Napakurap ako ng pumitik ito sa hangin. "Hey, I'm just kidding!" natatawang wika nito. Inirapan ko naman ito. At nagkunwaring abala sa pagkain. Muntik na ako doon ah! "Baka mawala pa ang nagpapasaya sa akin, mahirap na!" nakangiting wika pa nito. Hindi ko naman pinagka-abalahang pansinin ang huling sinabi nito. At nagpatuloy lang sa pagkain. Pansin ko ang panaka-nakang tingin nito sa 'kin. "Ganiyan ka ba talaga manamit, Sofie?" biglang tanong nito. Gusto ko yatang matawa ngunit pinigilan ko. Kunwari pa akong tumingin sa stylish ng pananamit ko. "Oo, ganito na talaga ako manamit noon pa man. Bakit may masama ba sa pananamit ko?" patay malisyang tanong ko. "Hmm, wala naman. Ako kasi ang naiinitan sa suot mo. Hindi ka ba pinagpapawisan at balot na balot ang itsura mo?" tanong pa nito

