Episode 6 (Sofia POV)

1492 Words
Sumasakit ang ulo ko sa kadaldalan ng kaibigan ko. Wala itong ginawa kun'di ang bigkasin ang pangalan ng lalaking iyon na akala mo kung sino. Malakas akong napabuga ng hangin habang papasok kami ng dorm. Wala pa rin itong tigil kakakuwento. Hindi ko maiwasang mapailing. Ni hindi ko rin mabilang kung ilang beses ba akong napabuntong-hininga sa walang katapusan nitong kadaldalan. Mukhang 'di rin nito pansin ang pananahimik ko. Well, wala nga kasi akong pakialam sa mga ganoong klaseng lalaki. Para sa akin masyado pa itong bata para makipaglaro ng apoy sa mga kababaihan. At ang mga babae naman, 'di man lang pinahalagahan ang bataan nila sa murang edad nila at ibinigay lang sa lalaking iyon. "Grabi, kinikilig pa rin talaga ako bes! Kung nakita mo lang ang mga tingin niya. Akala mo eh, makakalaglag ng underwear! Ang lalim kung tumitig. Para kang maiihi sa kilig!" tiling wika pa nito. Para bang nanghihina ako sa mga pinagsasabi nito habang ito napaka-energetic. "Paano mo nagagawang kiligin ng ganiyan, bes? Samantalang binalewala ka lang niya kanina. Napansin mo naman siguro iyon," walang ganang wika ko sabay upo sa sofa. At ang lukarit kong kaibigan, parang 'di man lang tinamaan sa sinabi ko. Umupo rin ito sa tabi ko habang 'di mawala-wala ang ngiti sa labi. Grabi, love is blind nga. Bulong ko sa sariling isipan habang napapailing. "Okay lang iyon, bes. Inaasahan ko na iyon." Sabay tawa nito. "Ang mahalaga, nakita ko na siya sa personal at sa malapitan! Gosh! Gusto kong umiyak sa angking kaguwapuhan niya at ang kisig ng katawan niya!" Sigaw nito na parang nababaliw na. Nanlalaki ang mga mata ko ng umupo ito sa sahig at doon kinalampag ang mga paa at para itong nababaliw sa sobrang kilig sa lalaking iyon. "Ouch!" hiyaw nito. Mabilis itong lumingon sa akin. Nakasimangot at matalim ang mga tingin. Nginisihan ko lang ito sabay ngiti ng hilaw. "Okay ka na? Nakakatakot ka naman kiligin diyan. Baka bukas hindi lang ganiyan ang makita ko sa iyo at tuluyan kang nabaliw dahil lang sa lalaking iyon," wika ko. Humagighik ito at 'agad tumayo. "Sorry na. Sobra lang akong natuwa at kinilig ng bongga dahil nakita ko na rin sa wakas ang crush ko!" wika nito. "Hindi na yata crush ang tawag sa ikinikilos mo," kontra ko. Tumalon ito sabay tili. Baliw na talaga. "Bahala ka nga diyan!" Sabay pasok sa kuwarto. Narinig ko pa ang hagalpak nito. Pagkabihis ko, 'agad kong tinawagan ang mga magulang ko. Kaunting kumustahan at kuwentuhan bago ko sinimulan ang pag-aaral. Lumipas ang mga araw at linggo. "Bakit nakasimangot ka?" tanong ko kay Less. Lumalakad kami papuntang canteen. "Hindi na kasi siya napapadaan dito." Sabay buntong-hininga nito. Hindi naman na ako umimik at alam ko na rin naman kung sino ang tinutukoy nito. Nang bigla itong huminto sa paglalakad sabay baling sa akin. "What if, punta tayo sa building nila?" sambit nito habang nangingislap ang mga mata. Babatukan ko sana ito upang matauhan nang marinig namin ang tilian sa paligid. Sabay pa kaming napatingin ng kaibigan ko. Nabingi ako ng tumili ang kaibigan ko. "OMG! Nandiyan siya bes!" tili nito. Muntik na akong matumba dahil biglang nagsiksikan ang mga kababaihan. Sa amin kasi ang tungo ng direksyon ng babaerong si Vinz Liam, kasama ang mga kaibigan nito. Naitakip ko pa ang dalawang kamay ko sa tainga ko at nakakabingi ang tilian ng mga babae. Sa isang sulyap ko, doon ko napansin na may nakakawit sa braso ng lalaki na isang matangkad at sexy na babae. Tingin ko pa lang mukhang mataray at maarte. Nilingon ko ang kaibigan, ngunit masyado na itong malayo sa tabi ko. At dahil malapit na sa daraanan namin ang lalaking si Vinz kaya naman lalong lumikot ang mga kababaihan. Naroong nagtatalon, nagsisitulakan at kung ano-ano pa. Sinikap kung makaalis at naiipit na ako. Hindi ko alam kung may tumulak ba sa akin at bigla na lang akong napasubsob. Kinabahan ako ng maramdamang sa isang tao ako sumubsob at hindi sa sahig. Napalunok ako ng maamoy ang pabango. Amoy panlalaki. Hindi ko naiwasang kabahan ng maramdaman ko ang pnanahimik sa kapaligiran. 'Agad kong nailayo ang sarili ng marealize na nakahawak ito sa baywang ko. And sh*t! Sa lahat ba naman ng makakaharap at makakahawak sa akin ay ito pang babaerong Vinz Liam na ito?! Nakakunot ang noo nito. Hindi rin nakaligtas sa akin ang bulungan sa paligid na mukhang nandidiri sa akin. May tumatawa ng mahina at may lumalait. "Lakas naman ng loob na magpapansin sa babe ko!" "'Di na siya nahiya!" "What the? That nerd?! Hindi ko naiwasang mapatiim-bagang ngunit nanatili akong nakayuko ng makitang ang babaerong lalaki na ito ang kaharap ko. 'Agad akong tumalikod. At mabibilis na hakbang ang ginawa ko upang makalayo sa mga ito. "Let's go, babe. Hindi dapat pinag-aaksayahan ang ganoong kapangit na nilalang!" Muntik na akong mapahinto sa paglalakad ng marinig ko ang sinabi ng kung sinumang maarteng babaing nagsalita. Narinig ko pa ang tawanan sa paligid. Hanggang sa bumalik na naman ang tilian. "Bes, okay ka lang?" Biglang sulpot ng kaibigan ko. Nilingon ko naman ito. Kasalukuyan kaming naghihintay ng professor sa isang subject namin. "Ikaw, okay ka lang?" balik tanong ko rito. Mukha kasi itong sinabunutan sa sobrang gulo ng buhok. "Huwag mo akong pansinin. Ganito talaga kapag nakikita ang crush," wika nito. "Anong nangyari at napunta ka sa harapan ni crush? Ang suwerte mo naman at naamoy mo siya at nahawakan baywang mo bes!" Sabay tili nito ng mahina. Mabigat naman akong napabuntong-hininga. Nang bigla na naman itong magsalita. "Pero bigla akong nainis sa impaktang babaing iyon. Kung makapanlait akala mo kagandahan. Halos isang kilo na yata ng makeup ang nilagay niya sa mukha niya magmukha lang siyang maganda. Eh, baka kapag nakita niya ang totoong itsu--" Bigla kong tinutop ang bibig nito at walang preno kung magsalita. "Your mouth. Lower your voice," bulong ko. "Napalakas ba?" Inirapan ko naman ito na siyang ikinangiti lang nito. "Hayaan mo sila. 'Di ka na nasanay. Araw-araw yata tayong nilalait," wika ko. Ito naman ang nagpakawala ng malakas na buntong-hininga. Nang bigla na namang magkagulo ang mga studyante. Napatingin tuloy kami sa may pintuan. What the? Seriously?! Nagulat ako ng tumingin ito sa direksyon namin ngunit matalim ang bawat titig nito. Ganito ba ito tumingin?? "Gosh! May subject siya na kaparehas natin bes!" kinikilig na sambit ng kaibigan ko. Mabilis akong tumingin sa unahan kung saan kakapasok pa lang ng professor. Laking pasalamat ko at nawala yata ang ingay sa paligid. Ang kamalas-malas at sa likuran pa namin umupo ang lalaking walang iba kun'di si Vinz, kasama ang mga kaibigan nito. Mukha yatang pare-pareho ang course ng mga ito at hindi yata nagkakahiwalay. Tiningnan ko naman ng matalim ang kaibigan at hindi na napapakali sa upuan na akala mo eh, natatae. Kilig na kilig ang mukha nito. "Babe, dito ka na umupo sa amin. Nakakasira ng view kung mga nerd pa ang nasisilayan mo." "Dito ka na lang sa amin, baby. Baka 'di ka makapag-concentrate kung nakikita mo ang mga mangkukulam na 'yan." Napatiim-bagang ako sa mga babaing masasakit magsalita. Pansin ko ring nawala ang saya sa mukha ng kaibigan ko at napayuko na lang ito. Narinig ko rin ang ilang nagsitawanan. Especially ang mga lalaki. Hindi ko naman narinig na nagsalita ang lalaking si Vinz. Nang bigla akong tawagin ng professor. "Miss Sofia, please remove your mask." Bigla akong kinabahan sabay tingin sa kaibigan. "Lagot," bulong nito. "Stand up and remove your mask bago mo sagutin ang katanungan ko," wika pa ng professor. Kapag minamalas nga naman. Ngayon lang yata ito nagpatanggal ng mask?? Dahan-dahan akong tumayo at Dahan-dahan ko ring inalis ang mask ko. Nang bigla ko na lang marinig ang hagalpak na tawa sa paligid. Nakagat ko tuloy ang ibabang labi. "Gosh, ang pangit! Nakakatakot naman! "Akala ko ang makeup, nagpapaganda. Pero mukha yatang ngayon lang ako nakakitang nag-makeup na pumangit!" sambit ng isang lalaki na akala mo 'di lalaki at mahilig mang-bully. Sarap lang talagang isampal sa pagmumukha nito ang totoong itsura ko. Rinig na rinig ko ang tawanan. Ngunit 'agad din tumigil ng sawayin ng professor. Nang masagot ko ang tanong ng professor, nakarinig ako ng tikhim sa likuran ngunit hindi ko ito pinag-aksayahang tingnan. "Matalino sana, ang pangit-pangit nga lang. Wala ring saysay!" parinig ng isang babae sa 'kin. Akmang tatayo ang kaibigan ko ng pigilan ko ito sa braso. Mukha pa yatang papatulan nito ang babaing mapangahas manglait. Umiling ako rito bilang tanda na hayaan na lang. "Nakakainis! Okay lang sana kung ako ang binubully nila. Sanay na ako at tanggap ko. Pero ikaw, hindi tama eh! Kung alam lang nila ang totoong ganda mo--" Tumigil ito ng kurutin ko ito sa braso. Mahina man ang bigkas nito ngunit nangangamba pa rin akong may makarinig especially ang nasa likuran namin. Himala yata at tahimik ang Vinz Liam pagdating sa klase? Pakiramdam ko tuloy, bawat kilos ko napapansin nito. Tsk. Assuming?! 'Agad kong ipinilig ang ulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD