Pagkauwi namin sa bahay ay nakaupo lamang kami sa sala. Tahimik kaming lahat at tila nagpapakiramdaman lang. “Ano po ba ang nangyari Pa?” tanong ko. Hindi naman siya nagsalita. “Eh ang papa mo kasi gustong bumili ng maiinom at baka kakoy nauhaw na itong si, Infernu. Tapos nandoon pala si Lando at nag-iinom ng alak,” sagot ni mama. Natigilan naman ako. Nakita ko pa ang pag-iwas ng tingin ni papa. Napatingin ako kay Infernu na nakangiti lang. Maski ako ay napangiti na rin. Kunwari pa kasi si papa eh. Halata namang nag-aalala rin siya kay Infernu. “Ahem.” Napatingin naman kami sa kaniya. “Hindi ko alam kung ano ang kaya mong ibigay sa anak ko at sa aking mga apo. Pero huwag mong sasayangin ang tiwala ko sa ‘yo. Umaasa akong pagkatapos ng mga problema mo ay unahin mo na ang magiging

