bc

Obey Me (Infernu Rasgild)

book_age18+
47.1K
FOLLOW
321.9K
READ
billionaire
dark
submissive
dare to love and hate
mafia
drama
bxg
realistic earth
virgin
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

DISCLAIMER: This story is not a compilation. It's written in the plot, and Gideon--Infernu's son needs to continue the legacy of his father. As the eldest son he's obliged to face Infernu's enemy--his grandfather, Salvatore.

(Please lang, tama na sa assumptions niyo na magkaiba silang story. Connected sila at nakalagay na iyon sa plot. Si Gideon ang magpapatuloy sa naudlot na paghihiganti ng ama niya. And later on will be passed on to Hades. May kaniya-kaniya silang story dahil series 'to. Spare me and your ignorance.)

WARNING: Contains violence and explicit s*x scenes.

Isang Mafia Boss si Infernu at isang guro naman si Sarissa. Hindi maganda ang simula nilang dalawa dahil sa dinaan ito sa dahas ng binata. Isa siyang kilalang demonyong nagbalat-kayo sa guwapong mukha. Paano nga ba niya mapapaibig ang dalaga?

chap-preview
Free preview
Prologue
Naglalakad ako papunta sa bukana ng eskwelahang pinagtuturuan ko. Ngayon ang ikalawang linggo ko sa pagtuturo. Isa akong tertiary education teacher. Kahit na may kalayuan ito sa bahay namin ay malaki ang pasasalamat ko sa Diyos dahil kahit papaano ay nakatutulong na ako sa bahay. Kasulukuyan akong nagtuturo sa isang private university. Ang Sta. Elena University. Habang papalapit ako sa gate ay naikunot ko ang aking noo. May nagkukumpulang lalaki sa gilid at ang iba ay nakasakay sa hood ng kotse nila habang nakikipagharutan sa mga estudyanteng babae. “Good morning, Ma’am,” bati ng guard sa akin. Nginitian ko lamang siya nang tipid at napatingin sa hindi kalayuan kung saan naroroon ang mga binata. “Bakit sila nandiyan? May nakapaskil namang no parking bakit nandiyan sila?” tanong ko sa kaniya. Napakamot lamang si Manong sa batok niya. “Eh kasi Ma’am, sila ang nasusunod dito eh,” sagot niya na lalo lamang nagpakunot sa aking noo. “Ano po ang ibig niyong sabihin?” tanong ko sa kaniya. Hindi ko makuha kung ano ang ipinaparating niya. Medyo alanganin naman siya habang nakatingin sa likod ko. Para itong asong nabuhusan ng tubig at gumilid. Kumunot ang noo ko at napalingon. “Mukhang bago si, Ma’am dito ah,” wika ng boses lalaki. Napalingon ako at napaatras nang sobrang lapit ng isang lalaki sa akin. Kamuntik pa niyang mahawakan ang beywang ko mabuti na lamang at mabilis ang reflexes ko. “Ow!” ani naman nu’ng kasama niya at nagtawanan sila. “Ang ganda ni, Ma’am ah. Bago yata sa paningin ko,” sabat nu’ng isa. “Ano ba ang problema niyo?” tanong ko sa kanila. Nasa anim din sila eh. Ilang sandali pa ay may lumapit sa amin. Humihithit ito ng sigarilyo niya at kaagad na tumabi naman sila. Nakatitig lamang ang binata sa akin. May hitsura naman pero hindi ko alam kung bakit parang ang sama ng pakiramdam ko habang nakatingin sa mga mata niya. Wala iyong emosyon. “What’s taking you so long?” bagot niyang tanong habang nakatingin sa akin. Malalim ang boses niya at malamig. Napahawak ako sa laylayan ng aking suot na damit at napalunok. He grinned devilishly and puffed his smoke on my face. Kaagad na natigilan ako at napaubo. “Bastos!” singhal ko sa kaniya. Kaagad na nagseryoso naman ang mga kasamahan niya. Ilang saglit pa ay natuod ako sa aking kinatatayuan nang maramdaman ang malamig na dulo ng baril na hawak niya at itinutok iyon sa aking beywang. Hindi ako makapagsalita dahil sa takot na nararamdaman ko. Nararamdaman ko ang mahinang pagbaon niyon sa aking tiyan. Galit na tiningnan ko ang lalaki at napakurap-kurap nang lumapit ang kaniyang bibig sa aking tenga. Kahit na nanlalamig ang katawan ko ay tiniis ko. Pakiramdam ko ay matutumba na ako sa sobrang kaba. “You’re shaking, Ma’am,” bulong niya. Nahigit ko ang aking hininga nang maramdaman ko ang pagsinghot niya sa aking leeg. “Smells like vanilla,” anas niya. Lumayo siya nang kaunti at nginisihan ako. Nanlilisik ang mata ko na tinanggap ang titig niya. “You’re brave, I like it,” aniya at ngumisi na naman. Bahagyang tumaas ang baril niya pataas sa loob ng suot kong long sleeves. Naikuyom ko ang aking kamao at pilit nilalabanan ang takot na naramdaman. Ramdam ko ang pagkabaklas ng isang butones ng suot kong uniform. Nag-abot ang aming paningin at matamang nakatitig lang siya sa akin. Ramdam ko ang kakaibang lamig at kawalang emosiyon ng mga mata niya. “Nice curves,” aniya at tumalikod na. Nginisihan lang din ako ng kaniyang mga kasama na parang mga demonyo. Nakatayo lamang ako habang nakatingin sa papalayo nilang sasakyan. “Ma’am, okay lang po ba kayo?” nag-aalalang tanong sa akin ng guwardiya. Muntikan pa akong matumba sa labis na takot. Ano ba ang pinasok ko? Tiningnan ko ang guwardiya at napahinga nang malalim. Inalalayan naman niya kong makaupo sa pinakamalapit na bench. “T-tinutukan ako ng baril n-nu’ng lalaki k-kanina,” saad ko sa nanginginig na boses. “Hindi mo ba sila kilala, Ma’am?” tanong ng guwardiya sa ‘kin. Alanganing napailing naman ako. “B-bakit Manong?” “Notorious iyong mga sanggano rito sa lugar na ‘to. Kahit nga po saan kinatatakutan iyon ng mga tao,” sagot niya. Napakunot naman ang noo ko. “Hindi ba sila hinuhuli ng mga Police? Ano ang silbi ng mga police kung wala silang gagawin?” tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman at siya tila hindi makapaniwala sa narinig mula sa ‘kin. Bahagya kong pinunasan ang aking mata dahil tumulo roon ang kaunting luha. “Ma’am, walang silbi ang pagsusuplong kung pati mga Police ay hawak ng pamilya niya,” sagot niya. Napaisip naman ako. “Sino ang tinutukoy mong niya?” Napakamot naman siya sa ulo niya at nagsalita. “Iyong lalaki pong tumutok ng baril sa iyo,” sagot niya. Kaagad na nanlamig ang pakiramdam ko. “Walang sino mang nagkakamali na bumangga kay Infernu,” dagdag niya pa. Kumunot ang noo ko sa narinig. “Infernu?” “Opo Ma’am, ang sabi kaya raw pinangalan sa kaniya iyan kasi nakikita na ng ama niyang magiging kaugali niya ang demonyo kahit nasa sinapupunna pa ito ng ina niya,” wika niya. “Huwag kayong paloloko sa maamong mukha ni, Infernu Ma’am. Nababahala po akong baka pag-initan kayo. Kaya mas mabuti pong huwag kayong pupunta o maglalakad na mag-isa,” saad ng guwardiya. “What?” Hindi ako makapaniwala sa narinig mula sa kaniya. “Ang alam ko po, nu’ng may pumalag sa kanila ibinalita kaagad pagkabukas na patay na ito. Hindi naman sila mahuli-huli, hanggang bentang lang kami dahil walang witness at walang ebidensiya. Kung meron man walang magtatangka dahil kilala ang pamilya nila,” sambit ni Manong. “Bakit naman ganoon? Puwede pala na ganoon ang mangyari? Ano pa ang silbi ng mga police kung wala naman silang ginagawang hakbang dito para protektahan ang mga residente? Ano iyon? Kung trip nila puwede nilang pag-initan?” asik ko. Natigil lang ako katatalak nang marinig ang pag-bell hudyat ng unang period. Huminga ako nang malalim at kinalma muna ang sarili ko. Hindi puwedeng sa unang turo ko ngayong araw ay balisa ako. Hindi ako makakapagturo nang maayos. Inayos ko ang sarili ko at umalis na. “Sarissa!” Napalingon ako nang may tumawag sa ’kin. It was Timmy. Kapuwa ko guro sa university. “Timmy,” ani ko. Nginitian naman niya ako at nilapitan. “Laganap sa buong university ang nangyari kanina. Okay ka lang ba? Bakit kasi hindi kita nasabihan agad eh,” aniya at halata ang pagkabahala sa kaniyang mukha. Umiling naman ako at nguniti nang tipid. “Okay lang ako, sisiguradohin kong hindi na mauulit iyon. Mag-iingat na rin ako,” sagot ko sa kaniya. Tiningnan niya lang ako at umiling na naman. “Simula ngayon, ako na ang magiging kasama mo araw-araw. Hindi mo pa kabisado ang lugar namin dito. Kasalanan ko talaga ito eh, in-endorse kita rito kaya kung ano man ang mangyari sa ’yo kargo ko iyon. Hindi ko yata kakayanin,” saad niya pa. “Timmy, okay lang ako. Ano ka ba? Relax ka lang, see? Buo pa rin naman ako,” sagot ko sa kaniya. Kahit na ang totoo ay maging ako ay alangan na sa kung ano ang puwedeng mangyari bukas. Ganoon pa man, ipagapapasa-Diyos ko na lahat. Alam ko namang hindi niya ako pababayaan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

His Obsession

read
72.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook