ARAL O BOYFRIEND?
MEDYO pinagtatalunan pa ng utak niya if magbo-boyfriend na ba siya after senior high school. Maraming mga nagpapalipad hangin sa mga chat, subalit walang naglalakas loob na umakyat ng ligaw sa bahay nila.
Hindi na ba uso 'yon? Kailangan ba sa chat o text magliligawan? Wala na bang lalaking umaakyat ng ligaw sa mismong bahay ng babae? Wala na bang gumagawa non?
"Ang gwapo talaga ni Alvin my labs–"
Napatili pa si Kristine habang nakatitig sa profile picture ni Alvin James Castro.
Kasama niya ang pinsan sa kwarto niya. Kakauwi lang niya galing school kaya nagpunta na naman ito para maki-WIFI.
"Mukha siyang bumbáy," sambit niya ng makita ang picture.
"Gusto ko siya maging boyfriend," ngumuso ang pinsan niya saka nagpagulong gulong sa kama niya na parang bulateng nilagyan ng asin.
"Paano si Zoren?"
Kahapon si Zoren ang gusto nito maging jówa.
Umingos ito.
"Nagbago na isip ko. Hindi raw niya typé ang mga chúbby girl."
"Ay weh?"
Tumango tango ito.
"Kaya kay Alvin na lang ako. Alam mo ba lahat ng naging GF ni Alvin puro mga chúbby. Feeling ko talaga, sasaksés ako sa kaniya. Ready na ako maging GF niya."
Kilig na kilig na sabi ni Kristine.
"Single siya ngayon?" patay malisyang tanong niya habang nanunuod ng youtubé video dance.
"Yup. Nag-change status na siya sa Facébook. Single na siya uli."
"Okay. Goodluck, couz. Sana sumaksés ka sa goal mo."
****
KINAUMAGAHAN.
Maaga siya nagising. 5:30 pa lang ng umaga lumabas na siya ng bahay. Naglalakad lang siya patungo sa school, hindi naman kasi kalayuan.
Yakang-yakang lakarin kumbaga.
Sakto naman na naglalakad rin si Frank. Nasa unahan niya ito, habang siya tahimik lang nakasunod rito.
Patay malisya lang ito naglalakad habang may headset na puti na suot.
Mula kinder, elementary, highschool hanggang senior highschool kaklase niya ito. Ang weird kung iisipin pero totoo. Taon taon na lang nakikita niya ang pagmumukha nito.
Nakakaumay!
Well, aminado naman siyang pinagpala ito sa looks. Matangkad ito. Siguro, mga 5'9 o 5'10 ito. Moreno na makinis. Walang bahid ng pimples sa mukha. Matangos ang ilong. Spanish nose ba tawag don? Latino looks?
Mapungay ang mga mata na itim na itim. Matipuno ang pangangatawan, parang alagang gym. May maliit na silver na hikaw ito sa magkabilang tenga. Modern Mullét ang istiló ng buhok nito na sobrang bagay rito. Matalino rin ito, palaging nasa highest section.
In short, gwapo na matalino pa. Tsk!
Pero never pa ito nagkaroon ng girlfriend. Wala siyang nababalitaan o nakikita man lang na may kasama ito babae. Kadalasan, mga tropa lang nito ang madalas na kasama nito.
Umingos siya. Ang bad sidé nito. Maarté ito. Ayaw nito ng mukhang madungís o mabahó. Supladó rin ito, choôsy sa tao. 'Yon tipong hindi ka niya kakausapin pag tangá ka. At saka, sobrang yabang. Mahangín masyado ang sirauló pati utak may ubó.
Napahinto siya sa paglalakad ng huminto rin ito sa paglakad. Kumunot ang noo niya.
Dagli itong lumingon sa kaniya at seryoso ang mukha.
"Stop staring at me!" singhal nito.
Tumaas ang kilay niya.
"Bawal tignan ang likod mo?"
"Oo. Bawal."
"Weh? Saan ako titingin e nasa harapan kita? Alangan naman maglakad ako ng nakayuko!"
Matiim lang siya nito tinitigan saka tumawid sa kabilang side ng kalsada. Nagkibit balikat na lang siya. See? Maarté talaga ang buang na lalaki na 'yon.
Pagkarating sa school, dumating na rin ang adviser nila. Si Mrs. Valencia. Pinapalabas ang project na kailangan ipasa ngayon araw. Essay sa English subject nila. Napakagat labi siya. Anak ng! Nawala sa isip niya gawin ang project.
Nagpasa na lahat ang ibang kaklase niya habang siya nakikiramdam lang na may namumuo butil ng pawis sa noo at nakayuko.
Kulang na lang kutkutin niya ang kuko dahil sa munting kabang nararamdaman.
Sigurado siyang matatawag ang pangalan niya dahil wala siyang naipasa. Takté!
"Alright. Very good lahat nakapagpasa."
Napaangat siya ng tingin sa adviser nila na si Mrs. Valencia.
Kinalabit siya ng kaklase niyang babae na si Charissa.
"May project ka naman pala, sabi mo wala," wika nito sabay inirapan siya.
Napaawang ang mga labi niya. Wala siyang pinapasa, baka nagkamali lang si Mrs. Valencia. Nais niyang tumayo at magtanong subalit pinigilan niya ang sarili.
What if nakaligtaan lang nito at maalalang wala talaga siyang naipasang project? baka mapahiya pa siya sa buong klase.
Luminga linga siya sa paligid. Pinagmasdan niya ang mga kaklase niya. May gumawa ba ng project para sa kaniya? At sino naman?
Lahat inisa-isa niya hanggang natuon ang atensiyon niya kay Frank na nasa bandang gitna nakaupo at tahimik na nagsusulat.
Tsk! Imposibleng si Frank. Nanaisin pa nito mapahiya siya kaysa tulungan siya. Hmp!
Pero sino?
Nabaling ang atensiyon naman niya kay Gerry. Isa sa mga nagpapalipad hangin sa kaniya. Isa sa mga manliligaw kuno niya.
Ngumisi ito at kumindat pa sa kaniya. Napangiwi siya. Tumaas ang balahibo niya. Literal.
Malabo pa sa malabong si Gerry ang tumulong sa kaniya. Mahina ang ulo nito sa English, pero may naipasa rin ito? Ah, baka nagpabayad na naman ito o may inutusan itong gumawa.
Napabuga siya ng hangin.
Dapat ba siyang matuwa? o mainis?
Hindi sa wala siyang alam o bobó siya. Nakalimutan lang talaga niya gumawa. Swear! Nakalimutan talaga.
Pauwi na siya. Naglalakad pa rin siyang habang malalim ang iniisip.
Napapitlag siya ng may umakbay sa kaniya ng walang pakundangan. Umasim bigla ang mukha niya ng makitang si Gerry iyon.
Tinabig niya ang braso nito na nasa balikat niya.
"Epal ka?" sikmat niya sa lalaking mukhang pariwara sa buhay.
Nakabukas ang suot nito white polo, may black tshirt sa loob, may hiwak sa kaliwang kilay at ilong. Nakasuot ito ng chuck taylor converse na white imbes black shoes.
"Ihahatid kita." Magiliw nito sabi.
Hindi naman ito panget, hindi rin naman gwapo. Hindi rin mukhang mabait. Saan ito belong? Tsk!
Saktong maangas na mukhang walang mama at hindi mahal ng papa.
"Hindi ako nagpapahatid sayo. And, please... don't talk to me. Hindi tayo close."
Mataray niyang sabi at binilisan ang lakad subalit ang tatlong hakbang niya, isang hakbang lang nito dahil matangkad din ang ungas.
"Paano ba gagawin para maging close tayo?"
"Takpan mo bibig mo, 'yon ang gawin mo."
Hindi naman nito pinansin ang pasaring niya.
"May boyfriend ka na, Rainzelle?"
"Marami !"
Natawa lang ito. Halatang hindi sineryoso ang sinabi niya.
"Sama ako? Damay mo na ako. Gusto ko rin maging boyfriend mo," ngising ngisi sambit nito.
"Wala na. Bawal na. Puno na. Sa iba ka na lang. Panget akong maging girlfriend."
"Ows?"
"Oo. Nananaksák ako pag nagugulat. Nananapák ako pag gutom. Tumatawa ako mag isa. Masaya ako pag nakakapatáy ako ng lamok at langaw basta baliw ako!" gigil na bulyaw niya rito.
Imbes matakot o ma-turn off ito. Bumunghalit pa ito ng tawa.
"Ang cute..."
Inismiran niya ito at mas lalong binilisan ang paglakad hanggang sa may nabangga siya matigas na likod. Oops! Napasobra ang lakad niya.
"Ay kamote–"
Lumingon ang taong nabangga niya. Kunot ang noo nito.
Si Frank pala ito. May hawak itong softdrink na naka-plastic.
"Anong trip mo?" lukot ang mukha tanong nito.
Magsasalita na sana siya ng maramdaman na naman may umakbay sa kaniya. Ang kulit talaga ng tukmól na 'to.
Matalim niyang tinignan si Gerry sabay tabig sa braso nito.
"Sige na, Rainzelle– payag ka na maging girlfriend ko. Bibilhan kita ng–"
Hinaklit bigla ni Frank ang braso niya palayo kay Gerry. Madilim ang mukha ni Frank habang nakatitig kay Gerry.
"Hoy–! Sino ka ba? Pampam ka?"
Iginiya siya ni Frank sa may likod nito. Bakit parang natuwa siya sa ginawa nito?
Nagtagisan ang mga ito ng titig. Walang kakurap-kurap. Parang anytime, mag aangilan ang dalawang lalaki. Pakiramdam niya tuloy pinag aagawan siya. Pakulot na kaya siya, humahaba na ang hair niya e.
"Pinsan ko 'to. May problema ba?"
Laglag ang panga niya sa narinig. Aba't sineryoso talaga nito mag pinsan sila? Adík!