🧛🏻♂️ CHAPTER 1🧛🏻♂️
Anak, maayos na ba ang pakiramdam mo?” nag-aalalang tanong ni Mama at inabot sakin ang baso ng tubig.
Tumango naman ako at ngumiti.
“Ayos na po ako, Ma. Hindi na masakit ang ulo ko.”
Kanina kasi ay parang binibiyak ang ulo ko sa sakit tapos may dugo pang tumulo kaya nag panic si Mama. Idadala sana niya ako sa hospital pero hindi ako pumayag.
Ilang taon ko na itong nararamdaman na araw-araw nalang sumasakit ang mga katawan ko kahit wala naman akong ginagawa.
Simula ng tumuntong ako ng labing-walong taong edad ay ganito na ang mga nangyayari sakin at minsan din ay hindi ko maintindihan kung bakit humihina ang katawan ko.
Parang may gustong puntahan ang puso ko.
Napabuntong hininga naman si Mama, “Ano kaya kung pumunta tayo sa probinsya para ipakunsolta ka sa Lola mo?”
Napatahimik naman ako.
Si Lola ay may mga alam sa mga engkanto, sa mga hindi nakikita ng tao at lalo na sa mga bampira.
Makakatulong kaya si Lola sa mga nararanasan ko ngayon?
Sa Probinsya namin ay ang mga tao dun ay mga naniniwala sa bampira pero dahil sa Maynila ako lumaki ay hindi ako naniniwala sa mga ganyan.
Hindi naman kasi kapani-paniwala ang nga pinaniniwalaan nila. Nasa modern na panahon na kami ngayon at ang mga bampirang iyan ay hindi na nabubuhay sa panahon na ito pero ewan ko ba kung bakit may mga tao pa ring naniniwala na nag-e-exist sila lalo na ang mga matatanda.
“Sabihin mo lang sakin kung may sumasàkit sayo, Avril.” paalala ni Mama ng maka-upo kami sa pwesto namin dito sa bus.
Tumango naman ako at tumingin nalang sa labas.
Papunta na kami ngayon sa Probinsya na kinalakihan ni Mama.
Ayaw ko sanang pumunta dun dahil natatakot ako kay Lola. Minsan kasi ay may mga pinagsasabi yun na hindi ko maintindihan tapos bigla nalang sisigaw.
Pero wala naman akong magagawa kundi ang pumunta sa lugar na iyun dahil gusto ko ding masagot ang mga katanungan ko.