na mukhang temang,” tugon niya na nilakipan pa ng tawa kaya pati ako ay natawa na rin talaga.   "Sira-ulo ka talaga!” natatawa kong sabi. “'Wag mo akong alalahanin ayos lang ako at mag-enjoy lang kayo. Uuwi na rin ako kapag twelve o’clock na dahil tini-text na ako ng kapatid ko. Nag-aalala, bakit daw hindi pa ako umuuwi at gabing-gabi na kaya sinabihan ko na nag-bar nga tayo at sabi ko ay alas-dose ay uuwi na ako kaya ikaw na magsabi kina Belle at Luane,” mahabang paliwanag ko kay Jay.   "Sige. Mag-ingat ka na lang sa pag-uwi mo, Beshong,” bilin niya sa akin.    "Oo naman, ako pa ba?  Walang magtatangka rito dahil ipapabugbog ko sila sa mga tropa kong tambay sa amin,” nakangising tugon ko.    Napangiti naman si Jay at hindi na rin ako iniwan sa pwesto namin habang hindi pa ako umuuwi.   Matapos ang ilang minuto ay lumabas na ako ng bar. Habang nasa highway ako at nag-aantay ng masasakyan ay hindi ko maiwasang bumuntonghininga at maalala ang hinayupak kong ex- boyfriend, na feeling ko ay sinumpa na buong pagkatao ko. Simula kasi nang maghiwalay kami, na limang-buwan na ang lumilipas ay sinaklob na ang kalooban ko ng kalungkutan kahit anong gawin kong pagliliwaliw at bumabalik pa rin ako sa kalungkutan at nararamdaman ko pa rin ang kabiguan mula kay Romeo.    Siguro dahil masakit talaga ang dulot nito sa akin. Matagal ang naging relasyon namin ni Romeo, limang-taon at feeling ko ay sinayang ko lang ang mga taon na iyon sa pangangarap na sa huli ay kami pa rin ni Romeo ang magkakatuluyan, magpapakasal, bubuo ng pamilya at tatanda ng magkasama.  Napabuntonghininga ako.   "Kapal niyang sabihin, na paano siya kung wala ako sa buhay niya at baka masira raw ang buhay niya. Limang-buwan na, bakit hindi pa nasisira ang buhay ang hinayupak na lalaking iyon? Walang-hiya siya! Mamatay ka na, Romeo!” galit na sabi ko sa sarili.  Nangingilid na naman ang luha ko.   Ganito na lang ako palagi sa tuwing sumasagi siya sa isip ko at ang kataksilan ng ex-boyfriend ko ay lagi na lang akong naluluha at nakakadama ulit ng galit sa kanya. Paulit-ulit ang sakit na ayaw ko na sanang maramdaman pa pero parang wala naman iyong katapusan at ang nakakalungkot ay lihim lang akong umiiyak dahil ayaw ko naman na mag-alala pa ang mga taong nagmamahal sa akin sa paligid at ipinapakita ko sa kanila na kayang-kaya ko ang lahat at malapit na rin akong maka-move-on.   "Tama na nga, Jana! Mag move-on ka na!” sita ng isip ko.  Pinahid ko ang mga luhang malapit na sanang tumulo. "Ang babaw naman kasi ng dahilan ng kataksilan niya at ako pa itong sinisisi niya dahil nagkulang ako!” gigil na sigaw pa rin ng isip ko.   Hindi ko na naman tuloy napigilang balikan ang limang-buwan na lumipas. Ang araw at oras ng pagtataksil sa akin ni Romeo na dumurog sa puso ko at hanggang ngayon ay paulit-ulit pa rin na nagpapasakit sa puso kong hindi pa naghihilom.     Flashback   "Maaga akong nagising, nag-ayos at hinanda ang sorpresa ko para kay Romeo. Ang saya-saya ko kasi five-years anniversary na namin ngayon at tiyak ko na matutuwa siya sa sorpresa ko,” masayang sabi ko sa sarili.   Kusang napapangiti ako sa sobrang saya at kung anu-ano na pumapasok sa isip ko. Mamaya pa sana ako pupunta sa condo ni Romeo kaya lang inip na inip na ako sa pag-aantay ng oras kaya imbes na mamayang gabi pa ako pupunta ay kaagad na akong nagbiyahe patungo sa tinitirhan niya na talagang napaaga.   "Mamaya man o ngayon ay pareho lang! Mahalaga ay ma-surprise ko siya at matutuwa siya sa ireregalo ko sa kanya!” excited na sabi ng sarili ko.   Isang-oras din ang biyahe nang makarating ako sa tinitirhan ni Romeo at ngayon ay nasa harap na ako ng pintuan niya. Napangiti na naman ako at kinuha ang susi ng condo ni Romeo sa wallet ko. Kopya iyon ng susi na binigay niya sa akin.   Dahan-dahan akong pumasok sa condo niya pero napahinto ako nang makarinig ng pag-ungol. Pinakinggan ko iyon nang maigi at nakadama bigla ng kaba.   "s**t ! Ano 'yon? Hindi kaya…   “Hndi! Baka sa TV lang iyon,” pag-aalis ko ng masamang isipin sa sarili.   Muli akong naglakad patungo sa kwarto ni Romeo at lalong lumalakas ang ungol. Hinawakan ko ang door knob ng kwarto niya at unti-unti itong binuksan.   Natigagal ako sa lahat ng nasaksihan ko at nabitawan ko lahat ng dala-dala ko.    Si Romeo ay nakapatong sa isang babae at pareho silang walang saplot!   "Hon,” tawag-pansin ko kay Romeo.   Mabilis na kinuha ni Romeo ang kumot pantakip sa hubad niyang katawan kaya wala tuloy magawa ang babae kundi takpan ng unan ang katawan niya. Kaagad akong nilapitan ni Romeo at hinila sa sala.   "Happy fifth-years anniversary," naiiyak na sabi ko.   "Hon, I'm sorry. Hindi ko--"     Malakas ko siyang sinampal at namula kaagad ang pisngi ni Romeo dahil sa pananampal ko sa kaniya. "Bakit ginawa mo sa akin ito? Five-years na tayo Rome?” galit na sumbat ko kay Romeo.   "Mahal din naman kita, Jana! Mahal na mahal!" diin niya sa akin.    "Kung mahal mo ako ay hindi mo gagawin sa akin ito! Pero ano? Pinagtaksilan mo ako, pumatong ka sa ibang babae at nagpakasarap!" galit na sumbat ko pa rin sa kanya at pinipigil ang pagpatak ng mga luha sa mga mata ko.   "This is your entire fault, Jana!” ganting-sisi niya sa akin. “Lalake lang ako at naghahanap din! Pero ikaw? Limang-taon na tayo pero until now, ayaw mo pa rin akong pagbigyan. Ayaw mong makipagtal*k sa akin kahit gustong-gusto ko na! Hindi ako santo at nang may dumating na kayang ibigay ang pangangailangan ko ay hindi na ako nakatanggi dahil sa pagdadamot mo sa akin, Jana!" diin naman niya na ikinatitig ko sa kanya.   Lalo lang akong nasaktan sa sinabi niya sa akin at sa pagpapamukha niya na ako ang nagkulang kaya niya iyon nagawa kaya pinili na niyang makipag-siping sa iba at magtaksil sa akin.   "Kaya nagpakasarap ka sa iba?” hindi makapaniwalang tanong ko kay Romeo. “Gago ka naman pala, eh! Magsama kayong mga baboy kayo at break na tayo, hayop ka!"  galit na sigaw ko.   Magtatangka na sana akong umalis pero bigla niyang hinablot ang braso ko at hinila niya ako palapit sa kanya.   "Hon, please, 'wag naman ganito. Sorry, sorry na," namumula na ang matang pakiusap ni Romeo at niyakap pa niya ako kaya tinulak ko siya.   " 'Wag mo akong hawakan! Nakakadiri ka!” sigaw ko sa kanya, “bitawan mo ako!” nagwawalang sabi ko na sa kanya nang ayaw niya akong bitawan at tinulak ko pa siya.   Pero mas malakas siya sa akin at parang bakal ang braso ni Romeo na hawak-hawak ang brasok ko. Hindi niya talaga ako binibitiwan kaya sinipa ko na lang siya sa maselang bahagi ng katawan niya upang mabitawan niya ako at nagwagi naman ako. Napahawak naman si Romeo sa sinipa ko at napaluhod sa sobrang sakit na dulot ng paninipa ko sa bahagi niyang iyon.    "Mabasag sana iyan, baboy ka! Para wala ng makinabang sa’yo!” galit pa ring hiling ko.   "Ito gusto mo, Jana, ang maghiwalay tayo? Pwes! Bahala ka na kung 'yan ang gusto mo! s**t!" galit na sigaw niya sapo-sapo pa rin ang sinipa ko.   Nakadama na na naman tuloy ako ng galit kaya kaagad kong malakas na sinuntok sa mukha si Romeo na ikinatumba niya saka tuluyang iniwan ang binata at nang makalabas ako ng condo unit niya ay doon sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko na hindi ko na kaya pang pigilan pa.  Walang tigil ang mga luha ko at pati ang puso ko ay wasak na wasak. Sobrang sakit nang dinulot niya sa akin at sa araw pa mismo ng ikalimang anibersaryo namin. Imbes na masaya ang kahihinatnan namin ngayon ay sakit pala at kabiguan dahil sa pagtataksil ng magaling kong nobyo na nakipagtal*k sa babaeng kayang ibigay ang katawan na naging pagkukulang ko naman daw.  Tama bang ipamukha niya iyon sa akin? Na kaya siya nagtaksil ay dahil ayaw ko siyang pagbiyan? Napakasama ni Romeo!   End of flashback   Muli na naman tumulo ang mga luha ko nang matapos ang pagbabalik-tanaw na iyon. Kaagad kong pinahid ang mga luha ko at nang may taxi nang paparating ay kaagad ko iyong pinara at sinabi ang address ko sa bahay. Pagdating ko sa bahay ay itinulog ko na lang ang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa ala-alang hanggang ngayon ay sinasaktan ako. Napabuti na rin na nakainom ako ng konting alak kaya nakatulog kaagad ako paglapat pa lang ng katawan ko sa kama.   Nang magising ako ay back to normal na muna ako para hindi mahalata ang kabiguan ko lalo na sa kapatid ko na ngayon ay nagluluto sa kusina.   "Good morning, Ate," bati sa akin ng kapatid ko.   "Good morning,” nakangiting bati ko rin sa kanya, “may pasok ka ngayon, Hana?” tanong ko.   "Meron, Ate,” aniya, “tara, breakfast na tayo."  Nginitian ko na lang ang kapatid ko.   Si Hana na rin ang naghanda ng pagkain sa mesa at sabay na kaming mag-agahan.   Si Hana ang nag-iisa na lang na kapamilya ko. Twenty-years old na siya at graduating na bilang Nurse at masaya ako dahil matutupad na niya ang pangarap niya. Matapos ng graduation ay pupunta na siya  sa ibang bansa, sa Tita ko kaya ayokong ipakita sa kanya na malungkot ako at hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin dahil sa taksil kong ex-boyfriend. Ayokong maging sagabal sa pangarap at kaligayahan ng kapatid ko kaya itinatago ko kay Hana ang ngayong kabiguang pinagdadaanan ko.   "Ate, may balita ka pa ba kay Kuya Raf?" tanong ni Hana na nagpataas ng kilay ko.   Bigla-bigla na lang niya kasing binabanggit ang lalaking matagal ko ng kinalimutan noong magdesisyon ang lalaking iyon na iwan kami.   "Wala akong balita sa pangit na iyon kaya 'wag mo siyang tanungin sa akin!" inis na tugon ko.   "Ano na kayang nangyari kay Kuya Rafael? Malapit na graduation ko, sana naman dumating na siya. Ilan beses ko na siyang mene-message, eh, hindi na yata nagbubukas ng account niya 'yon,” may bahid ng lungkot na sabi ni Hana.   "Huwag mong asahan ang taong iyon. Tatlong-taon na siyang wala ni tumawag, nagtext o nag-chat wala, hindi ba? Kaya 'wag mo na siyang asahan pa," mapait na tugon ko.   "Ate, sinubukan mo ba siyang kontakin?”   Umiling si Jana.   "Simula ng umalis siya?” tanong pa rin ni Hana.   "Hindi."   "Try mo kaya, Ate, malay mo kapag ikaw na ang mag-message kay Kuya Rafael ay baka bumalik na siya rito. Alam mo naman iyon pagdating sa’yo,” suhestiyon niya sa akin.   "Ayoko nga!” kaagad na tanggi ko.   "Sige na, Ate, gusto ko kompleto tayong pamilya kapag graduation ko. Wala na nga sina Mama at Papa pati ba naman si Kuya Rafael? Nakakalungkot naman iyon,” mas malungkot na ngayon ang tono ng boses ni Hana.   Tinitigan ko ang kapatid ko at bakas talaga sa mukha niya ang kalungkutan.   Kompleto ang pamilya? Si Rafael ay pamilya?   Oo, simula nang naging magkaibigan kami ni Rafael first year college pa lang kami pareho at nakilala rin siya ng mga magulang ko dahil katabing bahay lang naman naming siya ay itinuring na siyang kapamilya ng magulang at kapatid ko. Naging sobrang malapit ang pamilya ko kay Rafael lalo pa't nag-iisa lang siya sa buhay.   Ang Mama at Papa ni Rafael ay may kanya-kanya ng pamilya, hindi man siya napabayaan sa pinansyal at sobra-sobra pa nga ay kulang naman si Rafael sa pag-aaruga ng isang pamilya at kami ang nagbigay kay Rafael ng ganoong pagmamahal.  Lalo pang naging malapit si Rafael sa akin at kay Hana nang mamatay ang magulang namin sa aksidente. Si Rafael ang dumamay at nag-alaga sa amin dahil iyon daw ang pangako niya sa Papa naming pero dumating pa rin ang punto na umalis rin siya at iniwan kami.   Ako ang mas higit na nasaktan dahil hindi ko inaasahan na darating ang point na iiwan niya kami. Pinigilan ko pa siya pero desidido na siya at nagalit ako sa kanya kaya nang umalis siya ay hindi ko na siya kinausap pa hanggang sa umabot na ng tatlong-taon. Noong una nagme-message pa siya sa akin pero siguro ay nagsawa na rin kaya tumigil na at wala na talaga akong kahit anong balita kay Rafael.   "Ate, please, para malaman natin kalagayan niya," nakikiusap na sabi sa akin ng kapatid ko.   Muli ay napatingin ako kay Hana at bakas na rin ang pag-aalala sa mukha ni Hana mula kay Rafael. Mukhang hindi ako titigilan ni Hana hangga't hindi ako napapapayag at kahit ayaw ko ay wala naman akong magawa lalo na at ang kapatid ko na ang nakiusap para lang i-message ko ang ungas na lalakeng iyon.   "Susubukan ko," napipilitang tugon ko.    Masayng napangiti kaagad si Hana.    "Hay! Pasalamat ka hindi kita kayang tiisin, Hana, para sa kaligayahan mo ito kaya ko-kontakin ko na ang panget na 'yon, nakakainis ! Humanda sa akin ang panget na iyon! Ungas siya!” nagbabantang sabi ko sa sarili.   

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Love Donor

read
87.0K
bc

My Son's Father

read
583.3K
bc

That Professor is my Husband

read
505.0K
bc

OSCAR

read
227.7K
bc

My Last (Tagalog)

read
487.0K
bc

Tamed to Be Yours

read
385.2K
bc

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (R18)

read
454.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook