Chapter 37

2013 Words

Pauwi na ako galing trabaho. Hindi na ako nagpakuha pa kay Infernu dahil alam kong busy siya. Naglakad na ako papunta sa waiting shed sa gilid nang may kotseng lumpit sa akin. Kulay pink iyon. Bumaba ang windshield at nakita ko si Asyntha. Nakasuot siya ng shades niya at nakangiti sa akin. Nakaramdam ako ng galit. Hindi ko pa nalilimutan ang ginawa niyang ambush sa bahay ni Infernu. Naikuyom ko ang aking kamao at kinunutan siya ng noo. “Buhay ka pa pala,” saad niya. Nginitian ko lamang siya. “Malakas kapit ko eh, sa susunod siguradohin mo lang na hindi na ako humihinga dahil ako mismo babawi ng buhay mo,” sagot ko. “Oh? Kaya mo?” aniya at tila hindi pa naniniwala sa akin. Napangisi naman ako. “Hindi, pero sa ‘yo oo,” saad ko. Lumabas naman siya ng kotse niya at tumayo sa harapan ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD