“Sarissa!” Mabilis na naitulak ko si Infernu nang makarinig ng sigaw mula sa b****a ng pintuan namin. Napatingin ako roon at nandoon ang kaibigan kong si Pal-ang. Nakangisi subalit unti-unting nawawala iyon sa labi niya nang makita si Infernu sa tabi ko. Napatingin ako sa kaniya. He looks pissed. Kunot na kunot ang noo at gumagalaw ang panga niya. “P-Pal-ang,” kinakabahan kong saad. Lumapit naman siya sa amin at parang naengkanto pa habang nakatingin kay Infernu na ngayon ay nakaupo na. Lumalabas ang ugat sa kamay niya at tila ayaw na ayaw ang presensiya ni Pal-ang. Mapangsuri kasi itong kaibigan ko at talagang prangka. “Ang pogi naman nitong jowa mo, Sis. T’saka afam pa talaga ha. Grabe ang kamandag mo girl. Iyong kanina pala, muntikan na kayong magchukchakan ano?” kinikilig niyan

