Chapter 22

1062 Words
SABADO NG GABI... NAKAHANDA ang truck na maghahakot ng mga gamit nila. Panay hakot na sina Mama, Papa at Kuya Patrick kasama rin tumulong si Frank sa paghahakot ng gamit nila. Nang mahakot na lahat sumakay naman na sila sa L300 Van. Sasakyan iyon ng Uncle Mando niya, kapatid ni Papa. Nauna na sumakay sina Mama habang siya nakahawak kamay pa rin kay Frank. "Sige na sakay na. Magka-chat naman tayo palagi. After ko makapag enroll dadalawin kita sainyo, hmm," ani ni Frank. Malungkot na tumango siya. "Walang wifi don, pa-expired na ang data ko–" ungot niya. "Loadan kita ng pang one week data." "Sure ka dadalawin mo ako?" "Oo naman. Tingin mo matitiis kitang hindi makita? Kung pwede lang iuwi ka sa bahay e, ginawa ko na–" Umingos siya. "Hindi mo pa pwedeng gawin 'yon, Babe." "Hindi pa sa ngayon, pero gagawin ko 'yon." "I love you.. ngayon pa lang miss na kita." Niyakap siya ni Frank at hinaplos ang buhok niya. "Love you too, kung pwede lang pabagalin ang oras, ma-mimiss kita ng sobra, Babe." "Hoy tama na 'yan– paawat kayo," sita ni Kuya Patrick habang salubong ang kilay. "Tara na, bunso." Ayaw man niya pero siya na ang kusang kumalas sa pagkakayakap kay Frank. Ngumiti siya. "Bye na. Chat chat ha." Nang tumango ito saka siya sumakay ng van. Umandar na ang sasakyan pati na rin ang truck na nasa unahan lang ng van. Tahimik lang siya sa buong byahe. Busy siya sa pag-chat kay Frank kahit si Kuya Patrick busy rin habang hawak ang cellphone. Inabot sila ng halos isang oras mahigit sa byahe. Sa wakas nakarating na rin sila sa Brgy. Kaypian SJDM, Bulacan. Malapit ang nilipatan nilang bahay sa mismong baranggay hall. Isa-isa nang pinagtulungan nila Papa, Kuya at Uncle Mando ang pagbubuhat sa ilang gamit nila. Samantalang, si Mama panay na rin ang linis at siya naman inaayos na niya ang mga damit nila para ilagay sa aparador at drawer. Sakto lang ang bahay. Bungalow style. Hindi maganda, hindi rin pangit. Pabulok na ang gate at maraming dumi ng aso sa labas. May dalawang kwarto. Sa isang kwarto sila tumuloy, mayroon double deck bed at isang double size foam sa sahig. Sa kabilang kwarto kasi ay kay Uncle Mando at sa bagong asawa nito. Namatay na kasi ang unang asawa ni Uncle Mando, kaya nag asawa uli ang kaso... ang bata pa ng babae, tingin niya nasa 30's pa lang ito. "Nak, sa taas ka ng double deck.. si Kuya mo rito sa ibaba tapos dito kami ni Papa mo sa sahig," ani ni Mama na ikinatango niya lang. Madaling araw na sila natapos sa pag aayos ng mga gamit. Mabuti na lang at wala pang pasok. Nakapag enroll na sila ni Kristine sa Fatima at sa June pa ang start ng klase. May isang buwan pa para makapaghanda. "Bunso, ayos ka lang ba sa taas? Gusto mo palit tayo?" untag ni Kuya sa kanya. Tumaas ang kilay niya. "Kuya, sa laki mo hindi ka kakasya rito– okay na ako rito." Binato siya ng unan ni Kuya pero hindi naman siya natamaan. "Maglalagay na lang ako ng kurtina dyan sa taas ng higaan mo, Nak," sambit ni Mama. "Sige, Ma." "Matulog na kayo–" Nahiga naman na siya patalikod. Si Papa at Uncle Mando ay nag iinuman sa labas ng bahay kaya hinayaan na lang ni Mama ang mga ito. Medyo nahihirapan siyang makatulog. Naninibago pa siya dahil nasanay sya na may sariling kwarto. Maingay ang paligid, dinig na dinig niya ang kada salita, hakbang at pagbukas ng pinto sa paligid. Napabuntong hininga na lamang siya. Nagsuot na lang siya ng earphone at nagpatugtog. Tulog na rin kasi si Frank kaya hindi na ito nag-chat pa. Kinabukasan pagkagising niya, wala na si Kuya Patrick. Maaga itong umalis dahil may aasikasuhin ito sa school nito. Samantalang si Papa, nakahilata pa rin dahil lasing. Si Mama naman naabutan niyang palabas ng bahay. "May bilhin lang ako sa palengke, Nak. Mag timpla ka muna ng milo mo diyan–" Simpleng tango lang ginawa niya. Inaantok pa nga siya dahil naninibago pa siya di sya nakatulog ng maayos. Dumiretso na lang muna siya ng banyo para maligo na. Mainit din kasi di siya inaabot ng electric fan. Nasa loob na siya ng banyo, nagsasabon na siya ng katawan nang biglang gumalaw ang doorknob ng pinto. Nagulat siya, binundol ng kaba ang dibdib niya. Sinong nagpipilit buksan ang pinto? naka-lock naman iyon at naka-barrel bolt lock pa kaya di agad mabuksan. "M-May tao–" hiyaw niya sa kung sino man ang nasa labas. Subalit imbes tumigil, pilit pa rin nito binubuksan ang pinto. "M-May tao po– Papa?" sigaw niya uli ngunit hindi nagsasalita ang tao na nasa labas. "P-Papa?? Papa ! Papa !" sigaw niya nang malakas, don lang tumigil ang tao na nasa labas. Nakiramdam muna siya. Huminga siya ng malalim nang makasiguro siyang wala ng bumubukas ng pinto. Tinapos na niya agad ang pagligo, mabuti na lang at may dala siyang bihisan, nagbihis na sya agad. Pabalibag niyang binuksan ang pinto. Luminga-linga siya. Sinilip ang kwarto nila, naroon pa rin si Papa, nakahilata. Napansin niya si Uncle Mando na nasa labas nagkakape na. Si Uncle Mando kaya yon? O baka naman ang asawa nito? Pero bakit ayaw magsalita at nagsabi naman siyang may tao pa, ngunit ayaw pa rin tumigil sa pagpihit ng doorknob. Nanatili lamang siyang nakatayo malapit sa pinto. Mayamaya pa ay lumingon si Uncle Mando sa kanya saka ngumisi. "Ay, gising na pala ang magandang pamangkin ko. Almusal ? May pancit at palabok sa kanto, gusto mo ba?" kakaiba ang kislap sa mga mata nito pati paraan ng ngiti nito. Hindi siya natutuwa sa nararamdaman niya. Tumataas ang balahibo niya. Hindi nya gusto ang tabas ng ngiti nito pati ang paraan kung paano siya nito tignan lalo na sa bandang hita niya dahil nakasuot siya ng short. Umiling siya. "Hindi po ako sanay mag almusal. Mamaya na lang po," magalang na tanggi niya saka pumasok sya sa kwarto. Sinipa niya si Papa sa binti bago siya humiga sa kama ni Kuya Patrick. "Papa ! Pa ! Gising !" tawag niya at pilit ito ginigising subalit walang katinag tinag pa rin ito. Napapailing na lamang siya. Mukhang di magiging maayos ang pagtira nila dito, nararamdaman niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD