Napasabunot ako sa sariling buhok habang nakaupo sa kama. Hating gabi na ngunit hindi ako dalawin ng antok dahil sa lalaking iyon! Kung bakit hindi mawala-wala sa isipan ko ang huling sinabi nito. Baka nga totohanin nito ang sinabi ng hambog na iyon. Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay ang may haharang-harang sa pag-aaral ko. Iniisip ko pa lang kung ano na naman ang pakulo nito kinabukasan o sa mga susunod na araw para bang hindi ako mapakali. Ayoko kasing napapansin ako ng kung sino. Lalo na't di naman kapansin-pansin ang mukha ko. I mean hindi naman ako maganda sa paningin nila para maging kapansin-pansin. Patawarin muna kasi. Tama. Iyon na lang ang dapat kung gawin upang tigilan na nito ang mga pakulo nitong kadramahan. Anuman ang binabalak nito, tiyak kong hindi siya magtatagumpay!

