Nakipagpalitan pa siya ng putok sa kalaban at lumabas ng warehouse. Mabilis na pinaputukan niya ang likod ni Leon nang makitang muntikan na ito. Nilapitan niya ang binata at natawa nang makitang buhay pa rin ito at humihinga kagaya niya. May dugong umaagos sa tagiliran nito at sa noo. “I-inuntog mo ba s-sarili mo?” natatawa niyang tanong dito. Nahihirapang tumawa naman si Leon. “T-tang ina mo b-boss,” nahihirapang sagot nito. Napasandal naman si Infernu sa kotse at napapikit. Nag-aalala siya kay Leon na namumutla na. “H-huwag kang s-sumuko. Baka sa karibal mo ikasal si, Louisse,” sambit ni Infernu. Napamulat naman si Leon at itinaas ang duguan niyang kamay t’saka pinakitaan ng middle finger ang boss niya. Napatingin naman sila sa harapan nila. Nandoon si Simon at nakahandusay pero ka

