Episode 18 (Sofia POV)

1814 Words

Napahawak ako bigla sa dibdib. Ramdam ko ang kabang sumalakay na akala mo may mga kabayong naghahabulan. Langyang lalaking iyon. Makakita lang talaga ng maganda, hindi pinapalampas! Kapal talaga ng apogs! Bumuntong-hininga ako habang kinokontrol ang paghinga. "Akala niya lahat ng magaganda, papatol sa kaniya ha? Tsk. Pahiya siya ngayon!" Sabay ngisi sa labi. Naalala ko pa kung paano ito natulala habang nakatitig sa akin. Nakakatawa pa nga at medyo nakakanganga ang labi nito. Ganito ba ako kaganda sa paningin niya? Bigla namang gumuhit ang ngisi sa labi ko. Nang bigla akong mapatili sa gulat. Isang malutong na tawa ang kumawala sa bibig ng kaibigan kong baliw. "Anong ibinubulong-bulong mo diyan my bestfriend? May pangisi-ngisi ka pa riyan ha?" Sabay sundot sa tagiliran ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD