bc

LOVE AT FIRST FIGHT (Completed)

book_age18+
82
FOLLOW
1.7K
READ
family
HE
opposites attract
neighbor
sweet
campus
small town
childhood crush
like
intro-logo
Blurb

"B-Bakit mo ako hinalikan?!" paangil na tanong ni Rainzelle kay Frank."Wala lang. Curious lang ako kung hahalikan mo rin ako kapag hinalikan kita."Sa galit at inis, sinuntok niya si Frank pero nakailag ito."Hindi pwede wala lang! Gagó ka!"Nagkibit balikat lang si Frank."Sige, hinalikan kita kasi tinadhana talagang mag-kiss tayo," nakangising tugon nito na may nakakalokong tingin pa."Ang pangít mo makipag-flírt, Frank! Pang grade one!" gigil na sigaw ni Rainzelle saka tinalikuran na ang binata.Naririnig pa niya ang pang demonyóng halakhak ni Frank habang naglalakad na siya pabalik sa bahay nila.Kailan ba niya hindi makikita ang sirauló na 'yon? Simula yata kinder lagi na lang nagkakasalubóng ang landas nilang dalawa.Paano ba naman, nasa iisang baranggay lang naman sila, halos tatlong bahay lang naman ang pagitan ng bahay nila sa bahay nila Frank at ang masaklap, magka-maritesán pa ang Mama niya at Mommy ng binata.Dapat talaga mag asawa na siya para makaalis na siya sa pamamahay nila ! Tama ! Nasa husto edad na siya, kaya na niya bumuo ng pamilya at bumukod sa magulang niya. Go Rainzelle !!

chap-preview
Free preview
Prologue
"B-Bakit mo ako hinalikan?!" paangil na tanong ni Rainzelle kay Frank. "Wala lang. Curious lang ako kung hahalikan mo rin ako kapag hinalikan kita." Sa galit at inis, sinuntok niya si Frank pero nakailag ito. "Hindi pwede wala lang! Gagó ka!" Nagkibit balikat lang si Frank. "Sige, hinalikan kita kasi plan ni Lord 'yon, humarap ka e," nakangising tugon nito na may nakakalokong tingin pa. "Ang pangít mo makipag-flírt, Frank! Pang grade one!" gigil na sigaw ni Rainzelle saka tinalikuran na ang binata. Naririnig pa niya ang pang demonyóng halakhak ni Frank habang naglalakad na siya pabalik sa bahay nila.Kailan ba niya hindi makikita ang sirauló na 'yon? Simula yata kinder lagi na lang nagkakasalubóng ang landas nilang dalawa. Paano ba naman, nasa iisang baranggay lang naman sila, halos tatlong bahay lang naman ang pagitan ng bahay nila sa bahay nila Frank at ang masaklap, magka-maritesán pa ang Mama niya at Mommy ng binata. Dapat talaga mag asawa na siya para makaalis na siya sa pamamahay nila ! Tama ! Nasa husto edad na siya, kaya na niya bumuo ng pamilya at bumukod sa magulang niya. Go Rainzelle !! ****** BACK TO THE COMMENCEMENT... Siya si Rainzelle Floralde, Rain for short, seventeen years old at kasalukuyan nasa grade 12 na siya sa San Agustin Senior High School. Isang taon na lang ... nasa legal age na siya. Sa wakas! Habang nagmumuni-muni at tinitignan ang pag ikot ng washing machine, tumunog ang cellphone niya. Notification iyon. Isang 'Haha' emoji ang reaksiyon ni Frank Mattrex Dela sa posted video niya na sumasayaw siya. Umingos siya. Kahit kailan talaga walang alam na emojí ang kutóng lupa na 'yon. But anyways, 'di siya apektado. Marami na siyang nakuhang likes and heart emoji's na umabot na sa 80K. See? Spell, famous. R.A.I.N ! Of course, pag sayaw ang pinaka-talent niya. Mula yata elementary to highschool, lagi siyang kasali sa mga dance group contest sa school. Sobrang love na love niya ang pag sayaw. "Rain, pagtapos mo diyan magsaing ka na rin ha, tapos pakainin mo si Poochie at saka ibigay mo ito ulam na Laing kina Tita Fely mo." Utos ni Mama at lalabas na ng bahay. Si Tita Fely ang Mommy ni Frank. Kapitbahay namin sila. "Ma?!" Habol niyang sigaw. Lumingon naman si Mama sa kaniya. "Oh?" Kumunot ang noo niya. "Lalabas ka na rin naman, ba't di na lang ikaw ang magbigay kina Tita Fely ng ulam," maktol niya. "Nagmamadali ako, Rain. Ikaw na ang mag abot." Wala na siyang nagawa kun'di ang bumuntong hininga. Dapat pag araw ng sabado, nakahilata lang siya maghapon e', ang hirap talaga pag walang choice sa buhay kun'di mag paalipin. Nang huminto sa pag ikot ang washing machine, isa-isa niyang inalis ang laman saka nagsalang uli ng panibagong batch labahan. Babanlawan na niya ang first batch sa banyo ng biglang sumingit ang Kuya Patrick niya papasok ng banyo at mabilis na sinara. "Kuya! E-erna ka? Ayos-ayusin mo baka matalsikan 'yon mga damit sa timba!" singhal niya. "Buhusan mo ng maayos 'yan!" Hindi ito sumagot. Napaupo na lang muna siya sabay dampot uli ng cellphone. Pa-scroll scroll lang siya hanggang sa bumukas na uli ang banyo. Umalingasaw ang di kaaya-ayang amoy. Literal na amoy taé talaga. "Gumuguhit ang amoy ah. Isang buwan ka bang hindi nakadumí, Kuya?! Daig mo pa ang kumain ng isang tray ng nilagang itlog," sikmat niya ng nakatakip ang isang kamay sa ilong. Ngumisi lang ito sa kaniya. "Hindi lumubog, bunso. Pabuhos na lang." Nanlaki ang mga mata niya. Ang mas nakakapanlaki ng mata ay ang patakbo itong umakyat pabalik sa kwarto nito. Anak ng tókwa! "Kuya, nakakadiri ka! Balahura ka! De frutá ka!" Nanggagalaiting sigaw niya. Wala talagang matino sa pamilyang 'to! Lahat may sapi. Lahat mga baliw. Una, ang Papa niya na lasengero pero napaka-sarap magluto at malambing sa kanila ni Mama. Pangalawa, si Kuya Patrick. Brusko. Gwapo. May pagka-sinto-sinto nga lang at isip bata pa rin kahit mas matanda ito ng tatlong taon sa kaniya. Pangatlo, si Mama. Dakilang marites sa baranggay nila, pero wala siyang masabi sa kasipagan nito. Lahat wawalisin hanggang bakuran ni Kapitan, makasagap lang ng tsismis. Pang huli, si Poochie. Well, ang masasabi niya lang. Mana sa kaniya ang alaga nilang aso. Super cute. Isa itong Maltese dog. "Ang lakas ng sigaw mo abot hanggang kanto." Dagli siyang napalingon sa pinangalingan ng boses. Isang matangkad na lalaki, simple lang ang porma nito. Naka-cargo short, plain white tshirt, nakasuot ng baseball cap na yellow. Mapungay ang mga mata, matangos ang ilong, mukhang mabango kahit parang pawis na pawis ito. Nakatayo ito sa hamba ng pintuan nila. Nagpameywang siya. "Kung tapyasin ko kaya tenga mo ngayon?" Hindi nito pinansin ang sinabi niya. Basta na lamang ito pumasok at dumiretso sa kusina nila. Hala, feeling at home! Tsk. Walang hiya. "Ito ba 'yon laing?" Kinuha na nito ang mangkok na nasa lamesa. Tumaas ang isang kilay niya. "Hindi. Fried chicken 'yan." Kibit balikat lang nito kinuha at lumabas na ng bahay nila na parang wala lang. "Thank you, Frank ha! Dahil samin may ulam kayo noh? Sa susunod pag aralan mong kumatok ha? Sayang ka." Gigil na pahabol na sigaw niya. Umingos siya. Wala na. Sira na ang sabado niya. Bawi na lang next saturday? Argh! Padabog na bumalik siya sa banyo. Pag silip niya, wala ng masamang espiritó at walang naman palang multo sa bowl. Tsk! Lakas talagang manggoyo ang Kuya niya. Kaysa ubusin niya ang badtrip niya, uubusin na lamang niya ang labahan nila. Lahat na lalabhan niya, pati kubre kama at kurtina. Hindi man malinis ang budhí nila, at least malinís ang mga damit nila. Pwede na 'yon. Gabi na ng matapos siya sa paglalaba. Kasalukuyang, kumakain na sila ng hapunan sa sala. Oo, pang display lang talaga ang dining table nila. Sa sala talaga sila kumakain habang nanunuod ng teleserye na Probinsyano. Ito 'yon eksena na nabaril si Cardo sa tulay. Napasigaw si Mama at si Papa. Napamura naman si Kuya Patrick. Si Poochie, tumahol. Yes, nanunuod din si Poochie. While me, nonchalant lang. Pero napaisip din ako. Patay na ba talaga si Cardo? After all this years? Gano'n na lang ba 'yon? Sino bang writér ng Probinsyanó, adik ba ito? Napailing siya. Natapos ang palabas ng nakakabitin. Lumabas si Mama ng bahay. Ilan saglit pa, topic na sa buong street nila ang pagkamatay ni Cardo Dalisay. Tsk tsk ! Ang lala nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.5K
bc

His Obsession

read
103.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
29.7K
bc

The naive Secretary

read
69.6K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook