GABI NA ... NANG magising sya madilim na ang paligid. Bumangon sya para buksan ang ilaw ng kwarto nya. Humikab pa muna sya bago lumabas ng kwarto. Walang tao. Umalis na rin sa wakas si Frank. Hindi nya talaga nilabas ito kahit anong katok at tawag nito sa kanya hanggang sa nakatulog nga sya. Dumiretso sya sa kusina. Naroon ang isang box ng pancit malabon. May maliit na papel na nakadikit. [ Sayo na lang. Kainin mo ] Tumikwas ang isang kilay nya. Ano kayang trip ng hinayupák na 'yon? Ayaw nya sana kainin pero nakaramdam sya ng gutom kaya kinain din nya ang pancit malabon na dala ni Frank kanina. Infairness naman masarap ang pancit. Nakakatanggal ng sama ng loob. Hindi pa rin nya kasi makalimutan ang kahihiyan sinapit. Nasapo nya ang mukha sabay iling. Nakita na nito ang kanyang kata

