HAPPY BIRTHDAY, BABE ....
MADALING araw pa lang binati na siya ni Frank. Maaga siyang nagising dahil sasamahan niyang pumunta ng palengke si Mama para mamili ng panghanda nila mamaya.
Balak ni Mama magluto ng chicken paella, shanghai at walang kamatayáng pancit guisado na laging hindi nawawala sa handa nila.
Pagkatapos mamili, nagtulong lang siya mag-gayat ng gulay at maghiwa ng bawang saka sibuyas.
"Ma, punta lang ako saglit kina Frank–"
Lumingon si Mama sa kanya.
"Araw-araw ka na lang nando'n, Rainzelle baka sa susunod ipaalam mo sakin don kana titira?" sikmat ni Mama.
"Advance ka mag isip, Ma. The best ka talaga !" nakangising tugon niya saka nagmadali na siyang lumabas ng bahay.
Wala na siyang sinayang na oras, patakbo siyang nagpunta kina Frank. Naabutan niya si Tita Fely at Tito Matt na parang aalis.
"Aalis po kayo, Tita, Tito?" bungad niya.
Nakangiti naman sa kanya sina Tita Fely at Tito Matt.
"May bilhin lang kami sa Savemore, si Frank parang tulog pa–" si Tito ang sumagot.
"Gisingin ko po?" syempre kailangan may abiso siya bago umakyat.
Tumango naman si Tita.
"Oo, pakigising nga, Rainzelle. Saglit lang kami sa bayan."
"Sige po."
Nang makaalis na ang mga ito, dahan-dahan siyang umakyat sa kwarto ni Frank. Tulog pa to? Sabagay, madaling araw gising pa 'to para lang mabati siya.
Pagpihit niya ng doorknob nabuksan niya agad ang pinto. Hindi naka-lock. Pagbukas siya, tama nga, tulog pa talaga ang binata. Tsk!
Alas-nuwebe na nang umaga pero nakahilata pa rin. Napapailing na nilapitan niya ito. Sumalampak siya sa sahig, saka niya ipinatong ang baba niya sa kama nito. Nakatagilid kasi ng higa si Frank kaya kitang kita niya ang gwapong mukha nito nang malapitan.
Hinagod ng hintuturó niya ang makapal nitong kilay, patungo sa matangos nitong ilong pababa sa labi nito.
hmmm, tempting líps..
Napangiti siya. Excited na siya sa New year's kiss gift niya rito mamaya. Wala namang masama 18 years old na siya ngayon saka kiss lang naman.
Pero paano naman ang regalo niya para sa sarili? Kunin na niya? Kinikilig na natuptop niya ang bibig. Inayos niya ang buhok saka unti-unti niyang nilapit ang labi niya sa labi ni Frank na himbing pa rin ang tulog.
Sheesh ! Dinampian niya ang labi nito ! Gosh, ba't parang uminit bigla ang pisngi niya?
Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng suot niyang short saka kinuhaan ng picture si Frank habang tulog.
Tsk ! Well-proportioned talaga ang mukha nito. Walang kapintasan sa mukha ang gagó.
"Kailan ka pa natutong magnakaw ng halik?" humikab pa na tanong nito.
Napaigtad siya sa gulat nang magsalita at magising si Frank. Masyado siyang nakatitig sa picture nito kaya di niya napansin gising na ito.
Hinawakan nito ang braso niya, hinila siya patayo at pinaupo sa kama nito. Niyapos nito agad ang beywang niya sabay subsob ng mukha nito sa leeg niya.
"Happy Birthday, babe–" paanas na bati nito uli sa kanya. Bahagya ito lumayo sa katawan niya upang tignan ang mukha niya. "Gusto mo na ba kunin ang regalo ko sayo?" nakangising tanong nito.
Napalunok siya ng laway. Hindi niya alam ang isasagot, kinabahan siya bigla. Kanina pa siya nag-toothbrush, parang gusto niya uli mag-toothbrush muna. Nahihiya siya.
"Ahm, mag-toothbrush muna ako, okay lang?" nakangiwing sabi niya.
Kumunot naman ang noo ni Frank.
"What for? Bibigay ko lang naman 'yon–" akmang ilalapit nito ang mukha sa kanya.
Napausog siya sabay takip sa bibig. Umiling siya.
"Ayaw ! Gusto ko bagong toothbrush ako bago mo ako i-torríd kiss at dapat ikaw rin !"
Magse-share sila ng laway kaya dapat lang na magsepilyo sila. Napanuod niya kasi yon sa Youtubé, 'yon torríd kiss. Halikan na may pagdila-dila pa.
Ilan segundo siyang tinitigan ni Frank bago malakas na tumawa. Halos maluha na ito sa kakatawa habang siya naka-poker face ang mukha niya.
"Ginagagó mo ba ako, babe?" sarkasmong tanong niya.
Huminga muna nang malalim si Frank, kinakalma ang sarili para matigil sa pagtawa sabay umiling.
"Sorry, babe– di ko lang napigilang matawa. Ang cute mo talaga," kinurot nito ang pisngi niya saka tumayo ito. Tumungo ito sa cabinet nito, tila may kinukuha.
May kinuha itong maliit na paper bag at inabot sa kanya. Nagtataka naman siyang napatingin sa paper bag.
"For you, babe. Ayan ang gift ko sa'yo. Masyadong advance ang isip mo e," nakangising sabi nito at tumabi sa kanya. "Open it."
So, nag-assumed pala siya. Akala naman niya i-to-torríd kiss talaga siya nito. Nasayang pala ang ilan araw na panunuod niya ng mga videos para pag aralan ang tang ínang torríd kiss na 'yan.
Binuksan niya ang paper bag. May maliit na blue box ang laman. Binuksan niya ang box, dalawang couple black braided heart magnetic bracelet ang laman.
Kinuha ni Frank ang isang bracelet at isinuot sa kanang kamay niya.
"Suot mo sa'kin 'yon isa–" malambing na utos nito na ginawa naman niya agad.
Sinuot niya ang isang pares ng bracelet sa kanang kamay naman ni Frank.
"Nagustuhan mo?"
Tumango siya. "Ang ganda. Thank you, babe."
"Don't take it off. Sa susunod promise ring naman," nakangiting sabi nito.
Niyakap niya si Frank. Sobrang na appreciate niya ang regalo nito. Naiiyak siya sa tuwa.
"Hindi ko 'to aalisin, kahit anong mangyari."
"Very good. Tara na sa baba, baka mamaya nakawan mo na naman ako ng kiss," biro nito.
Ngumuso siya na nakataas ang kilay. "Gusto mo ibalik ko sayo 'yon ninakaw ko na kiss?"
Natatawang tumayo na si Frank at hinila rin siya.
"Ayos lang naman kung ibalik mo, may penalty na 'yan kaya humanda ka."
Penalty? Hmmm.
Bumaba na sila, sa salas na lang sila tumambay hanggang sa umuwi na sina Tita Fely at Tito Matt. Nagsimula na rin mag ingayan ang buong street nila. Naglabasan na ng mga karaoke at palakasan na ng mga tugtugan.
Pagsapit ng alas sais ng hapon, maingay na talaga sa paligid. Tamang karaoke lang sila nila Frank kasama si Kuya Patrick. Umiinom ang mga ito habang siya tamang inom lang ng lemonade juice.
Palakas nang palakas ang ingay habang lumalalim ang gabi. May iilan na nagpapaputok sa kalsada, may mga batang panay torotót at mga kapitbahay na pinapaingay ang mga motor.
Ito ang unang bagong taon niya na may boyfriend at natutuwa siyang kasama niya ito sasalubungin ang bagong taon.
Lumipas ang oras, sumisigaw na ang lahat para sa counted. Mausok na ang paligid dahil sa mga kaliwa't kanang paputok, panay video naman siya.
4, 3 , 2, 1 .... HAPPY NEW YEAR !!!!
"Happy New year, babe– I love you," bulong ni Frank sa tenga niya.
Ngumiti siya.
"Happy New year too ! And, Happy Birthday, babe. I love you too so much !"
Siya ang yumakap sa beywang nito. Naramdaman niya ang paghigpit din ng yakap nito sa kanya.
Masyadong busy ang lahat kaya nagulat na lang siya nang hilahin siya nito sa kusina, sinandal siya nito sa gilid ng ref.
At walang pag aalinlangan siniil ni Frank ang mga labi niya. Namilog ang mga mata niya dahil sa kabiglaan. Bahagyang lumayo ang mukha nito sa kanya.
"Open your mouth, babe–" malamyos na utos nito.
Napaawang ang labi niya. Magsasalita sana siya nang muling sinakop ni Frank ang labi niya ng labi nito. Napasinghap pa siya ng maramdamang gumalaw galaw ang labi nito na parang may nais hanapin sa bibig niya.
Pakiramdam niya hinihigop nito ang labi niya na nagpapabilis ng kabog ng dibdib niya. Shít ! Napaungol na sya ng madama ang dila nito sa loob ng bibig niya.
Parang may sariling isip ang mga braso niya na yumapos sa batok ni Frank dahilan para lalong lumalim ang pagsasaníb ng mga labi nila. Kakaiba ang pakiramdam niya, hindi niya maipaliwanag hanggang sa paunti-unti niyang natututunan ang galaw ng labi at dila ni Frank.
Munting ungol ang lumabas sa bibig niya ng bahagya nitong sinipsíp ang dila niya. Gumanti rin siya, kada may ginagawa ito sa labi niya ay ginagaya niya hanggang parehas silang lumayo sa isa't isa. Kung hindi pa sila kinapos ng hangin, mukhang hindi pa sila hihinto.
Nakangising pinunasan ni Frank ang gilid ng labi nito.
"Happy birthday talaga sa'kin–"