Tawang-tawa naman kami ni Carl habang ikinikuwento kila Kenneth at Paul ang itsura ng nerd na Sofia na iyon ng makita ang ayos nito sa mismong dorm nito. Pati ba naman kasi sa loob pala ng tinitirhan nito ganoon pa rin ang ayos nito. Kulang na lang tumakbo kami sa pagkagulat sa itsura nito. Daig pang pumasok kami sa haunted house at nakakita ng mangkukulam o zombie sa mukha nito. Sa loob-loob ko nga, gusto ko talagang matawa dahil sa makapal nitong labi na kulay uling sa kaitiman. Minsan iniisip ko kung saan bang lupalop nanggaling ang babaing iyon at ganoon ang stylish nito. Ang pangit-pangit mag-ayos sa sarili. Ang manang pa kung manamit. Siguro dahil hindi maganda ang kutis nito kaya ayaw ipakita. Ngunit nawala yata ang nakakatawang nasa isipan ko ng makitaan si Rey na para bang hin

