Maaga akong nagising at talagang wala akong sapat na tulog dahil naiisip kong baka bumulaga na naman ang damuho. Mabuti naman at umalis nga pero ako naman ngayon ang hindi nakatulog. Naligo na ako at nagbihis. Pagkatapos ay umalis na rin at pumunta ng building. Binati ko ang guwardiya at pumasok na sa loob. May mga nakasabay pa ako sa lift at wala naman akong kilala miski isa kaya tahimik lang ako sa gilid. Kita ko ang mga tingin nila sa akin. Nagre-reflect kasi sa loob ng lift. “Ikaw iyong new secretary ni, Sir Axl ‘di ba?” aniya. Napatingin naman ako sa kaniya at mahinang tumango. Napailing naman siya. “Sana tumagal ka sa kaniya. Kasi marami ang nag-resign, wala pang tumagal ng tatlong buwan diyan,” saad niya. Napakunot noo naman ako. “Bakit?” tanong ko. “Actually, hindi naman si

