Chapter 2

3559 Words
JANA's POV NASA trabaho na ako at nakaharap sa computer. Naalala ko na naman ang pakiusap sa akin ng kapatid ko kaya napabuntonghininga ako at napailing. "Gagawin ko 'to para sa kapatid ko para hindi naman siya malungkot na kulang ang itinuturing niyang pamilya sa graduation niya,” panghihimok ko sa sarili. Kaagad akong nag-type ng isang mensahe sa f******k account ni Rafael na hindi ko alam kung binubuksan pa ba ni Rafael dahil in-unfriend ko na kasi ang binata nang magdesisyon siyang iwan kami. "Hoy! JARED RAFAEL FRANCO! Kung nasaan ka man ngayon, hinayupak ka! Saan man ng lupalop ng mundo 'yan o kahit nasa hukay ka pa! Ipakita mo 'yang pangit mong mukha sa kapatid ko sa araw ng graduation niya dahil iyon ang hinihiling niya na sana naman ay tuparin mo. Kung hindi ka talaga makakapunta ay mag-message ka kay Hana at magbigay ka ng valid reason sa kanya kung bakit hindi ka makakapunta. 'Wag ka ng mag-abala pang mag-reply sa akin kasi nakakahiya naman sa’yo. Sige, aasahan ni Hana ang sagot mo. Saka ko pinindot ang send button at kaagad naman ni-log out ang f******k account ko. "Mababasa kaya niya 'yon?” tanong ko sa sarili at napabuntonghininga na naman, “okay lang kung hindi,” kibit-balikat na tugon ko. "Hoy! Hinahanap ka ni Sir!” Nagulat na napalingon ako sa nagsalitang babae sa likod ko at ang sumalubong sa akin ay isang matangkad na babae na may magandang mukha pero nakataas ang kilay na nakatingin sa akin. “Iyong pinagagawa niya ba sa’yo ay tapos mo na?" tanong pa niya na hindi inaalis ang pagkakataas ng kilay sa akin kaya tumaas na rin ang kilay ko. "Oo, tapos ko na,” tugon ko. "Ibigay mo na iyan kay Sir!” utos pa niya sa akin. "Makautos ay akala mo boss!" bulong ko. "Anong sabi mo?" tanong ulit ng babaeng lalagpas na yata sa noo ang pagtaas ng kilay. "Wala ka na doon!” nakairap na tugon ko at kaagad na tumayo at iniwan siya. Siya si Samantha Pilar, isa sa maganda, sexy at flirt na babaeng nakilala ko sa kompanyang ito. Wala naman akong problema sa pagiging ganoon niya kaso hindi ko maintindihan kung bakit ang init ng dugo niya sa akin. Kung maka-utos ay wagas, eh, pareho lang naman kaming empleyado rito. Laging nakataas ang kilay sa akin at lagi akong sinusungitan. Anong problema niya? Tuloy, naba-bad trip na rin ako kapag nakikita siya, lalo na ngayon na broken hearted ako. Naku! Lokohin na niyang lasing at bagong gising huwag lang ang babaeng galing sa bigong pag-ibig. “Talaga, Samantha, mayayari ka talaga sa akin!” banta ko sa isip. Nang makarating ako sa opisina ng boss naming si Sir Gian ay kumatok muna ako sa pinto at binuksan iyon ng bahagya. "Sir Gian," kuha ko ng pansin sa nakaupong boss at nakatutok sa laptop. Napaangat naman siya ng tingin at kaagad na rumihistro ang gwapong ngiti niya sa labi nang makita niya ako. "Have a seat, Ms. Alejandra," utos niya sa akin. "Ang gwapo talaga nito ni Sir!” kinikilig at sigaw ng isip ko. Pinakatitigan ko ang magandang nilalang na nasa harapan ko mula sa mukha niyang may matangos na ilong, blue eyes at manipis na pulang labi. Halatang half Filipino half American si Sir Gian dahil sa higit na mukha siyang banyaga kaysa purong Pilipino. Ang ganda pa ng katawan at kasit naka-suot siya ng polo ay kitang-kita pa rin ang kakisigan niya. Nang makaupo ako sa upuan ay kaagad na ibinigay ko na ang folder na may laman ng trinabaho ko at ang ipinunta ko sa opisina ni Sir Gian. "I just want to talk to you about someone important," umpisa ni Sir Gian. Ngayon ay seryoso na si Sir Gian na nakatingin sa akin pero alam ko na kaagad ang gusto niyang pag-usapan. "Kung about po ulit sa kanya iyan, until now, wala pa rin po akong maibibigay na impormasyon,” kaagad kong tugon kay Sir Gian. Napabuntong hininga si Sir Gian. "Ganoon ba? Basta update mo ako kapag may balita ka na sa kanya para naman makapaghanda na ako sa pag-iwan ko sa kompanyang ito. I really want to rest at ang tagal ko na ring mina-manage ang kompanyang ito kasabay ng sa akin sa States. Hindi madaling gawin ng sabay iyon kaya sana kapag may nalaman ka tungkol sa kanya ay update mo ako,” mahabang litanya ni Sir Gian sa akin. "Opo Sir,” tanging naitugon ko. "Thank you,” nakangiting sabi niya. "Sige po, Sir, balik na ako sa mesa ko,” paalam ko sa kanya. Tango lang ang ginanti niya sa akin kaya tumayo na rin ako at lumakad na paalis. Paglabas ko ng opisina ni Sir Gian ay nakita ko kaagad ang masamang tingin sa akin ni Samantha at inirapan pa niya ako na hindi ko na nagantihan pa dahil kaagad nagbaba siya ng tingin matapos akong irapan. "Mahanginan sana ng masamang hangin ang mata mo nang hindi na bumalik sa dati 'yan!” gigil na hiling ko sa sarili saka ako bumalik sa pwesto ko at nagpaka-busy sa trabaho. "ATE na-message mo na si Kuya Rafael?" tanong sa akin ni Hana nang umagang iyon nang sabay kaming kumakain ng agahan. Umiinom pa ako ng kape pangpagising sa inaantok kong diwa. "Oo, kahapon pa. Hindi pa ba nagme-message sa’yo? Umiling si Hana bilang pagtugon sa tanong ko, “hayaan mo na lang kung ayaw niya talaga hindi naman kasi natin siya mapipilit," pagpapalubag ko sa loob ng kapatid ko pero may lungkot pa rin sa mukha niya. "Pero Ate, hindi naman ganoon si Kuya Rafael at nag-aalala na ako sa kanya," tugon ni Hana. "Huwag kang mag-alala sa kanya siguro ay busy lang iyon. Isang-buwan pa naman bago ang graduation mo, malay mo bukas o kaya bago graduation mo ay dumating na siya,” pagbibigay pag-asa ko kay Hana kahit hindi naman talaga ako sigurado na darating nga talaga si Rafael. "Sana nga, Ate, ang lungkot kasi kapag kahit si Kuya Rafael ay wala sa graduation ko," napabuntonghininga pa na sabi ni Hana. Napanguso ako. "Nakakaselos naman iyan! Hindi ka pala masaya na ako ang kasama mo sa graduation?" nagtatampong tugon ko. "Hindi naman, Ate, pero mas masaya sana kapag nandoon si Kuya Rafael kahit wala sina Mama at Papa ay may Ate at Kuya naman ako na mga mahal ko sa buhay." Nilapitan ko si Hana at niyakap ko siya nang buong pagmamahal. Naawa ako sa kapatid ko dahil hindi na niya mararanasan ang buong pamilya sa araw ng graduation niya ngayong College hindi tulad ko noon na nandiyan sina Mama at Papa na masayang-masaya noong nakapagtapos kami ng College ni Rafael. "Hayaan mo kapag hindi pumunta ang pangit na iyon ay iwa-war message ko siya,” pangako ko kay Hana na ikinangiti na niya at niyakap na rin ako. Matapos mag-agahan ay balik na naman ako sa araw-araw na routine. Ang pagpasok sa trabaho at magpaka-busy sa aking pagbabanat ng buto. "Beshong, sumama ka mamaya, ha," aya sa akin ni Jay. Lunch break na at kagaya sa araw-araw na trabaho ay magkakasabay kaming magkakaibigan kumain. Sina Jay, Belle, Luane at Brix nasa Cafeteria kami at ito na naman si Jay na niyaya akong sumama kung saan. "Saan?" nagtatakang tanong ko. "Bar tayo. May nakita akong bagong bar noong gomo-gora ako kahapon at parang maganda doon at maraming Papa," tugon ni Jay na winawasiwas pa ang kamay. "Sumama ka na," panghihimok naman sa akin ni Belle. Ayoko sana kaso lahat sila ay nakatingin sa akin at mukhang asang-asa na sa pagsama ko sa kanila sa bar. "Sasama si Luane at Belle,” sabi sa akin ni Jay, “ikaw ba Brix sasama ka?" tanong ni Jay kay Brix. "Kapag sasama si Jana saka ako sasama," tugon naman ni Brix kaya kaagad akong napatingin sa kanya. "Lakas talaga ni Jana sa’yo, Brix! Ano ba mayroon sa inyong dalawa?" tudyong tanong naman ni Belle na nakangisi pa ng nakakaloko. "Wala! Anong mayroon ka diyan, Belle!" kaagad kong sabat. Napalakas ko pa ang boses ko dahil ayoko ng issue sa trabaho. Ang hilig pa naman nilang mang-asar kapag may nagkakamabutihan sa opisina. "Sa iyo wala, eh, paano naman kay Brix?” Tumingin si Luanne kay Brix na nakakaloko na rin ang ngiti, “ano Brix? May something ka ba kay Jana?" tanong pa niya kay Brix. "Okay lang naman kung mayroon, 'di ba? Single ako single ka rin 'di ba, Jana?” nakangiting tanong sa akin ni Brix. Nagsihiyawan naman ang tatlo at tuwang-tuwa sa walang alinlangan na pagtatapat ni Brix sa harap naming lahat. Napailing tuloy ako dahil siguradong wala ng tigil ang mga kaibigan kong ito na asarin kami ni Brix sa opisina. Kung tinitigan ko si Brix ay gwapo naman siya, maganda ang pangangatawan at mabait na tao rin siya kaya lang wala siyang dating sa akin at hindi ko gusto ang pagiging clingy niya. Alam ko naman na type niya ako noon pa man pero ngayon lang siya nagsabi nang harapan na may gusto talaga siya sa akin at hindi ko rin talaga inaasahan na aamin siya sa harap pa mismo ng mga kaibigan namin sa trabaho. "Huwag niyo akong umpisahan ng ganyan! Upakan ko kayo!” banta ko sa mga kaibigan ko, “alam niyo naman na kakahiwalay ko pa lang sa ex ko kaya ayoko na muna ng mga ganyan-ganyan,” paliwanag ko sa kanila. "Busted kaagad si Brix," pang-aasar ni Luane. "Aantayin kitang maka-move-on at liligawan na talaga kita," desididong sabi naman ni Brix sa akin. "Ewan ko sa'yo, Brix, tigilan mo ako!” nag-iinit ang pisngi na tugon ko sa kanya. "Nagba-blush si Beshong, kinikilig," pangbubuska ni Jay sa akin. "Shut up, Jay!" sigaw ko sa kanya. Nahihiya na nga ako tapos pinapahiya pa ako ng baklitang ito. Ang sarap manampal ng bakla sa harap ko ngayon. "Tama na nga iyan!” saway na ni Luane, “ano sasama ka ba mamaya, Jana?" tanong sa akin ni Luanne. "Sige. Sasama na ako," payag ko na. "Yes! Eh ‘di sasama ka na rin, Brix?" tanong ni Belle. "Oo naman kasama si Jana, eh," nakangiting tugon ni Brix at tumingin pa siya sa akin na ikinairap ko. Ngiting-ngiti naman ang ungas na akala mo may nakakatuwa sa ginawa ko. "Epal! Inirapan na masaya pa rin?” hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili ko. Ipinagpatuloy na namin ang pagkain habang masayang nag-uusap at nang matapos kumain ay balik ulit kami sa seryosong trabaho. Pagsapit nang gabi ay dumiretso nga kami sa bar kagaya nga ng usapan namin kanina nang lunch at kagaya pa rin ng dati ay naiwan na naman ako sa mesa at ang mga kasama ko ay nagsigiling na sa dance floor. Pero iba naman ngayon dahil may kasama na ako sa mesa at hindi na ako nag-iisang umiinom ng alak. Kasama ko at katabi ko si Brix at hindi nakisali sa pagsasayaw sa dance floor. Napaparami na nga ang naiinom ko dahil na rin may kasama ako at dama ko nang nalalasing na ako. "Oo nga pala, Jana, ilan taon ka na nga ba?" interesadong tanong sa akin ni Brix. Kanina pa siya nakikipag-usap sa akin habang umiinom kami at sinasagot ko naman lahat ng tanong niya. Wala pa akong gana kanina kay puro sagot lang ako sa mga tanong niya at hindi ko na pinapahaba pa pero dahil tinatamaan na ako sa alak na iniinom ko ay ginaganahan na akong makipagdaldalan sa kanya. "Twenty-eight,” tugon ko. "Twenty-eight ka na pala? Hindi halata, you look younger than your age," hindi makapaniwalang sabi ni Brix. "Oh yeah, sabi nga ng marami. Paano kasi ang liit ko kaya akala nila bata pa ako.” Umikot ang mata ko, “paano ba napunta ang edad sa height? Porket maliit ay bata na? Nakakainis!” reklamo ko. "Hindi. Kasi baby face ka at hindi dahil sa height mo," kaagad na paliwanag ni Brix. Napangisi ako. "Ako ba binobola mo? Huwag ako!” Tumawa naman si Brix. "I'm just telling the truth. Pero maiba nga tayo, Jana, twenty-eight ka na at bakit hindi ka pa nag-aasawa? Tapos, nakipag-hiwalay ka pa? Hindi ka ba natatakot maging matandang dalaga?” sunod-sunod na tanong sa akin ni Brix. "Nakakatakot ba iyon?” tanong ko sa kanya, “eh, paano kung wala naman talagang naka-tadhana na makatuluyan ko? Kahit ilang-beses na akong nakipagrelasyon ay sa huli ako ay wala pa rin at mabubuhay lang akong mag-isa?” Napangisi na naman ako. “Minsan kasi ay nasa isip lang natin ang nagpapahirap sa atin. Lagi natin iniisip iyong what’s if, pero hindi natin naisip na hindi talaga iyon para sa atin at ano man ang paraang ginawa natin ay hindi talaga magiging sa’yo o makukuha mo man ang bagay na iyon. “Para sa akin kung ano man ang pinanghihinayangan mo noon, na hindi mo nakuha ngayon, hindi mo talaga nakuha iyon dahil sa wala kang ginawa. Para sa akin kasi dahil hindi talaga sa’yo iyon nakatadhana,” mahabang litanya ko sa tanong sa akin ni Brix. "Pero paano nga kung sa’yo pala talaga iyon, Jana, kung gumawa ka lang ng paraan o ginawa mo iyong bagay na magiging dahilan para hindi iyon mawala sa’yo? Paano kung konting lakad lang mapapasa iyo na iyong panghabang-buhay?” tanong pa rin sa akin ni Brix. Napabuntong hininga na ako sa sinabi ni Brix. Malalim na napaisip at naalala ko na naman si Romeo, ang idinahilan niya sa akin kung bakit siya nagloko at nakipag-siping sa ibang babae. "Paano nga, ano? Kung ibinigay ko ang sarili ko kay Romeo baka kami pala talaga sa huli?” tanong ng sarili ko, “siguro, naging madamot lang talaga ako.” "Hey, Jana, natahimik ka? Ayos ka lang ba?" untag na tanong ni Brix sa akin. "Oo,” tugon ko. "Pero alam mo sa inyong dalawa ng ex mo ay siya ang nawalan hindi ikaw. Kasi wala na siyang makikita pang tulad mo," nakangiti ng sabi ni Brix sa akin. "Langya! Binobola mo na naman ako!" bulalas ko sa sinabi ni Brix. Magda-drama na sana ako at dahil sa sinabi ni Brix ay nawala ang kadramahan sa isip ko. "Hindi! Seryoso ako, Jana at kapag naka-move on ka na ay willing akong ligawan ka. I'm serious,” sabi ni Brix. "Lokohen! Ilang babae na ba sinabihan mo niyan?” hindi makapaniwalang tanong k okay Brix. "Wala pa at ikaw lang talaga.” Ngumiti pa sa akin si Brix na parang nagpapa-cute kaya napatitig din ako sa kanya at napangisi sa itsura niya. "Tigilan mo nga ako! At isa pa, nagpa-puppy eyes ka ba? Tigilan mo nga iyan mukha kang aso." Natawa ako sa pagsimangot ni Brix, "muntanga, eh!” Humalakhak na naman ako. Ang lakas na ng tama ko ngayon sa iniinom ko at ang kumag naman na si Brix ay napakamot na lang sa ulo. Iinom pa sana ako kaya lang kinuha na ni Brix ang bote ng alak. "Tama na iyan. May amats ka na," saway niya sa akin. "Ako may amats? Wala pa, kaya 'wag ka ngang ano diyan! Tsaka pwede ba, huwag kang malikot kasi nahihilo ako sa’yo," reklamo ko na kay Brix dahil umiikot na ang paningin ko sa kakagalaw niya. "May amats ka na nga!" narinig niyang tugon ni Brix. Pinilit kung abutin ang bote ng alak kay Brix pero panay ang iwas niya sa baso kaya hindi ko iyon makuha. Nahihilo tuloy lalo ako sa pag-iwas-iwas niya ng bote. "Ano ba?” sigaw ko na kay Brix, “ang epal mo! Gusto mo bang sapukin kita!" banta ko na sa kanya dahil naiinis na ako sa hindi pagbibigay sa bote ng alak ko. "Tama na nga! Baka hindi ka na makauwi pa nito,” tugon sa akin ni Brix. Ayaw pa rin niyang ibigay sa akin ang bote ng alak kaya nakadama na ako ng inis at kaagad ko siyang sinapok sa ulo. "Aray! Ano ba!" reklamo ni Brix sa akin matapos ko siyang sapukin. "Ano? Gusto mo pa ng isa! Hindi kita uurungan! Ano sapakan na lang tayo?" pang-aamok ko sa kanya at tumayo pa ako. Gusto ko talagang makasapak ng tao ngayon dahil nag-iinit ang ulo ko at si Brix ang napag-iinitan ko kasi ayaw niyang ibalik sa akin ang alak ko. Bumuntonghininga si Brix. "Jana, huwag ka ng magpakalasing pa dahil may trabaho pa tayo bukas," mahinahon tugon niya sa akin. Natahimik na lang ako at umupo sa upuan. Lalo ko lang naramdaman ang hilo at inaantok na ako kaya yumukyok na ako sa mesa. Naramdaman ko ring hinawakan ako sa balikat ni Brix. "Jana, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Brix sa akin. "Gusto ko nang matulog,” tugon ko. "Sige, wait lang." Naramdaman ko ang pag-alis ni Brix sa tabi ko pero mayamaya ay bumalik din siya at mukhang may kasama na siya ngayon. "Beshong, ano na nangyari sa’yo?” tanong sa akin at boses ni Jay ang narinig ko, “sobra na yata ang nainom mo, ano?” Tinawag na pala ni Brix si Jay kaya pala siya umalis. "Iiuuwi ko na siya para makapagpahinga na dahil hindi na niyan kayang umuwi," paalam ni Brix kay Jay. "Sasama na ako. Mahirap na Brix, baka kung ano pa gawin mo kay Jana!” narinig kong tugon ni Jay kaya napalingon ako sa kanila. Napakamot na naman sa ulo si Brix at parang batang nakasimangot kay Jay. "Wala naman akong gagawin kay Jana. Pero sige, sumama ka na rin para makasigurado ka,” payag na lang ni Brix. "Tara na!” aya na ni Jay kay Brix. Aalalayan pa sana ako ni Brix pero tinulak ko ang kamay niya at tumayo na ako kahit umiikot pa rin ang paningin ko. "Kaya ko pa. Huwag kayong oa,” sabi ko. "Hay naku!" bulalas ni Jay. Nauna na akong naglakad sa kanila at sumunod naman ang dalawa sa akin hanggang sa nakalabas na kami pareho sa bar. Si Brix na ang nagtawag ng taxi at sumama pa rin sila na inihatid ako sa bahay. Hindi ko na nga namalayan na nakatulog na ako sa biyahe namin at nang naramdaman kong huminto na taxi at medyo matagal na ay saka pa ako dumilat ng mga mata ko. "Jana, nandito na tayo,” untag ni Brix sa akin, “gusto mo bang alalayan ka namin papasok ng bahay niyo?" tanong pa niya. "No. I can handle myself. At nandiyan naman na ang bahay ko," tanggi ko at binuksan ang pinto ng taxi saka lumabas. Lumabas na rin ng taxi ang dalawang kasama ko at pinagmasdan ako habang inaayos ko ang tayo ko dahil umikot bigla paningin ko nang makalabas ako. "Beshong, sure ka ba na ayos ka lang?" naniniguradong tanong ni Jay sa akin. "Oo nga,” naniniguradong tugon ko, “sige na, umalis na kayo at salamat sa paghatid niyo sa akin, Brix, Jay.” Tumango na lang ang dalawa at inantay ko pang makaalis ang taxi bago ako tuluyang naglakad patungo sa gate ng bahay. Papasok na sana ako sa gate nang may makita akong nakaparada na kotse malapit lang sa bahay namin. "Kanino 'tong kotse na 'to?” tanong ko habang nakatingin sa kotse. Nilapitan ko ang kotseng nakaparada at kinilatis ito, hindi siya pamilyar sa akin at ngayon ko lang talaga nakita na may ganoong kagarang kotse sa lugar namin. "Hoy! Kung sino mang may-ari nitong kotse ay ialis niyo ito rito! Nakaharang, eh!” sigaw ko, “letse kayo! Huwag kayo ritong mag-park ng kotse sa harap ng bahay ko dahil hindi parking-an ito!" Galit na sinipa ko pa ang gulong ng kotse at saka ito iniwan. "Kapal ng mukha! Diyan pa nag-park sa may harap ng bahay namin! Kapag iyan bukas nandiyan pa ay wawasakin ko side mirror niyan!" banta ko. Tuluyan na akong pumasok sa bahay at hilo pa rin talaga ako kaya dumiretso na ako sa kwarto ko. Hindi ko na binuksan ang ilaw dahil itutulog ko na rin naman ito. Paghiga ko ay naramdaman kong may nakatabi ako sa kama at paglingon ko ay nakatalukbong siya ng kumot. "Hana, bakit dito ka natulog? Doon ka na sa kwarto mo," reklamo ko. Wala namang ibang tatabi sa akin kundi si Hana at baka inaantay niya ang pagdating ko kaya dito na sa kwarto ko nakatulog kakaantay sa akin. Pero hindi kumilos si Hana nang sabihan ko kaya hinawakan ko na siya at niyugyog para gisingin at palipatin sa kwarto niya. "Uy! Hana, doon ka na sa kwarto mo." Hinawakan ko na ang nakatagong braso niya sa kumot na nakabalot pa sa kanya, "ang laki ng muscles mo ha, nag gi-gym ka ba? Ang tigas pa." Pinisil-pisil ko pa siya hanggang sa umabot sa tiyan niya ang kamay ko at dinama ko ang matigas niyang tiyan. "Aba Hana! May abs ka pala sa tiyan mo? Grabe ka! Bakit hindi ka nagyayaya kapag nag-gi-gym ka?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Ibinaba ko pa ang kamay ko at nanlaki ang mata ko sa umbok na naramdaman ko. "Stop it, baby, baka mabuhay iyan, lagot ka,” narinig kong sabi ng katabi ko na lalong ikinalaki ng mga mata ko. Natanggal ko ang kamay ko sa bahaging iyon ng katawan ng hinahaplos ko at napaupo ako. "Who are you?" gilalas na tanong ko sa katabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD