"What happened?" Salubong 'agad ng kaibigan ko. Dumiritso lang ako ng kuwarto. "May nangyari ba?" Sabay titig sa 'kin. "Mamaya na tayo mag-usap." Sabay buntong hininga. Tumango naman ito bago lumabas ng kuwarto. Bigla naman akong napatitig sa salamin at pinagmasdan ang itsura. Maya-maya paulit-ulit akong napailing. Isang kasinungalingan ang pinagsasabi niya! Paano siya magkakagusto sa itsura kong ito? Sabihin niya, napaka-babaero niya! Heto ang ganti niya sa 'kin! Ang pagsamantalahan ako! Mariin kong naikuyom ang kamao ko. Napasabunot ako ng maalala na naman ang paghalik nito sa akin. Pakiramdam ko nakadikit pa rin sa labi ko ang labi nito. Ramdam kong nagsitayuan ang balahibo sa braso ko. Mabilis akong naligo. Oras ang lumipas ng kumatok ang kaibigan ko. Nang mga oras na iyon,

