MGA WALA KAYONG KWENTA .... NAGPUPUYOS sa matinding galit si Kuya Patrick nang malaman nito ang nangyari. Walang pag aalinlangan sinuntok ni Kuya Patrick si Uncle Mando, kahit dumudugo na ang mata nito, bira pa rin ng bira ng suntok si Kuya. Naawat naman ito ni Papa subalit naitulak ni Kuya Patrick si Papa. Natumba si Papa. Nakamatang natulala. Lumingon naman si Kuya Patrick sa asawa ni Uncle Mando na ngayon ay gising na at nakasuot lang ng tshirt... tshirt ni Papa suot. "Anong klase kang tao?!" madilim ang mukhang duro ni Kuya kay Papa. "Umalis lang si Mama, naghanap ka na agad ng kakant*tin mo!" bulyaw nito habang nagtatagis ang mga ngipin. Tumakbo ang asawa ni Uncle Mando patungo sa kwarto nila kung saan nakahandusay ang duguan nilang Uncle. "Diyos ko! Anong ginawa nyo sa asawa ko

