Chapter 18

1107 Words
BISPERAS NG PASKO .... NASA isang salon siya sa bayan. Balak niyang magpaayos ng buhok. Alam niyang maganda na siya pero kailangan mas gumanda pa siya. "Anong gupit, ganda?" tanong sa kanya ng babaeng makapal ang red lipstick at manipis ang eyeshadow blue. "Layered lang po at paglagyan wispy bangs," ani niya. Hindi na siya nag abalang ipakita ang sample na gusto niya dahil busy sya sa pag-reply kay Frank. Pagkatapos niyang mag-reply nanuod muna siya ng mga dance trend videos para pampalipas oras. Excited na sya para mamaya sa date nila ni Frank. Kakain sila sa labas at magmamasyal. "Okay na 'to–" Napangiti siya dahil sa narinig sabay sulyap sa malaking salamin sa harapan niya. Ang malawak na ngiti nya ay biglang napunit. Bumagsak ang mga balikat niya...habang pinagmamasdan ang itsura nya sa salamin. "Tama ba ganyan ba ang wispy bangs?" Naluluha na siya. Umiling-iling siya. Bakit naging kapatid nya si Dora The Explorer sa bangs nya?! Sobrang iksi ng bangs nya ! "No, hindi po ganito ! Ito po oh–" pinakita niya ang sample picture sa cellphone nya. Napangiwi naman ang babae. "Ay pasensya na, bhe–" Tumayo siya. Masama ang loob nya. Sobrang sama. Nagbayad siya ng 150 pesos para lang pumangit?! Naiiyak na lumabas siya ng salon, pilit man siyang kinakausap ng babae para ayusin subalit naasar na siya. Naiiyak na umuwi siya ng bahay saka nagkulong siya sa kwarto. Ang usapan pa naman nila ni Frank ay aalis sila before lunch pero parang ayaw na niya lumabas ng bahay.. nahihiya siya sa itsura ng bangs nya! Tang îna talaga ! Sumubsob siya sa unan niya at tahimik lang na umiyak. Kung hindi lang kalabisan manakal ng tao, sinakal na sana niya 'yon babaeng na 'yon hanggang maging purple ! Paano siya lalabas ng ganito ang bangs nya? Muntanga! Ilan sandali pa nag-ring ang cellphone niya. Tumatawag si Frank. Napatitig siya sa cellphone. Naiiyak na naman siya. Paano siya haharap sa boyfriend nya? Arghh ! Hindi niya sinagot ang tawag. Hinayaan lang niya iyon hanggang sa tumigil. Napanguso siya saka humarap sa vanity mirror niya. Paano nya reremedyuhan to? Mag-headband siya? Maglagay siya ng clip para matago ang bangs nya? Ang daming problema sa mundo pero mukhang dito pa sya bibigay. Ayoko na sa Earth ! Napaigtad siya nang makarinig ng katok sa pinto ng kwarto nya. "Babe? Alam kong nandyan ka, anong problema? Aalis tayo 'di ba?" Narinig lang niya ang boses ni Frank pero parang pati sipon nya tutulo na rin sa kakaiyak. "Babe?" tawag uli nito sa labas pinto. Tumayo siya sa may pinto subalit hindi niya binubuksan. "P-Parang ayoko na umalis–" "Huh? Why? What's wrong? May period ka? Masakit ngipin mo? Akala ko nasa salon ka kanina? Nasira ba ang hair mo?" May bahid ng pag aalala ang boses ni Frank habang sunod-sunod na tanong nito. Napangiwi siya. Hindi lang sira ang buhok nya, pati confidence nya sirang sira na rin ! Pisté ! "A-Ang pangit ko na..." umiiyak na paanas niya. "Open the door, I want to see you." "Ayaw." "Please? Buksan mo na, patingin ako ng buhok mo." "Pangit ko na. Pag nakita mo ako, baka ma-realized mong hindi na kita deserve, tapos iwanan mo ako," malungkot na maktol niya. "Pinagsasabi mo? Patingin muna saka ko iisipin kung deserve ba kita o hindi." "Ayaw ! Sáksakin mo na lang ako. Nakakahiya !" "So, hindi na tayo aalis?" Napaisip siya. Gustong gusto pa naman niya mamasyal kasama si Frank. Kumain, mamasyal, manuod ng sine at mag-holding hands while walking sa Mall. "Come on, open the door, babe–" "Bawal ang tumawa, okay?" paalala niya nang nakahawak na sya sa doorknob. "Ikaw pagtatawanan ko? Never ! Sige na, patingin na." Huminga siya nang malalim bago dahan-dahang binuksan ang pinto. Tinaas niya ang isang kamay upang takpan ang bangs nya. Bumungad sa kanya ang gwapong mukha ni Frank. Shít ! Deserve ko 'tong gagó na to e ! Nakapamulsa ito at matiim na nakatitig sa kanya. Mayamaya marahang inalis nito ang kamay niyang nakatakip sa bangs nya. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang tila pagpigil nitong matawa, nakatikom ang bibig nito halatang halata nagpipigil ito mapangiti. Matalim ang mga matang dinuro niya ang pisngi nito. "Subukan mong tumawa mawawalan ka ng girlfriend in five seconds !" banta niya rito. Tumikhim ito saka nagseryoso ang mukha. "Okay naman ang bangs mo–" "Hindi siya okay ! Twin sister ko na si Dora, saan ang okay 'don?" nagmamaktol na singhal nya. Napakagat labi si Frank. Pigil na matawa sa harap niya. Hinawakan nito ang bangs nya. "Curl mo na lang ang bangs mo o kaya mag sumbrero ka, gusto mo?" ani nito saka hinaplos ang pisngi niya. "Umiyak ka?" Parang batang tumango saka na nakanguso. Napailing ito. "Hindi ka pangit. Ang cute nga e' parang korean ang style," niyakap siya nito at hinaplos ang buhok nya. Suminghot singhot siya. Kailan ba hindi naging mabango ito? Gumanti siya ng yakap. "Nahiya ako lumabas." "Nasaan na ang girlfriend kong makapal ang mukha at walang pakialam sa sasabihin ng ibang tao?" untag nito saka sinapo ang magkabilang pisngi niya. "Ba't parang sinasabi mong walang hiya ako?" mahinang hinampas niya ito sa dibdib. Pagak na natawa ito sabay iling at kurot sa ilong niya. "Kahit anong hair style pa 'yan bagay na bagay sayo." "Ang galing mong mang-uto, babe–" "Nauto kita?" nangingiting tanong nito. Tumango siya saka sumilay ang matamis na ngiti sa labi nya. Wala na. Niyakap lang sya ni Frank. Okay na sya. Kaya na nyang harapin ang mundo uli. Gano'n ka-simple lang. "Okay ka na? Alis na tayo?" "Hmm.." tango niya. "Good. Bihis ka na. Antayin kita sa baba, okay?" Pinanggigilan pa nito ang pisngi niya saka ito bumaba. Kinikilig na sinarado niya ang pinto at nagmadali na siyang magbihis. Tama ! i-curl na lang niya ang buhok at bangs nya. Korek ! Pagkatapos niyang magbihis at mag ayos ng buhok. Bumaba na siya agad. Nagtama ang paningin nila ni Frank. Halos matunaw siya sa paraan ng tingin nito. Nakangiting nilapitan niya ito. "Kung makatingin ka, parang gandang ganda ka sakin," tukso niya rito. Simple lang naman ang ayos niya. Nakasuot siya ng fitted yellow dress, white crop hoodie saka white high-cut converse shoes. "Lagi ka naman maganda sa paningin ko. May muta o may tuyong laway ka pa sa mukha, maganda ka pa rin." Wala na ! Tinapos na ni Frank ang araw nya. Kompleto na ang mood nya. Tunaw na tunaw na ang puso nya. Kahit wag na sila umalis, magtitigan na lang sila maghapon, okay lang sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD