Naglalakad ako ngayon papunta sa next subject na pagtuturuan ko nang matigilan ako. Nakita ko ang damuhong si Leon sa isang bench at naninigarilyo. Napakahayop ng gago. Nilapitan ko siya at sinita. Ano kaya ang ginagawa nito rito? “Nasa loob ka ng campus. Hindi ka ba nakapag-aral at mukhang wala kang GMRC,” asik ko sa kaniya. Sinamaan niya lang ako ng tingin at hindi nakinig. Ayaw talagang makinig ha. “Isusumbong kita kay, Infernu,” matigas kong wika. Mabilis na inapakan naman niya ang sigarilyo at mukhang puputok na ang bunbunan niya sa inis. “You b***h!” malutong niyang sabi. Nginisihan ko lang siya at inirapan. Tinalikuran ko na rin dahil bwesit siya. Pagkatapos ng last period ay bumalik na ako sa faculty. Wala pa si Timmy kaya tiningnan ko na lang muna nag mga pinasagutan ko sa

