"Anong nangyari sa iyo?" tanong ko sa kaibigan. Ngiting-ngiti kasi ito at halatang may kalukuhan na naman itong naiisip base sa pagmumukha nito. Kasalukuyan kaming nasa lamesa. Kumakain ako samantalang ito nakatunghay lang sa 'kin. "Masarap ba ang unang pagsasama niyo ni pogi?" Bigla kong naibuhos sa mukha nito ang tubig na iniinom ko. Pinilit kong huwag matawa ngunit hindi ko nakayanan kaya naman napahagalpak ako dahil sa itsura nito. Daldal pa more kasi. Ayan tuloy sa mukha nito tumama. "Bes, naman! Amoy ko pa ang kinain mo eh!" Sabay tayo nito at hanap kaagad ng pangpunas. Nakabusangot ang mukha nito. "Sorry na. Ikaw naman kasi, anong pagsasama ang pinagsasabi mo?" tanong ko. At wala pa rin itong kadala-dala, umupo pa rin ito at mukhang magsisimula na naman ng kaniyang kabaliw

