Kabadong-kabado ako habang papalapit sa lola nito. "Grandma," wika ni Vinz. Naestwa naman ako sa harapan ng mga ito ng biglang bumaling sa akin ang matanda. "Siya na ba hijo iyong sinasabi mo?" ang nakangiting tanong nito habang sa akin nakatingin. "Yes la." Tumingin naman ito sa 'kin. "Good morning ho!" Sabay yuko rito. "Good morning hija. Masaya akong makilala ka!" Nagulat ako ng yakapin ako nito. Hindi ko tuloy naiwasan ang mapalunok. Hindi ba ito natatakot sa itsura ko? Or nandidiri? Kasi hindi ba, usually, sa mayayaman matapobre at maaarte? Pero bakit hindi yata iyon ang nakikita ko sa ginang? "Salamat po. Pasensya na po sa itsura ko!" hiyang-hiyang wika ko. Tumawa naman ng mahina ang ginang na sinabayan ng binata. Tiningnan ko tuloy ang katabi ko ng matalim ngunit pailalim.

