Dahil sa try out kanina ay nakaramdam ako ng pagod. Lalo na sa bandang balikat ko. Ginagalaw-galaw ko lang iyon habang naglalakad. Pumasok na ako sa dorm at umupo sa couch. Napasandala ko roon at naipikit ang aking mata. Napalingon lang ako sa pinto nang bumukas din iyon. Kumunot naman ang noo ko. Five pa kasi ng hapon at nandito na si Kuya. Kadalasan kasi ginagabi na siya dahil nagte-training pa sila. Tiningnan niya lang ako at hindi naman siya nagsasalita. Ipinikit ko ulit ang aking mata at may muscle spasm pa ako. Pinilit ko ang sarili kong tumayo at pumasok sa loob ng kuwarto. Kinuha ko ang salon pas sa gilid at inilagay sa aking likod at balikat. Ipinikit ko na ang aking mata at natulog. “Hey,” saad ng mahinnag boses. Pagod na iminulat ko ang aking mata at natigilan. Mabilis na na

