Chapter 2

1315 Words
ISANG GRANDE MATCHA.. Sa Big Brew siya sunod nagpunta, syempre kailangan niya ng panulak. Pabalik na siya sa bahay, kinuha niya ang cellphone na nasa bulsa ng short niya. Sinilip niya ang mga bagong notifications sa social media niya hanggang sa may nabangga siya. Nalaglag ang dala niyang matcha, samantalang ang nakabangga niya nalaglag ang sigarilyo nito. "Tang*iná !" singhal ng lalaking may maraming tattoo sa braso pati sa mukha. Umasim agad ang mukha niya. Sumulyap siya sa matcha niya na natapon, at matalim ang mga matang tinapunan niya ng tingin ang lalaki. "Duling ka? 'di ka man lang tumitingin sa dinadaanan mo?!" sikmat niya. Anong akala nito, matatakot siya dahil lang sa maraming tattoo ito. Hmp! "Hoy, pandak na babae! Ikaw ang bumangga sa'kin. Tangá!" Aba't pandak na babae? Tangá? Sino siya? Hinawi niya ang mahabang buhok niya, saka niya tinaas ang manggas ng suot niyang tshirt. "Excuse me? Kung tangá ako, ano pa ang tawag sa'yo? Bobó?" angil niya sa mukhang adîk na 'to. Kitang kita niya ang pagdilim ng mukha ng lalaki, humakbang ito papalapit sa kaniya at akma siya hahawakan ng may humawak sa balikat niya mula sa likuran. "Igop, may problema ba?" maaligasgas ang boses ng lalaki sa likod niya. Kilala niya kung sino iyon. Si Frank. Parang nahimasmasan ang lalaki sa harapan niya, nakilala nito si Frank. "Ssob, ikaw pala 'yan–" "May problema ba?" ulit na tanong ni Frank. Hindi siya makalingon rito para makita ang mukha nito. Naramdaman na lamang niya ang pagpatong ng braso nito sa ulo niya. "Syota mo, ssob?" "Pinsan ko." Tumikwas ang kilay niya. Pinsan? "Tsk! Egul sa insan mo, ang taray." "Mabait 'to pag busog, pasensya na." Naiiling na umalis na lang ang lalaking mukhang adik. Tinabig niya ang mabigat na braso nito sa ulo niya. Dinuro niya si Frank. "Kailan tayo naging mag pinsan ha?" "Ngayon lang." Walang buhay na tugon nito. Naglakad na ito at tigalgal na iniwan siya. "Ayokong maging pinsan ka!" "Ayoko rin." Hindi na lumingon ito, basta na lamang siyang iniwan. Ngumuso siya. "As if, papayag akong maging kasapi ka ng pamilya namin." Nagmadali na siyang bumalik ng bahay. Walang tao. Nasaan sila Mama at Papa? Kibit balikat na naupo na siya sa sala, saka inilabas ang pagkain binili niya sa 7-11. Sayang nga lang at nahulog ang matcha niya. Hindi man lang nag sorry ang adík na 'yon. Pisté! Binuksan niya ang TV at nanunod ng youtubé. Vlog ni Alex Gonzaga ang tríp niyang panuorin. Bukod sa ang wítty nito, tawang tawa siya sa mga pailalim na jóke nito. Hapon na ng umuwi si Kuya Patrick kasama na nito ang GF na si Tony. Nagbatian lang sila saglit at umakyat na ang mga ito. Nalinis naman niya ang kwarto ni Kuya Pat bago siya lumabas kanina. Pinalitan niya ang bedsheet ng kama at punda ng mga unan nito. Kinuha niya ang mga nagkalat na maduduming damit nito. Nag walis siya ng kaunti at nag spray lang siya ng air freshner sa kwarto nito. Pagabi na ng dumating si Mama. May dala itong ulam na dinuguan, menudo, chicken curry at bopis. "Saan galing ang mga ulam, Ma?" Isa-isa na nito nilagay ang mga ulam sa mangkok. "Mag e-extra ako sa karinderya sa may labas ng Metro College. Bukas ang umpisa ko. Bigay lang ito, galing don." "Saan si Papa?" kapagkuwa'y tanong ko. Hindi nagsalita si Mama. Nagsaing na ito. Hindi na rin siya kumibo. Ganoon naman palagi sina Mama at Papa pag nag aaway. Lumalabas talaga si Papa, lumalayo naghahanap ng alak sa kung saan-saan. "Ibigay mo itong menudo at bopís kina Tita Fely mo." Salubong ang mga kilay niya. "Gusto ko ng menudo, Ma." "Eh, 'yon chicken curry at bopís ibigay mo." "Gusto ni Kuya ang bopís," sabat niya. "Dinuguan at Chicken curry na lang." "Nandiyan si Ate Tony. Kakain ng dinuguan 'yon. Iglesia 'yon." Kunot ang noo humarap si Mama sa kaniya. "Chicken curry iabot mo," may bahid na ng inis ang tono ni Mama. "Paano si poochie, gusto niya ng chicken?" "Ginagagó mo ba ako, Rainzelle?!" galit na sigaw ni Mama sa kaniya. "Parang ayaw mong mamigay ng ulam ha." Nakagat naman niya ang pang ibabang labi. Hindi naman sa ayaw niya. Bakit ba kasi kailangan magbigay kina Tita Fely? Wala bang maulam ang mga ito? At saka, kada magbibigay sila ng ulam, magbibigay din sina Tita Fely ng pagkain sa kanila. Walang katapusang bigayan ng ulam! Nakasanayan na kumbaga, simula yata maliit siya palagi na lang siya ang inuutusan ni Mama mag abot ng ulam. Nag aabot din naman sila sa ibang kapitbahay nila, mas madalas nga lang kina Tita Fely. "Ibibigay mo o hindi ka kakain?" Ngumuso siya. Busog pa naman siya. Naubos niya ang toasted sandwhich pero hindi pwedeng hindi siya kakain uli mamaya. Hindi naman siya tumataba, kahit anong kain nga niya. Sambakol na kinuha niya ang chicken curry saka lumabas ng bahay. Kaunting lakad lang nasa pintuan na siya ng bahay nila Tita Fely. Marahan siyang kumatok sa nakasarang pinto. Ang nagbukas ng pinto ay si Tito Matt. Ang asawa ni Tita Fely at Daddy ni Frank. "Oh, Rain. Ikaw pala–" "Gandang gabi po, Tito." Lumuwag ang pagkakabukas nito ng pinto at ngumiti. "Pasok." Pumasok naman siya. Bumalik sa pagkakaupo si Tito Matt sa sofa at nanuod ng balita. Dumiretso siya sa kusina. Alam niya. Kabisado niya ang bahay. "Tita, pinabibigay po ni Mama." Bungad niya ng maabutan si Tita Fely na nagluluto. Matamis itong ngumiti sa kaniya. "Naku, nag abala pa si Mama mo. May niluluto akong sinigang na hipon, baka gusto mo, Rain? Antayin mo maluto para makapagdala ka." See? Give and take ang atake palagi. Pag may inaabot kami, hindi pwedeng wala rin iabot sila. "Favorite ko po 'yan. Sinigang na hipon." Hindi siya tatanggi sa kahit anong sinigang. Miso, hipon, baboy o bangus pa 'yan. G siya ! "Lahat naman paborito mo." Hindi siya lumingon sa nagsalita sa may likuran niya. Maaligasgas na boses nito, kabisado na niya. Ngumuso lang siya. "Oh, Frank– Nak. Gutom ka na?" "Hindi pa, Mommy." Naglakad si Frank patungo sa salas at tumabi sa Daddy nito. Isang karumàl-dumál na balita ang sinapít ng isang dalagita sa bayan ng Sta Lucia, Novaliches, kung saan natagpuan ang walang buhay na katawan ng isang kinse anyos na dalagita sa isang bakanteng lote. Ito'y hinihinalang pinagsamantalahán bago pinatáy at iniwan sa isang madilim na bakanteng lote. Napaupo na rin siya sa sofa at walang malisyang tumabi siya kay Frank habang ang atensyon ay nasa balita sa TV. Pumalatak si Tito Matt. "Nakow! Napaka delikado na talaga ang panahon ngayon. Kaya kayo, 'wag pakalat kalat sa daan lalo pag gabi na." Nakatayo na rin si Tita Fely malapit sa may TV. "Lalo na ikaw, Rain. Mahilig ka pa naman, lumabas at bumili ng dis oras ng gabi sa 7-11 o sa Alfamart," ani ni Tita. Napangiwi siya sabay kamot sa noo. Medyo totoo kasi ang sinabi nito. Ginugutom kasi siya sa gabi, naghahanap siya ng midnight snacks kung minsan. Napatango na lang siya. Inabot naman na sa kaniya ni Tita Fely ang isang malaking mangkok na galing din sa kanila, may laman na iyon na sinigang na hipon. "Salamat, Tita... Tito. Uwi na po ako." "Salamat din kamo sabihin mo sa Mama mo." "Opo, Tita." Nakalabas na siya ng bahay ng mga ito nang mapansin lumabas rin si Frank. Hindi niya ito tinapunan ng tingin, naglakad na siya pabalik sa kanila. Napansin niya lang na nakasunod lang ito sa kaniya, at ng nasa tapat na siya ng bahay nila. Huminto rin ito. Sumulyap siya kay Frank at tinaasan lang ito ng kilay. Anong trip nito? Hinatid ba niya ako? Ang lapit lapit lang ng bahay nila sa isa't isa. Pumasok na siya at walang lingon lingon na sinarado na ang pinto. Sinipat niya ito sa bintana, naglalakad na ito pabalik. Tsk!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD