Chapter 2

2239 Words
“Ma, okay lang ako,” pangungumbinsi ko kay Mama. Tumawag kasi sila kanina pa at matagal bago ko nasagot. Medyo kumalma na rin ako dahil mahigit isang linggo na rin akong hindi binabagabag ni Infernu. Ipinapanalangin ko na ngang sana ay hindi na magkrus ang landas namin. Inayos ko na ang dadalhin ko sa eskuwelahan at lumabas na ng apartment ko. Mabuti na lamang at may traysikel kaya hindi ko na kailangang pumunta sa paradahan. “Sa SEU po Manong,” ani ko. Tumalima naman kaagad siya. Nakatingin lang ako sa records ko habang papunta sa school. May gaganapin kasing remedial mamaya. Ilang minuto lang naman ay nakarating na kami. Bumaba na ako at nagbayad. T’saka ko lang napansin ang pamilyar na sasakyan at ang mga binatang dahilan ng pagkasira ng utak ko. Napalunok ako at naglakad na papasok. Halos lumabas na ang puso ko sa labis na kabang nararamdaman. Hindi ko na sila tiningnan pa. tahimik na ipinagdarasal ko na sana ay huwag na nila akong abalahin pa. “Hi Ma’am, good morning,” nakangiting bati sa akin ng co-teacher kong si Sir Manuel. Kaedad ko lang din siya at mabait. Siya ang tipo ng lalaking gugustuhin ng mga babae. Kaya nga sikat ito sa eskuwelahan dahil maraming babae ang nahuhumaling sa kaniya. “Hello,” bati ko pabalik sa kaniya. “Sabay na tayo?” saad niya. Pupunta pa kasi ako sa office para mag-time in. Tumango lamang ako bilang pagsang-ayon. Habang naglalakad ay napahawak ako sa batok ko dahil biglang nanindig iyon. Napatingin ako sa likod at puro lang naman estudyante. “Are you okay?” tanong niya sa ’kin. Tumango lamang ako bilang sagot at ngitian siya nang tipid. Matapos makapag-log in ay nag-usap pa kami sandali ng co-teachers ko. Kung hindi pa nag-bell ay hindi pa natapos ang usapan namin. Masaya silang kausap at nawawala ang anxiety ko kapag kaharap sila. “Una na ako,” wika ko at kinuha na ang gamit ko. “Good luck, Sarissa,” wika nila. Tumango naman ako at ngumiti. Wala na ang ibang estudyante. Busy ngayon at kailangan nilang bumawi sa exams. Paliko na ako nang may tumakip sa bibig ko at hinila ako nang mabilis. “Hmmm—” Nagpapasag ako at natigilan nang makitang si Infernu iyon. Hindi na ako nakagalaw at binuksan niya ang tahimik na comfort room ng university. Padaskol niya akong binitiwan kaya’t kamuntik na naman akong humalik sa tiles. “Ano ba’ng problema mo? Puwede ba? May klase pa ako,” inis kong sambit sa kaniya. Nilapitan niya ako kaya napaatras agad ako. “Acting tough? Sino ba ang ipinagmamalaki mo? That bastard you are with earlier?” matigas niyang saad. Kaagad na kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Huwag mong idadamay si, Sir Manuel sa kabaliwan mo,” asik ko. Ngumisi lamang siya. “So, the name’s Manuel,” saad niya. May kakaiba sa ngiti niya. Nayakap ko nang mahigpit ang hawak kong record book at napatingin sa baba. Hindi ko kayang tanggapin ang tingin niya. Malamig iyon at malalim. “I just let you off for a week, pero hindi ko sinabing makipaglandian ka sa katrabaho mo,” wika niya. Natawa ako nang pagak at sinalubong ang tingin niya. He’s getting into my nerves. “Who are you?!” nangigigil kong sambit. Gusto ko siyang sampalin at pagtatadyakan. Gusto ko siyang sumbatan at pagsalitaan nang masakit. Ang dami kong gustong sabihin subalit ni isa wala akong masabi dahil sa wala akong sapat na lakas para sabihin iyon. Kahit ano ang tapang-tapangan ko alam kong babagsak pa rin ako sa demonyong ito. Alam kong kaya niyang gawing miserable ang buhay ko. Kaya’t hangga’t maaari kailangan kong sumunod sa akung ano ang gusto niyang mangyari. Hawak niya sa leeg ang pamilya ko. “Sarissa,” saad niya. Kaagad na natuod ako nang inilapit niya ang mukha niya sa leeg ko. Napapikit ako at pigil ang hininga nang maramdaman ang labi niya sa leeg ko. “A-ano’ng ginagawa mo?” takot kong ani. Ilang saglit lang ay hinaplos niya ang mukha ko. Magaan iyon subalit ang kamay niya ay halatang walang pag-iingat. Bumaba iyon hanggang sa labi ko. Mabilis ang paghinga ko habang nakatingin sa kaniya. Kunot ang kaniyang noo at matamang nakatitig sa labi ko. “I’m marking you. Pagmamay-ari na kita,” saad niya na ipinagtaka ko. Napalingon ako sa likod ko at tiningnan ang leeg ko sa salamin. Nanlaki ang mata ko nang makitang may kiss mark iyon. Galit na tiningnan ko siya at malakas na sinampal. “How dare you?! Alam mong guro ako! Alam mong may klase ako!” singhal ko sa kaniya at tiningnan ulit ang leeg ko t’saka mahinang hinawakan iyon dahil medyo masakit pa. Ilang sandali pa ay muntik na akong mapasigaw nang padaskol niya akong hinila at sinibasib ng halik. Nanlaki ang mata ko at napahawak nang mahigpit sa braso niya. I am trying so hard to get away with it but his grip tightened. Mahigpit na hinawakan niya ang likod ng ulo ko at pinilit na pasukin ang loob ng bibig ko. Nalasahan ko ang sarili kong dugo dahil sa marahas niyang galaw. Tumulo ang luha ko at hinayaan na lamang siya. Ilang minuto rin bago niya ako tinigilan. Ngumisi siya at nagsindi ng sigarilyo t’saka ibinuga ang usok niyon sa mukha ko. Napaubo ako sa ginawa niya. “I am hell, Sarissa don’t forget that. Huwag mo na rin akong galitin pa ulit. I am being gentle to you now, but once you annoy me again. I’ll teach you a very important lesson so as that Manuel, you understand?” malamig niyang wika at umalis na. Naiwan naman ako sa loob ng CR at hinayaan ang sariling umiyak. I feel so helpless. Wala na akong ibang maisip na gawin kung hindi ang magtigas-tigasan. Inayos ko ang sarili ko dahil late na ako sa first period. Tiningnan ko ang leeg ko at kinuha ang concealer. Kulay violet-red na iyon. Mabuti na lamang at mahaba ang buhok ko kaya kilangan ko iyong ilugay. Hindi tumalab ang concealer kaya kinuha ko na lang ang band-aid ko. Pinunasan ko ang luha ko at ang aking labi. Nagmumug din ako nang ilang ulit. Namamaga iyon dahil sa halik niya. Suminghot ako at hindi na hinayaang tumulo ang luha sa aking mata. Nagmumukha lang akong katawa-tawa. Ano ba ang magagawa ko laban sa kaniya? Gustuhin ko mang lumayo, ang pamilya ko naman ang malalagay sa alanganin. ----------------------------------------------------- Bandang hapon ay sabay kami ni Timmy na umuwi. Pagod na pagod ang pakiramdam ko. Gusto ko na lang humilata. Pagkauwi ko sa apartment ay hindi na ako nakapagbihis pa. Dumeritso na ako sa kama at natulog. Bandang alas-siyete ay nagising ako dahil sa malakas na kalabog. Napatingin ako sa pintuan ng kuwarto ko nang bumukas iyon. Nakatayo ang binatang si Leon at bago niyang kasama. “Mag-ayos ka at isasama ka ngayon ni, Boss,” wika niya. Kumunot naman ang noo ko. “Bilis na! Huwag mong pinaghihintay si, boss,” matigas niyang saad. Galit na tiningnan ko lamang siya at sumunod. Hindi ako makareklamo dahil may mga armas sila sa tagiliran. Pakiramdam ko ay ginagawa akong hayop ni Infernu. Bwesit siya! Sinira niya ang buhay ko. Matapos kong magbihis ay lumabas na kami. Saktong wala na ring masiyadong tao sa labas ng apartment. Sumakay kami sa isang kotseng mamahalin. Tahimik lamang ako habang nakatingin sa labas. Hindi ko lubos maisip na sa isang beses kong pagkakamali habang-buhay ko iyong pagsisisihan. “Baba,” aniya. Napatingin naman ako sa labas at malaking bahay iyon. Sa tingin ko ay isa iyong mansiyon. “Ano pa ang itinutunganga mo riyan? Labas na,” malditong saad nu’ng Leon. Sinamaan ko lamang siya ng tingin. Baka masuntok ako nang wala sa oras. Sa lawn ng mansiyon ay nakatayo si Infernu at nakasuot ito ng mamahaling suit. Hindi ko alam kung saan ang punta namin pero sa klase ng ayos niya ay parang galing ito sa party o business meeting. Humihithit na naman siya ng sigarilyo. Pabalyang itinulak naman ako nu’ng Leon kay Infernu. Binugahan na naman ako ng bwesit sa mukha. Napaubo naman agad ako. Tiningnan niya lang ako at hinawakan nang mahigpit sa kamay. Inapakan niya ang sigarilyo niya at tinanguhan si Leon. Umalis naman ito kaagad. “Nagpapahinga na ako sa apartment ko. Ano ba ang kailangan mo sa ’kin? Hindi naman siguro puwedeng kahit kailan mo ako puwedeng istorbohin,” saad ko sa kaniya. “I just want you. Do you have a problem with that?” sagot niya sa ’kin. Napipilan naman ako. “I admire you,” wika niya. Napatingin naman ako sa kaniya at kinunutan siya ng noo. “You really love your family,” dagdag niya pa. Nagtatakang tiningnan ko naman siya. “And I’m sure they love you.” “Oo naman, mahal ako ng pamilya ko at mahal ko rin sila. Ikaw, halatang kulang ka sa pagmamahal at aruga dahil masama kang tao. Kahit kailan hindi ka makakakita ng taong magmamahal sa ’yo dahil isa kang manipulator. Mayaman ka lang pero hindi ka mahalaga. Kahit kailan hinding-hindi ka mamahalin ng mga taong nakapaligid sa ‘yo dahil masama kang tao. Hindi ka tao, kung sa tingin mo nakakalalaki ang ginagawa mo sinasabi ko sa’yo. Hindi ka lalaki at lalong walang magmamahal sa ’yo. Nahihinuha kong tatanda kang malungkot at walang kasama,” matigas kong wika. Tahimik lamang siya at hindi ako tinitingnan. Hindi ko alam kung galit siya sa ’kin o nasaktan siya sa sinabi ko. Natigilan ako nang makitang gumagalaw ang balikat niya. Nagkaroon naman ng pag-asa ang puso ko. Umiiyak ba siya? Ilang sandali pa ay lumingon siya sa ’kin at tinawanan ako. Kaagad na nawala ang pag-asang iyon sa puso ko--napakahayop. Gumagalaw ang balikat niya at parang mamamatay na siya katatawa. Hindi makapaniwalang nakatingin lamang ako sa kaniya. “Did you really think that I care?” natatawa niyang tanong sa ‘kin. “I was seven when I held a gun. I was raised to be heartless, Sarissa. Sa tingin mo ba madadale ako sa mga sinabi mo? Come on, Sarissa. I am not named Infernu for nothing. I don’t need someone to love me. Women worship me,” proud niyang sabi. “Don’t even question my manhood, because you would beg for it once you taste it,” dagdag niya pa. “Ang kapal ng mukha mo! Hinding-hindi ako magkakagusto sa demonyong tulad mo!” singhal ko sa kaniya. Nginisihan niya lang ako. “You think I care?” sagot niya. Kaagad na natawa ako nang pagak. “Let’s go, I’m bored,” saad niya at hinila ako. “S-saan tayo pupunta?” kinakabahang tanong ko. Hindi siya nagsalita at pumunta lamang kami sa malaking garage. Sumakay kami sa kotse at nagmaneho na siya paalis. “May klase pa ako bukas,” saad ko sa kaniya. Kahit na alam ko namang wala siyang pakialam ay sinabi ko pa rin. Baka sakaling magkaroon siya ng konsiderasiyon sa trabaho ko. “I have a lot of money, Sarissa,” wika niya. “Kaya kong pagpaguran ang pera ko. Hindi ko kailangan ang pera mo. Isaksak mo iyon sa baga mo,” inis kong sagot. “Sinabi ko lang naman na marami akong pera hindi ko sinabing bibigyan kita,” natatawa niyang sagot. Napakurap-kurap naman ako sa hiya sa kaniya. Mukha ngang naging impulsive ang bibig ko. “But if you need one, just tell me. Any amount, ibibigay ko,” dagdag niya pa. Hindi na ako nagsalita pa. Napatingin lamang ako sa labas ng sasakyan. Patuloy pa rin siya sa pagmamaneho. Hindi ko alam kung saan ang punta namin. Ang alam ko lang ay kailangan kong tumahimik dahlia mabilis siyang mapikon. Kailangan ko ring makahanap ng tamang tiyempo para pag-isipan ang mga hakbang na kailangan kong gawin. Hindi puwedeng maghihintay lang ako kung kailan siya magsawa sa ‘kin. Paano kung papatayin niya ako pagdating ng panahon? Paano kung huli na ang lahat? Ilang saglit pa ay huminto kami sa malaking building. May nakalagay na Trips Club kaya sa tingin ko ay isa itong bahay aliwan. Kaagad na nag-aalangang tinignan ko siya. “Alam kong nag-aalangan ka dahil teacher ka. You’re not supposed to be here. Bawal iyon at makasisira sa record mo, of course. You are an educator a role model to your students,” nakangisi niyang saad. Halata ang pang-uuyam sa mga mata niya. “Are you insulting my profession?” inis kong tanong. Hindi naman siya sumagot. “The last time a teacher f****d up with me, my friends didn’t hesitate to wring his neck,” saad niya. Kaagad na natigilan naman ako sa sinabi niya. “Huwag mo akong takutin,” matigas kong saad. “Bakit? Natatakot ka na ba?” sagot niya. “Don’t be scared yet, Sarissa. Just do what I wanted you to do. Just obey me at wala tayong magiging problema. You only saw what I wanted you to see. Don’t beg for more because you wouldn’t like it. Don’t take me to my edge at baka pagsisihan mo,” wika niya at tinalikuran na ako. “Bakit ako? Sa dinami-rami bakit ako pa?” mahina kong tanong. Ngumisi lamang siya at sinagot ako. “Because you’re a virgin. I like it,” aniya pa. Kaagad na naikuyom ko ang kamao ko. Dahil lang doon? Dahil lang sa ganoong rason?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD