DISCLAIMER: This is a Work of Fiction, characters, names, events, occasions, incidents, laws, crimes, some places, and
businesses are the products of author's imagination. Any resemblance of any person, living or dead or actual incidents are purely coincidence.
Hello, this story is not edited, so expect a lot of typographical and grammatically errors, I'm not a professional writer and yeah, of course, don't expect too much.
*-*
PROLOGUE;
Ashiana Allison Shakespeare.
Hindi lahat pantay-pantay. Bawat nilalang sa mundong ito ay may pagkakaiba. May mayaman, may mahirap, 'di ba?
"Ashiana!" Napakunot na lang ang noo ko at masamang tumingin sa pintuan ng kuwarto ko, padabog kong itiniklop ang hawak kong libro bago ako tumayo. Nakataas ang kaliwang kilay kong pinagbuksan ng pinto si Nanay Linda, katulong namin.
"Jusko, bata ka! Anong oras na?! Buong hapon ka na lang nakakulong sa kuwarto mo!" Panenermon niya sa akin.
"Tignan mo nga 'yang katawan mo, pawis na pawis ka! Maligo ka na, darating na ang Mommy at Daddy mo!" I took a deep breath bago ko siya pagsarahan ng pinto.
How pathetic.
Napahikab na lang ako at kinuha ang tuwalyang kanina pa nakahanda sa ibabaw ng kama ko bago ako dumeretyo sa bathroom.
Tomorrow's my first day at HU.
Halethon University.
That university looks cool, well, not that bad. I have spent all my time studying here in this mansion since my first grade. I never thought I can afford to study in this mansion with no one else to teach me but my only and brilliant teacher, tss.
Napabuntog hininga na lang ako bago mapapikit. Ramdam na ramdam ko ang pagagos ng tubig sa katawan ko.
Cold as ice.
Ang sarap sa pakiramdaman. Pakiramdaman ko ay nakapagpahinga ako ng kahit na kaunting sandali lang, walang kahit na anong iniisip kung hindi katahimikan at kapayapaan lang.
"Ashiana?"
Nabalik na lang ako sa ulirat nang marinig ko ang malambing na boses ni Mom. At least na-refresh iyong utak ko kahit sandali lang, tsk.
Binalot ko ng tuwalya ang buong katawan ko bago ako lumabas. "Nadyan na, magpapalit lang!"
*-*
Elle.