Chapter 1

1424 Words
BUHAY SI CARDO DALISAY... Natuwa sila Mama at Papa, maging ang buong street nila dahil buhay si Cardo Dalisay sa Probinsyano. Panaginip lang pala ang lahat. Umingos siya. Sakto naman dumating ang favorite cousin niya. Si Kristine a.k.a 'Tintin'. "Hi, guys! It's me Kristine–" Nagmano naman ito kaagad kina Mama at Papa saka tumabi ng upo sa kaniya sa sala. Taga Nova Proper ito. Dumadayo pa ito ng San Agustin para maki-WIFI lang samin. "Uso ang load, couzzin. Magic Data." Sinulyapan niya ito na busy na agad sa cellphone at panay ang ngiti. "Ano ba 'yan?" usisa niya. Umusod pa siya para tignan ang ginagawa nito sa cellphone. "Wala 'to. Kalandian lang." Napangiwi siya. Parehas lang sila Grade 12 ni Kristine, pero magkaiba sila ng school. "Puro boys ang inaatupag mo–" "Flirting is my second language." Kinikilig kilig pa ito. Napapailing na lamang siya. "Look, Rain–" inilapit nito sa kaniya ang cellphone. "Si Alvín, Si Zoren, Si Jacob o si Frank?" Nasamid siya sa huling pangalan sinabi nito. Kahit wala siyang iniinom, parang may bumara sa lalamunan niya. "Ba't kasama si Frank?" "Ay, sorreeey. Sa'yo ba 'to? Sige, ipapaubaya ko na sa'yo si Frankie my bebe," magaslaw na sabi ni Kristine. Hinampas niya ito ng throw pillow nila. "Ew. I don't like him like that !" Sa tinagal-tagal na pagkakakilala ko sa mokóng na 'yon. Hindi niya matatanggap na magkakagusto siya isang 'yon. Tumaas ang sulok ng labi ni Kristine. "Couzzin, baka nguyain mo 'yan 'I don't like him like that' mo ha." Inirapan niya ito. "Wala kang taste para isama mo pa siya sa choices mo. Ibahin mo!" Bumunghalit naman ng tawa si Kristine habang siya sambakol ang mukha. Mayamaya pa ay tinawag ni Mama si Kristine. "Tin, kumain ka na ba? May ulam pa rito." Napalingon ang pinsan niya kay Mama sabay takbo palapit rito sa dining table namin. "Ano ulam, Tita kong kasing ganda ko?" Malawak naman na ngumiti si Mama. "Ginisang sayoté at pritong galunggong." "Wow, GG ! Kakain po ako." Naiiling na lamang siya uli. Inilipat niya ng ibang palabas ang youtubé video na pinapanuod nila sa TV. Jessica Soho na lang nga. Napabuga siya ng hangin. Mayamaya pa ay may kumatok sa nakabukas namin pinto. Nalukot ang noo niya. "Frank !" tawag ni Mama sa nakatayong binata sa hamba ng pinto namin. May hawak itong malaking plato. "Pinabibigay po ni Mommy. Carbonara po." Lumapit si Mama sa binata pero imbes kunin ang plato, hinila nito si Frank papasok sa bahay diretso sa komedor. Inilapag naman ni Frank ang plato sa lamesa, saka nagmano kay Mama, at lumapit rin kay Papa para mag mano. May hang over si Papa kaya patay malisya lang siya nakaupo kanina pa sa pang isahang sofa. Lumipad ang tingin nito sa gawi niya. Tumaas ang kilay niya. Tinaasan din siya nito ng kilay. E' 'di sige. Pataasan ng kilay na lang. "Salamat kamo kay Mommy mo, Frank. Sinong may birthday?" Pukaw ni Mama sa tagisan namin ng tingin ni Frank. "Wedding Anniversary lang po nila Mommy at Daddy kaya po napaluto." Pumalatak naman si Mama. "Ay, naku. Naol. Naghahanda pag anniversary." "Hey, Frankiee bebe. Remember me? Kristine," matamis na nginitian ito ng pinsan niya. "Inadd kita sa Facébook, one year ago na 'yon baka naman pa accept na." "S-Sure. Later." Nagpaalam na rin ito agad at lumabas na ng bahay nila. At saka lang siya tumayo para sumandok ng carbonara na dala ni Frank. Mahirap tanggihan ang grasya lalo na pag favorite pa. ***** LUNES NA LUNES ... BAD MOOD SIYA. NASA school na siya ng magkaroon siya ng 'Red day'. Literal na red pati mata at bumbunan niya nagkukulay pula sa galit. Natagusan ang suot niyang pencil cut na palda. Kulay gray ang palda niya kaya halatang halata. Thirty minutes na siyang nagkakampo sa girl's restroom dahil hindi niya malaman anong gagawin. Nag-chat siya sa kaklase niya pero hindi pa rin na-se-seen, baka walang data. Shít naman! Sumilip siya sa pinto ng banyo. Tinatanaw kung may dadaanan na kakilala niya. Napasimangot siya dahil wala man lang siyang nakikitang dumadaan. 7AM. Nasa banyo pa rin siya. Absent na siya sa first subject niya. Gusto na niyang umiyak at sumigaw ng sakloló kaso nahihiya siya. Napakislot siya ng may kumatok sa pinto ng banyo. "Hoy, Floralde! Nandiyan ka ba? Kanina ka pa hinahanap ng teacher niyo baka–" Walang pag aalinlangan binuksan niya ang pinto. Nagulat siya ng marinig ang boses nito. Hindi niya alam kung paano nito nalaman nandito siya sa banyo. Wala siyang choice kun'di kausapin ito. Kailangan niya ng tulong kahit banas siya sa pagmumukhá nito. Si Frank Mattrex Dela. "I need help." Matigas niyang sabi, nakatingala siya konti rito dahil matangkad ang ungás. Nakapamulsa ito. Nakatayo lang sa labas ng pinto. "Problema mo?" Kakainin na niya ang lahat ng hiya at pride sa kaibuturan niya. "Pabili ako." "Ng?" Tumikhim siya. "N-Napkin." Kumunot ang noo nito. "Wala kang pamunas ng pwét?" tanong nito sabay ngumisi ng nakakaloko. Nangitngit siya subalit pinilit niyang ikalma ang sarili. "Natagusan ako. Wala akong dalang sanitary napkin. Pabili ako. Sa tindahan sa labas ng school." "Ilan?" "Dalawa lang. May wings ha." Seryoso lang ito tumingin sa kaniya at tinalikuran na siya. Napahinga siya sabay sarado uli ng pinto. Nag-cross finger pa siya na sana bumalik ito. Paglipas ng halos bente minutos, may kumatok uli. Pagbukas siya. Inabot kaagad nito sa kaniya ang isang maliit na paper bag. "Thank you." Pumasok siya agad sa cubicle. Isang balot ng modess with wings ang binili nito at hindi lang iyon, may kasama pang wét wipes at extra panty na halatang bagong bili rin. Oh, buti naisip nito na.... small nga lang ang size ng panty. Masikip pero okay na rin. Medium na kasi siya ngayon. Kaso may isa pang problema, ang palda niya na may tagos. Mabilis niyang itinapon ang panty niya sa basurahan. Syempre, binalot niya iyon ng plastik muna. Dirty na. Ayaw na niya dalhin 'yon at ilagay sa bag. Paglabas niya sa cubicle. Nagulat pa siya ng makitang nasa loob na ng girl's restroom si Frank, tila inaabangan siya. "Ayos ka na?" Napangiwi siya. Tumalikod siya upang mapakita rito ang isa pang problema niya. Napabuntong hininga na lamang ito. Hinubad nito ang suot na itim na jacket at walang pag aalinlangan lumapit sa kaniya. Inikot nito ang braso sa beywang niya, dahilan para mahigit niya ang paghinga. Amoy na amoy niya ang hininga nito na amoy max candy. Pinulupot pala nito ang jacket sa beywang niya para matakpan ang tagos sa palda niya. "Papahiram ko sa'yo 'yan. Ibalik mo, okay? Labhan mo bago mo ibalik sa'kin." Tumaas ang kilay niya. "Thank you." Iyon lang ang sinabi nito saka siya iniwan na. Nakangusong lumabas na siya ng banyo at nagtungo na sa classroom. Nagtataka man ang mga classmate niya ba't ngayon lang siya ay hindi na niya pinansin. Wala na siya sa mood. Sirang sira na ang lunes niya. Sa dinami dami ba naman tao na tutulong sa kaniya. Si Frank pa talaga. Tsk ! Nagkaroon tuloy ako ng utang na labas sa taong 'yon. ***** NASA bahay na siya, naabutan niyang may pinagtatalunan sina Mama at Papa. Tahimik lang siya pumasok at umakyat sa second floor ng bahay nila. Kumunot ang noo niya ng masalubong pababa si Kuya Patrick. Hindi ba 'to pumasok sa school? Nakagayak ito tila may lakad. "Bunso, palinis ako ng kwarto ko mamaya." Humaba ang nguso niya. "Magkano?" Ngumisi ito. Alam na nito na hindi siya kikilós ng walang bayad. Ano siya timáng? Nag abot ito ng 200 na buo sa kaniya. Abot tenga ang ngiti niya at tinanggap iyon. "May date ka, Kuya?" "Sunduin ko si Tony. Kaya dapat pag uwi ko malinis na ang kwarto ko." Hmm, si Tony ang current girlfriend ni Kuya Pat. Sa may Fatima ito nag aaral, sa Lagro banda. Ginulo pa nito ang buhok niya bago tuluyan ng umalis. Hindi rin pinansin ni Kuya Pat ang pagtatalo nina Mama at Papa. Sinuksok na niya sa bulsa ang pera at dumiretso na siya sa kwarto niya na nasa bandang dulo. Inalis niya agad ang jacket at hinagis sa kung saan. Naghubad na rin siya at nagpalit ng pajama at malaking tshirt, saka siya lalabas. Nagugutom siya kaya bibili siya sa may 7-11 sa may kanto nila. Trip na trip niya ngayon ang mga toasted sandwhich, parang lahat ng flavor bet niya. Cream cheese pimiento, Sausage cheesemelt, Tuna cheesemelt, Ham cheesemelt at Two cheese Pepperoni. Tsk! Lahat na nga lang...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD